Iwa Moto traumatized by the sight of actual birthing

"Naku, hindi pa ako magbubuntis, ano? Hello! Kapapanganak lang ng kapatid niya [Michael, Iwa's boyfriend pictured with her above] at nakita ko kung paanomanganak. Diyos ko, na-trauma ako roon! Umiiyak talaga siya sasakit, kaya naawa talaga ako. Kaya parang pumasok sa isip ko na hindi akomagpapabuntis, mag-aampon ako. Utang na loob!" exclaims Iwa Moto.



Hindi maitago ni Iwa Moto ang glow sa kanyang mga matanowadays. In love kasi ang young actress at hindi niya isinisikreto angmasuwerteng lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso.

Sa premiere night last Sunday sa SM Megamall ng pelikulang MyMonster Mom, starring Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama na palabas na today,kasama ni Iwa ang 29-year-old niyang businessman boyfriend na si Michael Ablanna tubong-Ilocos.

Four months nang mag-on sina Iwa at Michael at halatangmasayang-masaya ang young actress sa kanyang newfound love.

"Mabait siya, responsible, very down-to-earth, hindi mo siyamakikitaaan ng angas, in love talaga ako. At saka, sa akin, napi-feel kona very important ako. Alam mo yun? Iyong feeling na alagang-alaga talagaako," panimulang saad ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"One time nga nagkasakit ako, nataranta iyan, e," patuloy pang tsinitang aktres. "Siya yung nagdala sa akin sa hospital, siya kasiyung tipong hindi siya papayag na may manakit sa akin. Iyon ang pinakagusto ko,yung kaya niya akong ipagtanggol."

Paano ba silanagkakilala?

"Friend ko yung kapatid niya, ‘tapos ipinakilala siya saakin ng kapatid niya. Last year ko pa siya friend, although nagpaparamdam narin siya, pero parang friends-friends, tropa-tropa, hang-out, hang-out,Starbucks-Starbucks lang, alam mo yun? Parang ganoon lang, ‘tapos ‘ayunna, na-fell in love na ako sa kanya."

Hindi naman kaya siya maging hindrance sa career ni Iwa,like kung kailangan ni Iwa na magpa-sexy?

"Hindi, supportive naman siya sa akin. Ang sabi niya saakin, ‘Never akong magiging sagabal sa trabaho mo, alam ko iyong trabaho mo atnaiintindihan ko iyon.'

"At saka ganito na lang, yung ex-girlfriend niya si SachiSanders, yung Viva Hotbabes? So, kung nagpapa-sexy ako, medyo mas next leveliyong sa kanila. Kumbaga, kung ikukumpara yung rate ng pagpapa-sexy nila,para sa akin, medyo wholesome pa ako, di ba?"

Hindi ba parang nagkaroon ng issue sa kanila niSachi?

"Oo, pero naayos na namin iyon. Kasi sabi ko naman sa kanya,tama na, boyfriend ko na ito, at siya naman ay may boyfriend nang iba... Perodapat nga noong time na iyon na nagsasalita-salita pa siya, hindi na siyanagsalita. Kasi that time, may boyfriend na siya at wala na naman sila [Sachiand Michael], so bakit kailangan pang umeksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kinausap ko siya at sinabi ko na, ‘Hindi namankailangan, huwag ka nang manggulo, ate. Ayokong mangarag sa iyo.' So,hayun, at sa pagkakaalam ko, buntis na yata siya, e. Five months na yata."

NO WEDDING PLANS YET. Paano naman kung yayain siyangpakasal bigla ni Michael, or bigla na lang, nabuntis siya?

"Naku, hindi pa ako magbubuntis, ano? Hello! Kapapanganak lang ng kapatid niya [Michael] at nakita ko kung paanomanganak. Diyos ko, na-trauma ako roon! Umiiyak talaga siya sasakit, kaya naawa talaga ako. Kaya parang pumasok sa isip ko na hindi akomagpapabuntis, mag-aampon ako. Utang na loob!"

"Kasal?!" pasigaw na reaction niya sa pag-uusisa ng PEP.

"Ano ba, dati ang tinatanong sa akin, kung kailan akomagkaka-boyfriend, ngayon naman kasal na agad?" pataray na tugon pa niyapero with matching lambing at malulutong na halakhak.

"Seriously, ate, definitely, as of now ay ayoko pa. Parehokami, gusto namin, masaya lang, bago pa lang kami, nasa getting-to-know-eachother stage pa. Maganda naman ang takbo ng buhay namin pareho, ayokongsirain.

"Kasi ang nasa isip ko, kapag stable na ako at the age of25, yung stable na talaga, yung may business and everything, puwede na. Pero kungpagdating ng time na iyon at hindi pa rin ako stable, hindi pa rin [magpapakasal].

"Bale magtu-20 pa lang ako this August, e. So, maylimang taon pa akong gugugulin para magpaka-addict sa trabaho," nakangitingesplika pa ni Iwa.

AIMING FOR NUMBER 1. Tungkol naman sa resulta ngkatatapos lang na FHM Philippines' Sexiest Women, masaya naman daw siIwa sa kinalabasan nito at target niya sa susunod na taon ang mapasali sa Top5.

"Pang-seven po ako, kasama sa international iyon. Oo,masaya naman ako sa standing ko ngayon, umangat naman ako dahil last year,pang-10 ako, e.

"So, malay natin sa susunod na taon, mapasali na ako sa Top5, hindi naman masamang target-in iyon, e, di ba? ‘Tapos next-next year,number one na, di ba? Ako naman kasi, sunod lang sa flow ng buhay. Kungano ang mangyari sa buhay ko, ano ang dumating na blessings, nagpapasalamatako," pagtatapos ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN