Rufa Mae Quinto thanks "Showbiz Central" for making her a stronger person


"Before kasi, dedma ako. Puwede kong hindi sagutin and Iwill go on with my life. Pero dahil host ako ng isang showbiz talk show, lalokapag ang topic ay tungkol sa akin, kailangan kong magsalita talaga. Wala akongchoice kasi nandoon na ako. Nagpapasalamat naman ako because nabukas ang isipanko sa maraming bagay. Na kaya ko palang ipagtanggol ang sarili at ang pamilyako. Mas naging open at strong ako because of Showbiz Central,&q



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal)recently si Rufa Mae Quinto at nilinaw niyang hindi totoo ang balitanghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Bobby Lopez.

May nakarating daw kasi kay Rufa Mae na nag-give up nadiumano sila ni Bobby sa kanilang relasyon dahil nga "long-distance loveaffair" ito. Naka-base kasi si Bobby sa Hong Kong bilang executive ng Mattel,Inc., samantalang nasa Pilipinas si Rufa Mae.

"Naku, hindi naman totoo ‘yan," diin ni Rufa Mae. "Kahitsaan pa siya madestino, okey lang kasi alam ko ang nature ng trabaho niya.Expat siya kaya palipat-lipat siya ng lugar sa mundo.

"Ang importante ay nandiyan pa rin ang samahan namin.Nandito man siya o wala, we still love each other. Diyan mo naman mate-test angtrue love, di ba? Kahit ano ang mangyari kapag may true love, walangmakakasira sa inyo."

BECAUSE OF SHOWBIZ CENTRAL. Dahil sa pagiging host niya ng Showbiz Central, ani Ruffa Mae, maslalong nakalkal ang buhay niya. Noon ay simple lang siyang artista aynagagawa pa niyang umiwas na magsalita. Pero ngayong isa siyang host ngshowbiz talk show ay kailangang magsalita siya talaga.

"Yun ang natutunan ko sa Showbiz Central, yung magingmatapang sa anumang bagay na ibato sa akin na intriga. Before kasi, dedma ako.Puwede kong hindi sagutin and I will go on with my life. Pero dahil host ako ngisang showbiz talk show, lalo kapag ang topic ay tungkol sa akin, kailangankong magsalita talaga. Wala akong choice kasi nandoon na ako.

"Nagpapasalamat naman ako because nabukas ang isipan ko samaraming bagay. Na kaya ko palang ipagtanggol ang sarili at ang pamilya ko.Lahat naman ginagawa ko for them at ayokong maaapi ako. Mas naging open atstrong ako because of Showbiz Central."

Nitong nakaraang Sunday nga ay na-perfect ng ShowbizCentral ang ratings ng month-long first year anniversary nila. Nakakuha ng15.0 percent rating ang Showbiz Central samantalang 8.8 percent lamang ang TheBuzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN