Lorna, Jinggoy, Cherry Pie, and John Lloyd win top acting honors in 5th Golden Screen Awards

Golden Screen Awards winners: (from left) Rhian Ramos, Breakthrough Performance by an Actress for Ouija; Eugene Domingo, Best Supporting Actress for Pisay; Jinggoy Estrada, Best Actor-Comedy of Musical for Katas ng Saudi); Lorna Tolentino, Best Actress-Comedy or Musical for Katas ng Saudi; John Lloyd Cruz, Best Actor-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Actress-Dr



Isang matagumpay na gabi para sa bumubuo ng EntertainmentPress Society (Enpress) ang 5th Golden Screen Awards for Movies na ginanapkagabi, June 24, sa Zirkoh Greenhills.

Halos lahat ng winners sa bawat kategorya ay dumating atkaramihan din ay nag-stay pa hanggang sa matapos ang mismong event. Kaya namansa bihirang pagkakataon ay napagsama-sama at nakunan ang mga winner nangsabay-sabay silang umakyat sa stage ng Zirkoh for the photo op.

Mababakas din sa mga nanalo ang kasiyahan na sila angnabigyan ng pinakamataas na parangal ng Enpress.

Ilan sa mga unang dumating ay ang mga host ng gabing yun nasina John "Sweet" Lapus, JC de Vera, Rufa Mae Quinto, at Rhian Ramos. Gayundinsina Erik Santos, na siyang kumanta sa opening number; ang magkapatid na Glaizade Castro (na nominee for Best Performance by an Actress in a LeadingRole-Drama para sa Still Life) at si Alchris Galura (last year's winner forBest Performance by An Actor in a Leading Role-Drama); ang StarStruck 4Avengers na sina Stef Prescot at Paulo Avelino, at si Will Sandejas from themovie Sikil.

In full force naman dumating ang cast at production peoplebehind the independent film Pisay, na siyang nag-dominate in this year's GoldenScreen Awards. Aside for Best Picture at Best Original Screenplay, ang Pisaydirector na si Aureaus Solito rin ang nanalong Best Director. Nanalo rin ang Pisay sa iba pang categories, tulad ng Best Original Song, Best Musical Score,at Best Editing.

Late na nang dumating si Aureaus dahil kinailangan pa rawniyang mag-undergo ng minor surgery for his feet, pero nakahabol pa ito nangang Best Picture for Drama na ang pinarangalan. Siya na ang tumanggap ngaward.

Comic relief si Eugene Domingo, na nanalong Best Actress in a Supporting Role for Pisay. Nang tawagin kasi ni Sweet angpangalan niya ay nagkunwaring na-surprise pa sa award kahit pre-announced na angwinners.

Sa speech ni Eugene ay nasabi niyang noong nag-aaral daw siya ng highschool, isa sa mga back subject niya ang Science. Pero ironically, ang roleniya as a Science teacher sa Pisay ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang unangtropeyo sa Enpress. Bukod sa direktor ng movie, pinasalamatan din ni Eugene angkaibigang si Cherry Pie Picache at si Direk Andoy Ranay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nakarating at nagpaabot na lang ng pasasalamatat paumanhin ang nanalong Best Actor in a Supporting Role nasi Ricky Davao for Endo. Kasalukuyan pa raw kasi siyangnagte-taping ng Dyesebel noong gabing yun.

Very pretty naman si Rhian Ramos kagabi at masayang-masayaito sa natanggap na karangalan bilang Breakthrough Performance by An Actressfor Ouija. Gayundin si Joem Bascon na nanalo sa kategoryang BreakthroughPerformance by An Actor for Batanes.

All the top performance awards were present that night, sapangunguna nina John Lloyd Cruz, Best Performance by an Actor in a Lead Role-Dramafor One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Performance by an Actress in aLead Role-Drama for Foster Child; Jinggoy Estrada, Best Performance by an Actorin a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ng Saudi; at si Lorna Tolentino,Best Performance by an Actress in a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ngSaudi.

Ito ang first public appearance ni Lorna after her husband, RudyFernandez, passed away. Halos magkakasabay na dumating sina LT, Jinggoy and wifePrecy Ejercito, Phillip Salvador, at Bong Revilla sa venue.

Ayon kay LT, maramiraw silang isina-suggest ng namayapang asawa na si Daboy kay Jinggoy sa kungsino ang puwede nitong maging leading lady for Katas ng Saudi. Pero siya rindaw pala ang kukunin. Ikinuwento rin ni LT na gustung-gusto ni Rudy ang moviena ginawa nila ni Jinggoy dahil nang panoorin daw nila ito, talagang tawa rawnang tawa at na-touch din si Daboy sa ilang eksena.

Malaking bagay rin for LT ang natanggap na karangalan dahilngayon lang daw siya nakatanggap ng award for a comedy film.

Sa speech ni Jinggoy, natatawang biro nito na ang Katas ngSaudi ang isa sa pinakamatinong movie na ginawa niya. Inihandog niya rinang pagkapanalo niya sa best friend niyang si Daboy at sa lahat ng OFW.

Mismong araw naman ng kaarawan ni John Lloyd kahapon, perokahit na kasalukuyang nagdi-dinner kasama ang kanyang buong pamilya atmalalapit na kaibigan, dumating at nag-stay pa rin si John Lloyd sa Zirkoh.Tila nagsilbi pa nga itong reunion sa mga nakasama niya sa Maging Sino Ka Manna sina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

John Lloyd shared his trophy with his co-nominees at nagsabingpara sa kanilang lahat yun. Ayon kay John Lloyd, napakagandang birthday giftfor him ang naturang award. Verymuch honored din ang young actor dahil ang nag-abot ng award sa kanya ay anglast year's winner for Best Actress na si Ms. Gina PareƱo.

Bago naman ang pagbibigay ng Gawad Lino Brocka LifetimeAchievement Award kay Christoper de Leon, naghandog ng isang song number angkaibigang si Tirso Cruz III bilang parangal kay Boyet sa pamamagitan ng kantang"Bridge Over Troubled Water."

Si Ms. Caridad Sanchez, isa sa mga naging artista ni DirekLino Brocka noon, ang nag-present ng natatanging parangal para sa mutli-awardedactor. Sa kanyang speech, mulingpinasalamatan ni Boyet ang naging mentor at director niya at nagpaalala sa lahat ngkakaibang passion at adhikain ni Direk Lino sa industriya at sa bansa namasasalamin sa bawat obra nito.

Ang biyuda ni Daboy na si LT ang tumanggap ng posthumousaward sa namayapang aktor, na iprinisent ng tatlo nitong matatalik na kaibiganna sina Jinggoy, Bong, at Phillip. Pero bago ang pagbibigay ng award,nakakatuwang tinupad ng tatlong magkakaibigan ang kanilang pangako nadarating at kakanta sila nang live sa awards night para sa alaala ni Daboy.

Tahimik sa buong Zirkoh habang kumakanta ang tatlo at umani sila ng masigabong palakpakanafter rendering the song "Paalam Daboy." Silangtatlo rin ang tumawag kay LT, na ayon sa kanilang introduction ay "ulirangkaibigan, ulirang ina, at ulirang asawa."

Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang bawian ngbuhay si Daboy, pero nagawa ni LT na maging less emotional at na-control niyakung anumang kalungkutan ang nasa kanyang puso dahil sa pagkawala ng asawa.

Bukod sa mga artistang nabanggit, dumating din paramag-present ng award at mag-perform sina Yasmien Kurdi, Bobby Andrews, Maggie Wilson,K Brosas, Lance Raymundo, at marami pang-iba.

Bawat winner ay natuwa na bukod sa kanilang tropeyo, maybitbit pa silang sangkaterbang loot bags from the following sponsors of theGolden Screen Awards: San Miguel Beer, Hataw, Ysa Botanica, Filgen makers of STscouring pad, Crystal Clear, Gran Matador, KSA Magic, Stellar, Jaa's bags,Errizaro, Bristol shoes, Fernando's bakery, Africa's Catering, Charms &Crystal, Edward dela Cuesta's Photography, at HBC Splash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kumpletong list ng mga nanalo sa 5th GoldenScreen Awards ng Enpress:

Best Motion Picture (Drama) - Pisay (Solito Arts)

Best Motion Picture (Musical or Comedy) - Katas ng Saudi(Maverick Films)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) -Cherry Pie Picache (Foster Child)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Drama) - JohnLloyd Cruz (One More Chance)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Musical orComedy) - Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Musical orComedy) - Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Drama,Musical or Comedy) - Eugene Domingo (Pisay)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama,Musical or Comedy) - Ricky Davao (Endo)

Breakthrough Performance by an Actress - Rhian Ramos (Ouija)

Breakthrough Performance by an Actor - Joem Bascon (Batanes)

Best Director - Auraeus Solito (Pisay)

Best Original Screenplay - Henry Graheda (Pisay)

Best Cinematography - Larry Manda (Maling Akala)

Best Editing - Mikael Angelo Pastrano, Kanakan Balintagos (Pisay)

Best Production Design - Martin Masadao, Regie Regalado,Dante Garcia, Endi Balbueno (Pisay)

Best Sound - Ditoy Aguila (Kadin)

Best Musical Score - Vincent de Jesus, Jobin Ballesteros (Pisay)

Best Original Song - "Ang Puso Kong Musmos" fromthe movie Pisay, lyrics by Carina Evangelista, music by Buddy Zabalaand Ernest Mangulabnan, interpreted by Ebe Dancel

Best Visual Effects - Still Life


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN