Mark Anthony Fernandez says Regine Velasquez pushes him to be a better actor

"Masarap katrabaho si Regine, at tutulungan ka niya,kung artista ka, na ilabas kung ano yung character mo sa istorya. She makes mefeel na, kailangang galingan naming pareho. Very professional. Para nga akongnag-workshop uli with Regine," raves Mark Anthony Fernandez about Ako SiKim Samsoon lead star, Regine Velasquez.



May pagkakataon noon sa buhay ni Mark Anthony Fernandez na nawalan na siya ngfocus sa kanyang showbiz career. Naroong gusto na lang niyang maging P.E.teacher, may time din noon na gusto niyang maging doctor, na alam niyangmahirap maabot.

"Magkakatotoo naman lahat ng 'yan sa pag-aartista, kayahindi ko na rin kailangang mag-teacher o mapunta pa sa ibang career. Dito rinnaman ako nag-umpisa kaya dapat ay rito na rin ako magtatapos. Ganoon na langang na-realize ko," nangingiting sabi pa ng aktor habang kausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal).

WORKING WITH REGINE. Pagkatapos ng panahon ngpagkalito, naririto ang pagbangong muli ng isang tunay na artista. Si MarkAnthony ay unti-unting nabibigyan na naman ng partida ng GMA-7. Pagkatapos nagumanap bilang major villain sa Kamandag, heto siya at bidang-bida,bilang leading man ni Regine Velasquez sa Ako si Kim Samsoon.

"Masarap katrabaho si Regine, at tutulungan ka niya,kung artista ka, na ilabas kung ano yung character mo sa istorya," sabi pani Mark. "She makes me feel na, kailangang galingan naming pareho. Veryprofessional."

May pagsisisi ba kay Mark dahil ang una raw in-offer sa kanya ay yung sa Dyesebel?

"Hindi ko nga alam na in-offer pala sa akin yun,"natatawang napapailing si Mark. "Basta ako, kung anoang ibigay ng GMA-7 sa akin, alam ko na para sa ikabubuti ko yun, athindi nila ako pinababayaan.

"Basta maganda, okey sa akin. Gaya nitong sa amin niRegine, noong una, nai-intimidate ako sa kanya. Sobra! Hindi ko pa kasi siyamasyadong nakikilala sa set.

"Lahat na ng takot, naramdaman ko kay Regine. I think,it's more of hiya than takot. Pero, mabuti na lang, yung EP [executiveproducer] namin, binubulungan ako. Isipin ko na lang daw na hindi siya siRegine Velsasquez.

"Isipin ko lang na siya sa Kim Samsoon, at yun din angpinaiintindi ni Direk Dominic Zapata sa akin. Para nga akong nag-workshop uliwith Regine," naikuwento pa ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bagong ikinasisiya si Mark. Si Regine mismo,guwapung-guwapo ang dating ni Mark sa kanya at tiyak na makatutulong ito saitatakbo ng romantic angle nila sa nabanggit na soap.

"Nakatataba ng puso, at lagi ko na lang gagalingan,para hindi sila mabigo sa akin, lalo na yung mga nagugustuhan ang ginagawako," sabi pa ni Mark.

STILL NOT OK. Ilang linggo pa lamang naililibing angyumao niyang amang si Rudy Fernandez. Aminado si Mark na hindi pa talaga okeyang lahat para sa kanya.

"Pero kailangan, kaming naiwan niya, lumaban na langnang todo ngayon," banggit ni Mark.

"Hindi pa talaga okey. Kapag ganoon ang nararamdamanko, naglalakad na lang ako. Just do something else. Nagpapaka-busy. Parama-focus sa ibang bagay 'yung isip ko," sabi pa niya.

Nagkataon pa na nang lumisan si Daboy, ang panganay niyanganak ay naka-focus na. Gumagawa na ng mga bagay na muling nagpapatindi sadating nito bilang artista.

"Sobra kasing mahal na mahal ko na yung work ko,"ani Mark. "Lahat ng naipayo sa akin ni Papa, dala-dala ko pa rin atsinusunod ko.

"With regards to Kim Samsoon, halu-halo ito.Nakakapag-comedy ako, action, drama. Pero, before, marami na akong nagawangaction at drama. Gusto ko namang gumawa ng comedy at tamang-tama itong bagongteleserye namin with Regine.

"Pinakamahirap daw gawin na project ang comedy. Gustokong i-challenge ang sarili ko. Na-grant naman ng GMA-7 yung wish kong yun,pinagbigyan nila ako, kaya nasama ako sa project na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN