Jeffrey Quizon reveals 9-year secret in Dolphy's biography, "Hindi Ko Mararating Itong Mag-isa"

"Secrets revealed, sobra! Mababasa na nila finally sabook na yun. With my story alone, for example, may itinago ako sa kanya,kinimkim ko sa kanya yun for nine years," says Jeffrey Quizon about Hindi KoMararating Itong Mag-isa, the official biography of his dad Dolphy(inset), which will be launched on July 25, the Comedy King's birthday.


Nagkaroon ng pagkakataong usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jeffrey"Epi" Quizon sa set ng Dyosa ng ABS-CBN tungkol sa mgakumakalat na chikang lilipat na sa GMA-7 ang ama niyang si Dolphy, pati na angpartner nitong si Zsa Zsa Padilla.

"Matagal na kasing may kumakalat na ganyan, that GMA-7is wooing my dad," ani Epi. "But the thing with my dad kasi, he hasalready reached the peak of his career.

"Palagay ko, sa estado ng career niya, hindi na niyakailangang may masaktan pa kung magde-decide nga siya ng ganoon. Di ba, kasi,kapag may lipatan, may wooing na ganyan, may masasaktan? Pero, huwag na sana inthe case of my dad," paliwanag pa ni Epi.

Ang laging pino-point out daw ng ama niya, sa gagawin nitonghakbang ay kung paano siya mapoprotektahan ng network na kinabibilanganniya.

"Kahit siguro sa ABS-CBN, yung protektahan, just tosave the relationship. It depends on how he's gonna be wooed by GMA-7.

"I don't really know about this wooing. Wala namang showsi Daddy sa ABS-CBN ngayon, kaya sana, hindi na issue yung lumabas siya sa ShowbizCentral. Guesting lang naman yun at may ginagawa silang pelikula ni Vic Sotto. Kaya okey lang siguro yun, at walangmasasaktan," sabi ni Epi.

Kahit paano, pino-produce ni Mang Dolphy ang Dobol Trobolnila ni Vic, kaya tiyak yun na humingi na rin ng suporta ang komedyante saGMA-7.

"Wala naman siguro siyang binabangga sa actions niya. Iknow my father. That's the last thing he would do, to hurt feelings, especiallyin this business, na rito na siya tumanda," dugtong pa ni Epi.

THE DOLPHY BOOK. On July 25, Dolphy is turning 80. Atsa panahong ito'y ilulunsad din ang book, ang official biography ng King ofComedy, Hindi Ko Mararating Itong Mag-Isa.

"Si Bibeth Orteza ang nagsulat, but words from mydad," pahayag ni Epi. "Secrets revealed, sobra! Mababasa na nilafinally sa book na yun. With my story alone, for example, may itinago ako sakanya, kinimkim ko sa kanya yun for nine years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Recently lang niya nalaman ang tungkol doon nangmag-usap kami. Hindi lang kaming magkakapatid. Lahat ngmga tao sa paligid ng daddy ko, at mga taong nagkaroon ng kaugnayan sabuhay niya," banggit niya.

How true na ayaw raw magpa-interview ni Alma Moreno para sanabanggit na libro?

"I don't know how Bibeth did it," sagot ni Epi."Baka busy lang. We tried to interview her. Tumulong na ako riyan. Hindilang talaga magtagpo ang schedule.

"Puwede pa naman. Kasi, kung hindi sa book, I'm sure,kasama siya [Alma] sa DVD special, at baka roon lumabas ang interview on her.Aside from the book, my DVD version pa kasi yun."

After the book, ilulunsad din daw ang Dolphy Foundation for children's free education.

"Para sa mga batang may potensyal talaga, sa anumangfield na gusto nila," paliwanag pa ni Epi tungkol sa proyekto.

"May mga susuporta sa amin para sa foundation.Nilapitan na namin sila at willing silang tumulong. Like Mr. Manny Pangilinan,magbibigay siya ng tulong on a monthly basis. Mukhang perpetual na 'yan, paratalaga sa mga batang gustong makatapos ng pag-aaral," pagwawakas ni Epi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN