Sarah Geronimo wants her first boyfriend to be the man she'll marry

"Well, if I were to fall in love, siguro po, labas na ngapo roon ang pagiging ready. Pero, tingin ko, hindi pa ‘ko ready. Kasi nga,palagi ko nga pong sinasabi na gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, siya natalaga ang pakakasalan ko. Yun po talaga ang aking mentality," says SarahGeronimo.



Sa presscon ng A VerySpecial Love sa Burgoo restaurant, Quezon City,noong June 24, marami sa mga naroong press ang nag-iisip na dahil hindi pa nga nagkaka-boyfriend ang female lead na si Sarah Geronimo, mahihirapan siyang ibigay anghinihinging papel niya bilang lovestruck girl sa isangmasungit pero cute na male boss.

Pero ani Sarah, malaking factor daw na isang magaling naaktor na tulad ni John Lloyd Cruz ang kapareha niya. Isa pa, wala na raw siyang anumang pagkailang na nararamdaman kay John Lloyd dahil magkakilala nasila noon pa't nagkatrabaho na raw sila.

"Ano po, e, kumbaga, it came out naturally as we workedtogether. Nangyari na lang. Siguro kasi, ganoon na siya, e. Nahiya na lang dinako na hindi siya pansinin. Kasi dati, hindi ko talaga siya pinapansin dahilnahihiya talaga ako sa kanya.

"So, tinanggal ko na lang ang hiya ko, kaya okey na kami."

NO "BOYCOTT" PLAN. Tungkol sabalitang pagbo-boycott ng mga fans nina JohnLloyd at Bea Alonzo, ayon kay Sarah, natuwa raw siya na hindi naman daw palatotoo ang isyung yun.

"Nagsalita na po kasi ang mga fans ni Bea at John Lloyd atpinatunayan nila na mali ang rumor na yun. Susuportahan daw po nila si JohnLloyd sa kahit anong proyektong gagawin nito.

"Nanood po ako ng The Buzz noong Linggo. So, yun po,at siyempre po, pinagpi-pray ko po na magustuhan ng mga fans nina Bea at JohnLloyd at lahat po ng manonood yung movie."

Hindi ba siya na-offend sa ginawing ito ng mga fans ninaJohn Lloyd? Hindi ba't kung fans din lang, marami rin naman siyang fans.

"Hmm....well, sa totoo lang po, hindi ko na po kasi naiisipyun. Kumbaga, pareho naman po kami na kahit paano, may mga sumusuporta. Kayasana po, lahat sila manood at suportahan na lang po ang movie namin."

LOVE QUESTIONS. May nag-suggest mula sa press peoplena kapanayam niya, bakit daw hindi pa niya subukang magkaroon ngromantic inspiration para maging makulay ang buhay niya. Dagdag pa ng mganambubuyong press, tutal ay 20 years old na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron naman po akong ina-admire na tao at okey na po akoro'n," palihim na tugon ni Sarah.

Tinanong na si John Lloyd kung magkakagusto ba siya kaySarah kung wala siyang girlfriend. "Yes!" naman agad ang sagot ni John Lloyd.How about Sarah, kung single and available nga si Lloydie, would she fall inlove with him?

"Well, if I were to fall in love, siguro po, labas na ngapo roon ang pagiging ready. Pero, tingin ko, hindi pa ‘ko ready. Kasi nga,palagi ko nga pong sinasabi na gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, siya natalaga ang pakakasalan ko. Yun po talaga ang aking mentality.

"At kung loveless naman si John Lloyd ngayon, bakit namanhindi," sagot ni Sarah kung mai-in love ba siya rito. "E, nasa kanya rinnaman po yung mga qualities na hinahanap ko sa isang guy. Pero still...hindi mopa rin masasabi yun kasi, hindi ko pa rin naman siya lubusang kilala."

Napa- "uuuyyy!" naman ang mga entertainment press nangaminin ni Sarah na nung ginagawa raw nila ni John Lloyd ang MMK episodenila ay nakaramdam din siya ng kilig sa leading man.

"Naku, ‘yan na nga ba ang sinasabi ko! Walang maidudulot namaganda ‘yang ‘uy-uy' na ‘yan, e," natatawa't nahihiyang biro naman ni Sarah."E, kasi po, iba po siya. Yun nga po, kumbaga, less effort po sa akin.

"Mahirap kasi, pressured din po ako nung time na yun dahilfirst time kong mag-MMK at makatrabaho pa po ang isang John Lloyd Cruz, so, doble-doble na po ang pressureko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN