A tale of two weddings: Bernadette Sembrano's Independence Day wedding and Nina Corpus's Parisian nuptial

Bernadette Sembrano (left) and her husband Vice-Mayor EmilioAguinaldo IV decided to get married on June 12, the date Emilio's grandfather—the Philippines' first president Emilio Aguinaldo—declared the nation's independencefrom Spanish rule 110 years ago. Another couple, Nina Corpus (right) and husband Vince Rodriguezof Studio 23, tied the knot in an 11th century Gothic church inParis, France.



Dalawang magkasunod na Linggo, ekslusibong ipinalabas sa TheBuzz ang kasalan ng dalawa sa news anchors ng ABS-CBN News & PublicAffairs, walang iba kundi sina Bernadette Sembranoat Nina Corpus.

INDEPENDENCE DAY WEDDING. Last Sunday, June 22, ipinalabas sa TheBuzz ang ekslusibong coverage ng kasal ni Bernadette kay Emilio Aguinaldo IV, apo ng unang presidente ngPilipinas na si Emilio Aguinaldo, noong Independence Day, June 12. Nagkakilalasina Bernadette at Orange, palayaw ng mister niya, noong Independence Day, 2006sa Cavite. Nagtatrabaho noon si Bernadette bilang news anchor.


Sumunod na taon, muling nag-cover ng Independence Day sa Cavite si Bernadetteat muli silang nagkita ni Orange. Doon nagsimula ang love story nina Bernadetteat Orange. Nang sumunod na taon, nagpasya na ang magkasintahan nalumagay na sa tahimik. Sa kasalukuyan ay vice-mayor ng Cavite si Orange.

"Thirty minutes to go, excited na ako. Kinakabahan namasaya," pahayag ni Bernadette habang kinukunan ng camera ng The Buzz saaraw ng kanyang kasal. "Kinakabahan ako, kasi mag-aasawa na ako after 32years! Ha-ha-ha!"

Dagdag pa ni Bernadette, "It's worth the wait."

Naniniwala sina Bernadette at Orange na malaki ang kinalamanng bayaning lolo ni Orange na si Emilio Aguinaldo sa kanilang pagkikitahanggang sa kanilang pag-iisang dibdib. Bukod nga raw sa "Indie" na tawagannila sa isa't isa, mismong Independence Dayang napili nilang araw para sa kanilang kasal.

Filipiniana ang napili nilang motif for the wedding atginanap ang kasal sa Chapel on the Hill sa Don Bosco Nasugbu, Batangas. SaSonia's Gardens sa Alfonso, Cavite, naman ginanap ang reception. Atmatapos ang kasal, kaagad lumipad patungong San Francisco, California,ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon.

Feeling ni Bernadette, itinadhana sila ni Orange para saisa't isa. Pati plate number ng kanyang sasakyan ay may numerong 6-1-2 oJune 12.

MARRIED IN PARIS. Kahapon naman, June 29, sa TheBuzz ay ipinakita ang kasal naman ng TV Patrol news reporter na siNina Corpus sa Studio 23 executive producer na si Vince Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bongga ang kasal ni Nina dahil sa Paris, France, ginanap ito.


May 20 naman ng taong ito nang magpakasal si Nina sa kanyang boyfriend na siVince sa isang 11th Century Gothic Church sa Paris.

"It was a dream wedding talaga. Hindi namin akalain namagagawa namin yun sa isang lugar na ganun kalayo at napakaganda.

"It's an old church, one of the oldest in Paris. Thegown was made by my friend Debbie Go. Pati yung entourage, siya yunggumawa."

Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang kani-kanilangpamilya at malalapit na kaibigan na lumipad pa papuntang Paris.

"It was perfect. I got so emotional while walking down theaisle. Kasi nandun yung mga close friends mo and family. Mga 80guests flew from here sa Philippines, U.S., and Canada.

"Yung kanta, ‘Ave Maria.' ‘Tapos si Vince pagtingin ko nung papalapit na rin ako sa kanya umiiyak din siya.

"It's one of the happiest moments sa buhay naming dalawa.Right after the wedding, tumawid lang kami. Siguro 20 steps lang papunta sa reception namin."

Trainee pa lang si Nina sa Studio 23 at EP na noon siVince nang magkakilala ang dalawa. Year 2002 noong nagkarelasyonsila. Noong December 2007 nag-propose si Vince kay Nina. At Pebrero nangmagdesisyon silang mapagkasal sa Paris.

"We decided na doon na rin kami mag-honeymoon. Siyempreandun ka na, e. Nagpunta kami sa Spain, Italy, France.Sobrang fun. Ang saya-saya namin, siyempre. Ang ganda ng lugar‘tapos kakakasal mo lang."

Ipinakita rin sa The Buzz last Sunday ang mensahe niNina kay Vince.

"Thank you for giving me my dream and being with me allthese years."

Sa ngayon, nakahanda na ang bagong mag-asawa sa posibilidadna maging kambal ang kanilang magiging panganay na anak dahil parehong nasalahi ito ng kani-kanilang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN