Iza Calzado wants to work with Robin Padilla again after "Joaquin Bordado"

"After Joaquin Bordado, sana makatrabaho ko namansiya sa movie. Napakagaan po kasi niyang katrabaho dahil bago kayo mag-take,maayos niyang ituturo kung ano ang gagawin," says Iza Calzado about leading man Robin Padilla.



Nagkaroon ng muscle spasm si Iza Calzado sa trainingniya ng arnis at Muay Thai. Ito ay kaugnay ng paghahanda ng aktres sa mga actionscenes na gagawin niya sa ilang araw na natitira sa Joaquin Bordado, namagtatapos na sa July 11.

"Very minor lang naman po, nanibago lang siguroako," natatawang wika ni Iza nang dalawin ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang set ng Joaquin Bordado.

Patuloy niya, "May konting alam na rin ako sa arnis,pero medyo nakalimutan ko na yung mga ginawa namin noon sa Encantadia. Sakainalalayan naman ako ni Robin [Padilla], dahil kailangan daw cinematic angapproach ko, hindi yung bara-bara lang ang pag-a-action."

"JOAQUIN BORDADO" MEMORIES. Tumagal din ng 22 weeks ang Joaquin Bordado at halosaraw-araw ay magkasama sa taping sina Iza at Robin. Ano ang mami-miss niya kayRobin kapag natapos na ang taping nila sa July 8?

"Iyon pong ugali ni Binoe mami-miss ko, kami ng mgakasama ko dito," sabi ni Iza. "Pati na ang pagiging maalaga niya, saka ‘yongdedication niya sa trabaho. Sa bawat eksena, lalo na sa action scenes,hands-on talaga siya.

"Hindi ko po alam kung saan siya kumukuha ng lakas. Kahitdalawang araw na buo ang taping namin, hindi pa siya uuwi pagkatapos. Tutuloypa siya sa GMA Network para mag-edit ng mga eksenang kinunan niya. Kung minsan,naitatanong ko kung may anting-anting ba siya kaya napakalakas ng kanyangresistensiya.

"Kaya after Joaquin Bordado, sana makatrabaho ko namansiya sa movie. Napakagaan po kasi niyang katrabaho dahil bago kayo mag-take,maayos niyang ituturo kung ano ang gagawin, at napakahusay ding mag-motivate niDirek Mac [Alejandre].

"May mga memorable scenes po ako na hindi ko na siguromakakalimutan dahil sa kanila ni Direk Mac. Dahil sa kanila, inilalagay ko agadang sarili ko sa character kong si Sofia, kaya madali lang ang lahat.

"Isa rito yung love scene namin na may rain effect. Nakatulong yung lamig at panginginig ngkalamnan ko kasi 5:30 in the morning na ‘yon, wala akong tulog kaya nakaiyakagad ako dahil na rin siguro sa pagod. Pero pagkatapos kong mapanood ang eksenasa monitor, sulit ang hirap at pagod ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka po ‘yong helicopter scene, kung napanood ninyo,excited at natuwa po ako doon. I really love my job! Saan pa kaya akomakaka-experience ng mga ganoon, na libre akong nakakasakay sa helicopter,nakapupunta kung saan-saan dahil sa location namin at nakapagpapasaya rin kaming mga tao?"

"BATANES" CO-STARS. Samantala, naikuwento kay Iza ang pagkakapanalo ng co-starniya sa Batanes na si Joem Bascon ng Breakthrough Performance of an Actor mulasa 5th Golden Screen Awards. Si Joemang gumanap na asawa niya sa Batanes na pinagtambalan din nila ng Taiwaneseactor na si Ken Chu.

"Tuwang-tuwa nga po ako nang malaman ko ‘yon at binatiko siya," masayang sabi ni Iza. "Sana magkatrabaho kami ulit. Mahusay siyangaktor.

"Si Ken po, balita ko ay babalik dito sa Pilipinas paramag-produce ng movie. Wala po kaming communication, although may number akoniya at may number din siya sa akin. Sasobrang busy, hindi ko po siya natatawagan."

MOVIES OVER SOAPS. May naging issue noon na tinanggihan daw niya ang offer ngGMA-7 na isang afternoon Sine Novela. Totoo ba ito?

"Wala po akong tinanggihang offer," paglilinaw ni Iza."Nag-usap-usap po kami ng daddy ko [Lito Calzado], who is also my manager.Gusto ko po munang mag-concentrate sa paggawa ng pelikula. Medyonagkasunud-sunod din po ang mga drama series ko kaya gusto ko namang magpahingamuna."

Idinagdag din ni Iza na sinabihan na raw siya ng GMA Filmsna sisimulan na ang shooting ng Amnesia, kung saan makakasama niya sina MarianRivera at Dingdong Dantes. Baka rin daw makasabay nito ang shooting ngDesparadas 2, na entry ng Regal Entertainment sa 2008 Metro Manila FilmFestival (MMFF).

Biro kay Iza, malaki siguro ang bonus nila sa unangDesperadas na ipinalabas sa MMFF last year dahil naging blockbuster din itokahit January 1 na ipinalabas.

"Ito pong Desperadas 2 ang bonus namin!"natatawang wika ni Iza. "Looking forward na po ako ulit to work with Ruffa[Gutierrez], Rufa Mae [Quinto], and Marian [Rivera]. At dinig ko nga po makakasama rinnamin si Ate Uge [Eugene Domingo], kaya tiyak pong lalong riot ang movie naminna muling ididirek ni Joel Lamangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang premiere showing ng movie niyang The Echo naginawa niya sa Hollywood?

"Hindi ko po alam kung kailan ba ‘yon matutuloy. Kasinoong una, sabi nila baka last week of August or first week of September angpremiere night. Pero hanggang ngayon, wala pa po silang confirmation," saadniya tungkol sa Hollywood film na based sa Tagalog movie na Sigaw ng RegalEntertainment, na idinirek ni Yam Laranas.

Dagdag ni Iza, "Ang gusto ko po muna, after ng JoaquinBordado, magbakasyon kahit two weeks sa Canada and U.S. Isasabay ko na posiguro ito sa kasal ng isang pinsan ko sa U.S. para maka-attend naman ako.Tamang-tama pagkatapos kong mag-recharge, pagbalik ko rito, trabaho na ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN