Andi Eigenmann considers "PBB Teen Edition Plus" a life-changing experience

"Pero ang parents ko, pinapa-feel nilang I should not feel intimidated. I saw some of their films and sa mga napanood ko, sobrang galing nila talaga. Kasi iba-iba yung acting na ipinakita nila e, and I'm very proud of them," says Andi Eigenmann about parents Jaclyn Jose and Mark Gil.


Isa sa pinakabagong mukha sa mundo ng showbiz si Andi Eigenmann. Kung pamilyar man ang 18-year-old na dalaga, galing kasi siya sa pamilya ng mga artista. Anak siya ng mga premyadong aktor na sina Mark Gil at Jaclyn Jose.

Nag-high school sa Miriam College si Andi at kukuha ng Fine Arts sa UP Diliman this coming second semester dahil nahuli siya ng pag-e-enroll doon ngayong pasukan. Bukod sa pagpe-paint, hilig niyang mag-basketball at mag-swimming.

Nagsimula siyang makaranas ng limelight nang maging isa siya house players ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, subalit umalis siya ng Bahay ni Kuya pagkalipas lang ng ilang araw.

"Umalis po ako ng PBB, I think naka-ilang araw lang ako kasi hindi po ako sanay na malayo sa family ko," kuwento ni Andi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon sa 13th floor ng ABS CBN para sa mga member ng Star Magic na nag-celebrate ng birthday ngayong June.

"Medyo na-shock ako na walang freedom sa loob ng Bahay ni Kuya, ‘tapos iba ang style doon, e. Maysakit po kasi akong hyperventilation na kapag ganoon, nagna-numb ang katawan ko kaya nagpa-panic na ako. Isa pa, lagi akong umiiyak sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Unexpectedly, life-changing experience yung naranasan ko doon... And ang natutunan ko doon is, you can never realize how important one thing is, until it's gone," seryosong dagdag niya.

ACTING WITH HER MOM. Before PBB, napasali si Andi sa Prinsesa ng Banyera at dito'y nakaeksena niya ang kanyang ina. Nai-intimidate ba siya sa kanyang parents dahil magagaling silang actors?

"In terms of acting part, my mom and I had a scene sa Prinsesa ng Banyera at naisip ko na magpi-fail nga ako dahil she's a real good actress. Pero she makes it a point na I won't be intimidated and nagawa ko naman yung gusto nilang ipagawa sa akin. Pero you know, at the back of my mind, I feel intimidated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang parents ko, pinapa-feel nilang I should not feel intimidated. I saw some of their films and sa mga napanood ko, sobrang galing nila talaga. Kasi iba-iba yung acting na ipinakita nila e, and I'm very proud of them."

TASTE OF INTRIGUE. Kahit newcomer pa lang, nakakaranas na ng intriga si Andi. Kabilang dito ang balitang hindi raw pagpunta ng father niya sa kanyang debut na ginanap last Friday, June 27, sa clubhouse ng Loyola Grand Villa.

"Hindi totoong hindi ko siya in-invite sa debut party ko, nagtataka nga po ako kung saan nanggaling ang balitang ‘yan," paglilinaw niya.

"My dad and I have communication, close po kami. Ginagamit ko nga ang surname ng father ko. But nowadays, medyo nabawasan ang pag-uusap namin, kasi we're both busy. Pero kapag may oras naman, lagi kaming nagkikita o nagkakausap.

"Simple lang ang birthday party ko, walang 18 roses and 18 candles and no first dance. Medyo weird nga po kahit nasa showbiz ako o I'm always showing up on TV. Pero I'm not comfortable with lots of people, lalo na at birthday ko. Siyempre, ako ang magiging center of attraction, that's why I want a simple birthday party.

"Ang wish ko is to be successful, happy and healthy," mahabang saad ni Andi.

SHOWBIZ CLAN. Inusisa rin ng PEP kung close ba si Andi sa kanyang mga relative dahil kilalang malaking pamilya sa showbiz ang mga Eigenmann.

"Regarding naman sa iba kong kapatid and cousins, close ako sa kanila. Lahat naman kami close. Pinaka-close ako sa anak ni Tita Cherie Gil," lahad ni Andi.

Sumailalim din ba siya sa workshop tulad ng mga baguhang pumapasok sa pag-aartista?

"Hindi po, ayaw kasi ng mom ko. I think they believe na it's already in the blood, yung acting," nakangiting pagtatapos ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN