Bong Revilla on Jolo-Lovi love affair: "The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan."

"Pero alam mo, sa pag-ibig, mahirappigilan yun, e. The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan. Ang dapat sakanila pangaral, guidance. Kasi kapag inawat mo ‘yan, hindi mo basta-basta mapipigilan‘yan," says Bong Revilla about the love situation of son Jolo Revilla and Lovi Poe.



Aminado si Ramon "Bong" Revilla na nasasaktan siyabilang ama sa nangyayari sa kanyang anak na si Jolo Revilla kaugnay ngpakikipagrelasyon nito sa young actress na si Lovi Poe. Very vocal kasi ang ina niLovi na si Rowena Moran sa pakikitungo ng kanyang anak kay Jolo. Si Lovi ayanak ni Rowena sa yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

"Well, masakit yun bilang ama," sabi ni Bong sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "Pero hindi rin natin maiaalis bilangmagulang din ni Lovi, bilang nanay din siya, natatakot din siya. Ayaw rinniyang mangyari yung nangyari kay Grace [Adriano, ina ng anak ni Jolo], yungkay Osang [Rosanna Roces] na napakamurang edad. Hindi natin masisisi.Naiintindihan ko siya.

"Ako kasi, hindi naman ako yung kung ano marinig ko,mapipikon ka agad, magagalit ka. Ako, titingnan ko agad. ‘Bakit?' Yun agad ako,e. Binibigyan ko agad ng justitification. ‘Bakit? E, kaya naman pala.'Dapat intindihin yun. Kasi dapat maging malawak tayo sa mga bagay-bagay."

Kung buhay ang ama ni Lovi na si FPJ, makikipag-usap kaya si Bong nang usapanglalaki kay Da King?

"Oo naman," sagot ng actor-politician. "Ibig sabihin, kapag siguro nandiyansi Ninong Ron, baka hindi makalapit si Jolo na manligaw doon!" tawa niya.

"Sabi ko nga kay Jolo, ‘Alam mo, kung buhay si Ninong Ron,baka nabugbog ka na!'" tawa ulit ni Bong. "Hindi hindi, hindi naman...Ibig sabihin, baka hindi sila nagkakilala. Hindi makakapasok sa showbiz [si Lovi], e.Hindi siya papayagan. Yung Lovi naman, napakabait na bata, in fairness.

"Pero alam mo," patuloy ni Bong, "sa pag-ibig, mahirappigilan yun, e. The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan. Ang dapat sakanila pangaral, guidance. Kasi kapag inawat mo ‘yan, hindi mo basta-basta mapipigilan‘yan."

THE REAL SCORE. If ever, type niya ba si Lovi for Jolo?

"Oo naman!" mabilis na tugon ni Bong. "Sabi ko nga kay Jolo,‘Si Lovi ang tipo ng babaeng pakakasalan mo. Kaya alagaan mo ‘yan, irespeto mo‘yan.' Sabi ko rin, si Lovi yung Lani [Mercado, Bong's wife] younger version,"dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba talaga ang real score sa pagitan nina Jolo at Lovi?

"Hindi ko lang alam yung personal na ano nila," maingat nasagot ni Bong. "Pero alam ko na ang advice namin sa kanila, ‘Focus muna sacareer ninyo, sa pag-aaral ninyo. Yung love, kung meron mang kumukontra,humahadlang sa inyo, pag-isipan ninyong mabuti. Mahirap naman yung maynasasaktan.'

"Sabi ko nga kay Jolo, ‘Ikaw na naman! Pagod na kami, Jolo!'natatawang sabi ni Bong.

BRIAN REVILLA. What about his eldest son Brian?

"Si Brian at least okey naman siya ngayon. Sabi ni Brian,‘Papa, magpa-pari na lang ako!'" natatawang sabi ng actor-poltitician.

Balita na ang girlfriend ngayon ni Brian ay ang bagong TVStar Patroler at ANC weather girl na si Gretchen Pulido.

"Kaibigan lang yata. Magkaibigan lang ‘ata sila," sabi namanni Bong.

THE IN-LAWS. Kinumusta rin namin ang relasyon nila ng in-laws ngkanyang anak na si Inah Revilla, partikular na ang kanyang kaibigan na si Jorgedel Rosario at misis nito na si Patricia.

"Sa akin, kung anuman ang nangyari those times,kinalimutan ko na yun. Kung meron mang masaya at hindi maganda na pangyayari,kinalimutan ko na lahat yun. Basta ang importante, maligaya ang anak ko. Kungsaan siya maligaya, maligaya na rin ako. At ang importante naman doon, mahalnila ang anak ko. Masaya ako sa pagsasama nina Inah at Vince. Wala akongcomplaint. Dumadalaw sila sa amin, doon sila natulog last week.

"Actually, nung may bagyo nandun sila sa bahay [sa Alabang].Kumirot pa nga yung ano niya, nagkaroon siya ng heartburn. Pinagluto kasi siyani Bryan ngpasta. E, ang daming nakain. Bawal pala yung maraming oil kay Inah kayanagka-heartburn siya. Kasagsagan nung bago nagpunta sila ng ospital, sa AsianHospital. But after a while, umuwi rin sila sa bahay," kuwento ni Bong.

"WINKING" INCIDENT. Tinanong din namin si Bong sa lumabas na balita rito sa PEPna kinindat-kindatan daw siya ni Gretchen Barretto sa burol ng yumaong aktor nasi Rudy Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, ‘yang kindat-kindat? Sa totoo lang, hindi ko nakita‘yan," sabi niya.

Ayon kasi sa report, kinindat-kindatan daw siya ni Gretchen para mapansin ni Bong ang pagpapa-botox diumano ng mukha ng aktres.

"Hindi, wala talaga," tanggi ni Bong. "‘Tsaka hindi, close nasila [Lani at Gretchen]. Nagbeso-beso pa sila nung gabing yun, e."

Ano ang feeling na tila nagpapa-charming pa rin sa kanya angdati niyang karelasyon?

"Hindi, wala na yun. Kumbaga, those were the days. That's waterunder the bridge."

Kung nakita niya ang pagkindat ni Gretchen sa kanya, ano anggagawin niya?

"E, di kikindatan ko rin!" tawa niya.

Natawa lang si Bong nang tanungin namin kung papayagan baniya na magpa-botox din si Lani.

"Hindi pa naman niya kailangan," nakangiti niyang sagot.

Sa kabila ng maraming babae na nagkakagusto kay Bong,nangako raw siya kay Lani na hindi niya iiwan ang kanyang pamilya.

"Yun ang sinumpaan natin sa simbahan. I will never leave myfamily, of course. I may be naughty, pero tao lang naman ako.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN