Bihira na ngayon sa mga celebrity, especially sa young stars, ang nagtatagal ang relasyon ng ilang taon at hindi masyadong naiintriga o nababalitang nali-link sila sa iba. Like the case of Chynna Ortaleza and Railey Valeroso na nag-celebrate ng kanilang 5th anniversary bilang magkasintahan last July 1.
Sa loob ng limang taon na yun, nag-break sila ng ilang buwan pero muli rin namang nagkabalikan. Ikinukunsidera pa rin nila ang naturang breakup as part of their relationship.
Naintriga ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna nang sabihin niya na sobrang naging happy siya when they celebrated their 5th anniversary.
Aniya, "Na-appreciate ko lang talaga ng sobra si Deo [Railey's real name] nung date namin. Para kaming bumalik sa old school of dating. It's like, bago pa lang kaming mag-boyfriend-girlfriend."
Actually, nag-dinner lang daw silang dalawa at nagkuwentuhan. Tinupad daw ni Railey ang wish niya na pakainin siya sa paborito niyang restaurant.
"Yung araw na yun ang pinakamaraming time na napatawa niya ako. Tawa lang kami nang tawa. Sinundo niya ako, ‘tapos nag-Starbucks kami, nag-usap, nag-drawing... Puro kain and tawa, yun ang ginawa namin that day. We ate in Cyma, kasi mahilig ako sa Mediterranean food... Food namin yun if ever we get married. It's a hearty feast of rich food," kuwento ni Chynna.
NO WEDDING PLANS YET. Kahit five years na silang magkasintahan, hindi pa raw nila napag-uusapan o napagpaplanuhan ang tungkol sa kasal.
"Wala pa, hindi pa ngayon yun," sabi ni Chynna. "If ever, matagal pa, ilang years pa. Of course, we want na sana we end up together. Pero sa ngayon, marami pa kaming dapat na gawin individually. Like on my part, marami pa akong plans for my career, sa business ko.
"Ganoon din naman si Railey, yung business niya, inaasikaso pa niya at saka parang nagsisimula pa lang siya ulit mag-comeback ngayon sa showbiz. So yung pagpapakasal, madali na naman yun basta pareho na kaming ready sa bagay na yun."
GIFT-GIVING. Hindi rin daw uso sa kanilang dalawa ang magbigayan ng napakamamahal na regalo sa isa't isa. Although may time na nagbibigayan sila, pero hindi naman daw kailangan na every occasion o kung may okasyon lang. Like on their 5th anniversary, love letter daw ang ibinigay nilang gift sa isa't isa.
"Kaya nga sabi ko, bumalik kami sa old school. Pero ang saya! Pero may promise siya sa akin. Sabi niya, nag-iipon daw siya para makapag-out-of the country kami. It's either birthday niya or sa birthday ko," masayang lahad ni Chynna.
How does it feel na umabot ang relasyon nila ng five years?
"We are happy that we lasted this long. And we feel stronger," sagot niya.
Sinabi rin ni Chynna sa PEP na basahin na lang daw namin ang recent blog entry niya tungkol 5th anniversary nila ni Railey dahil nandoon na raw ang exact feeling niya sa relasyon nila ngayon.
With Chynna's permission, narito ang ilang bahagi ng kanyang blog entry:
July 1, 2003.
I will never forget that day. I will never forget how my heart sang. I was
afraid my whole being was going to explode right then and there when his lips
touched mine and when he whispered I Love You in my ear. I was always confident
about myself. I thought I knew what I was made of until that very moment. My
Life changed.
Ours is a love that is strong. It conquers all obstacles in its path.
Ours is a love that is deep. It lives in our heart and soul.
Ours is a love that is turbulent. It makes us happy then plunges us into
despair.
Ours is a love that is forever. It will never leave either one of us no matter
what the future holds.
My 5 Perfect Years. Now that I am in this moment. I cannot even look at what
has happened in our relationship with hate or regret. All the problems that
have passed are now beautiful to me. All the words said, good or bad, I do not
want to let go of. They are the foundations of this relationship that has
stayed with us for 5 years.
