Eugene Domingo says she accepted GMA-7 offer so she can save more

"Lahat naman tayo apektado ng pagtaas ng bilihin. So, I just want to save up. I'mnot getting any younger and ang suwerte-suwerte ko, kasi yung unang-unangteleserye, Koreanovela, very smooth," reasons comedienne Eugene Domingo on why she moved to GMA-7.



Masayang-masaya ang comedienne na si Eugene Domingo sapagtanggap niya ng kanyang Movie Supporting Actress of the Year award mula sa24th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club sa Ateneo Universitynoong June 27. Nanalo si Eugenepara sa napakahusay na pagganap niya bilang Science teacher sa digital film naPisay.

"Oo, grabe! Bale ika-lima ko na ito. Lahat ng awards,tatanggapin ko para makapagpasalamat ako sa mga tao," lahad ni Eugene, na nanalo ring best supporting actress sa Golden Screen Awards a few days before para pa rin sa Pisay.

Bukod sa award na napanalunan niya, masaya rin siya sa mgakarangalang nakuha ng Pisay.

"Buti nga natapos. Natigil ng ilang araw, ang hirap kasinggawin. Unang-una, ang haba ng script dahil iko-cover namin mula freshmen,sophomore, hanggang fourth year. So, nakapanghihinayang magtanggal ng ibangdetalye kasi history ang aming tina-tackle.

"So, it's not an easy film to do and hindi kaya yung budgetna nakalaan. Siyempre, paulit-ulit na nag-meeting, at awa ng Diyos, nakahingi ngsupport sa mga alumni kung magkakaroon ng compromise at konting pagbabago ngscript. Pero nung natapos, ang feeling ko, lahat talaga kami naka-graduate.

"At alam naman natin na hindi ganun kadaling makapasok. At‘eto ka na, bagsak ako sa Science. Hindi ko alam na mananalo ako na Scienceteacher!" natatawa niyang sabi.

Planoba niyang gumawa ng mga ganitong uri ng pelikula tulad ng Pisay?

"Oo, sana,"sagot ni Eugene. "Sanamabigyan pa ako ng mga roles na hindi yung the usual na napapanood sa akin. Siyempre, kailangan mo ring balansehin, 'diba? So, nagpapasalamat ako dahil si Direk Auraeus Solito na binigyan niya ako ng chance. ‘Tsaka nagpapasalamt ako doon sa principal,si 'Doktora.' Yung principal na kasama ko sa pelikula, yung mestisa. Pumunta saStates kaya yung iba niyang eksena napunta sa akin. Humaba!" tawa niya.

GRAND-SLAM WINNER? Posible nga raw na maging grand-slam winner si Eugene sapelikulang Pisay. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh, wow! O, bakit hindi? Kung ibibigay, tatanggapin ko paramairegalo ko naman sa mga magulang ko. Alam mo kasi, ngayon mo na-appreciatekapag nagha-harvest ka na kung ano yung mga pinagdaanan mo na pagtatanim,ganun. Paminsan-minsan, gusto mo nang gumive-up. Paminsan-minsan, hindi monaiintindihan kung bakit kailangan mo pagdadanan ang mga ganun. Kasi daratingang panahon, aani ka na.

"Dumating talaga ako sa point na gusto ko nang mag-give up.Kasi ang daming pressure. Ang dami mong choice na kailangang gawin. Pero kapagnare-recognize ka, ganyan, naa-appreciate ang trabaho mo, sasabihin mo, ‘Ah,kaya ako inilagay dito ng Diyos dahil meron akong kailangang gawin at alam konaman deep inside, kaya ko ‘to," pahayag ng coemdienne.

FROM KAPAMILYA TO KAPUSO. Hindi pa man nananalo ng award si Eugene ay inuulan na siya ng projects. Isa narito ang teleserye niya sa GMA-7 with Regine Velasquez, ang Ako Si Kim Samsoon.Pero hindi naman kaila na bago mapanood si Eugene sa Kapuso Network ay saKapamilya Network muna siya unang nabiyan ng magandang break sa telebisyon atnakilala.

May balita na kaya niya tinanggap ang teleserye ni Regine aydahil mas malaki ang talent fee na inalok sa kanya ng GMA-7. Totoo ba ito?

"Sabihin na lang natin na mas marami akong maiipon. May edadna rin ako," maikli niyang tugon.

Nag-demand ba siya ng mas mataas na talent fee sa ABS-CBNpero hindi binigay kaya siya lumipat ng GMA-7?

"Hindi naman demand," paglilinaw niya. "Short of saying nabaka puwede namang maglambing, ganyan-ganyan. ‘Tapos, e, sino ba naman ako?Lahat naman tayo apektado ng pagtaas ng bilihin. So, I just want to save up. I'mnot getting any younger and ang suwerte-suwerte ko kasi yung unang-unangteleserye, Koreanovela, very smooth."

Ayon naman ang komento ni Eugene sa sinasabi ng ilan nabumaba na ang popularity ni Regine kaya medyo worried sila sa pagpapalabas ngkanilang teleserye. Batay na rin daw ito sa mababang rating na nakukuha ngmusical show ni Regine, ang Songbird.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan naman, maraming factors gaya ng oras. Hindi naman siya mawawala. Ithink you know sometimes, mapapatunayan mo, it's not the stars that sometimes theaudiences are waiting for. Sometimes, [it's] the material. Kasi nasubukan namannatin kahit ilagay mo lahat ng artista, sikat na sikat, hindi ba? So, I thinkbaka maraming factors na yung sinasabi ninyo nga na ganun-ganun. Pero kami,malaki ng tiwala namin sa Koreanovela na in-adapt para sa primetime ng GMA-7para kay Regine," pahayag ni Eugene.

"MY MONSTER MOM." Kasama rin si Eugene sa My Monster Mom ng mag-inang sinaAnnabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Dahil sa kabisihan niEugene, muntik na siyang hindi matuloy sa naturang pelikula ng RegalEntertainment at GMA Films. Mabuti na lang at ipinaglaban talaga siya ninaRuffa at Annabelle para matuloy siya sa My Monster Mom.

"Ang feeling ko naman kasi, sinisigawan ko siya [Annabelle]sa pelikula tumatahimik naman siya," biro ni Eugene.

Hindi ba siya na-intimidate kay Annabelle?

"Doon sa mga alahas niya, sobrang intimidated ako!" sabaytawa ni Eugene.

Bakit hindi siya na-intimidate sa katarayan ni Annabelle?

"Well, as long as pare-pareho kayong pumunta sa set bilangmga artista at hindi naman kayo feeling-star, I think we're all the same. Kasisi Tita Annabelle, walang kaere-ere. Darating siya, ready na siya. Nakakahiyanaman na hindi ka ready.

"Si Ruffa Gutierrez, ‘pag sinabi, ‘One, two, three, four,five...action! Game!' So, lahat kami, game. Walang mga ere-ere. So, bakit ka mai-intimidatekung lahat ay professional?"

LAUNCHING MOVIE. Nakahanda na rin anglaunching movie ni Eugene, ang Demetria na ipro-produce ng Viva Films.

"Yung sa Demetria, naghahanap pa ng schedule. Hindi namanako nagmamadali. Any movie can launch you, you know, even small or big, puwede.Kahit anong pelikula puwede ka naman ma-launch. But if you're talking aboutthat, Demetria na major, first starring or solo picture, hindi ako nagmamadali.I am enjoying every project that I am committing to and the new actors that Iwork with. Laging ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya na nga raw ang most in-demand character actress ngayonsa industrya.

"Okey yung in-demand, okey sa akin yun," ngiti ni Eugene.

Dahil sa pagiging busy ni Eugene, may mga project nanawawala sa kanya at napupunta sa ibang artista. Nabibigyan tuloy sila ngchance to shine also sa mga 'di natuloy na proyekto para kay Eugene.

"Ay, oo. Pero hindi naman dapat magpasalamat sa akin yungmga nabigyan ng chance dahil busy ako. Ano yun, panahon din nila. Pana-panahontalaga ang lahat. Kaya kailangan gina-grab mo yung opportunity and they aretalented as well," pagtatapos ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN