Claudine Barretto narrates kissing scenes in "Iisa Pa Lamang"



"Uminom siyang wine. ‘Tapos ako, uminom din, kalahating baso lang. Ewan ko nga ba, kasipagkatapos kong manganak, matagal ka nang hindi nakakainom, so, parang nalasingna ‘ko agad sa kalahating wine pa lang," relates Claudine Barretto (left) about howshe and co-star Diether Ocampo (right) loosened up for their kissing scenein Iisa Pa Lamang.



Naging emosyunal at tila lost for words ang female lead ng Iisa Pa Lamang na si Claudine Barrettomatapos mapanood ang press preview ng bagong teleseryeng ito ng ABS-CBN.

"Naiyak! Naiiyak ako kanina, sobra! I think, after no'ng mga hospital scenes. Kasi, grabeyung pressure sa amin. Ang laki-laki ng budget ng soap na ito, so,talagang kahit puyatan na kami, parang naiisip ko, it's all worth it," unang pahayag ni Claudine nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng preview sa Cinema 2 ng TheBlock, sa SM North EDSA, Quezon City, kahapon, July 4.

Isa si Claudine sa mga reyna ng primetime series ng Kapamilya Network sa napakarami niyangteleseryeng nagawa in the past. So, ano nga ba ang pagkakaiba ng bagong seryeniyang ito sa mga nakaraang series na nagawa niya?



"I think, ano...iba-iba kasi. I am just so blessed that I was trained by DirekWenn Deremas. Na talagang sobrang istrikto niya. Disiplinado. Kung kaya'tnaging professional talaga ‘ko.

"At isa sa mga pangarap kong talaga, ang makatrabaho si Direk Ruel Bayani, [a co-director of Iisa Pa Lamang] soalam naman natin na lumipat siya [from GMA to ABS]. So, akala ko, hindi na kamimagkakatrabaho. And then, ‘eto.

"It's also an honor for me dahil first time kongmakakatrabaho si Direk Manny Palo na we all know, nag-aral pa sa India."

"GIVING IT ALL." Natawa naman si Claudinewhen asked about the write-ups na nagsabing "bumigay" raw siya sa kissingscene nila ni Gabby Concepcion.

"Ha-ha-ha! Hindi, hindi! Ibinigay ko siyempre anglahat-lahat ko, kung ano ang kaya kong ibigay para sa viewers."

Mas natawa si Claudine sa reaksyon naman ng leadingman na si Gabby Concepcion nang makarating dito na "bumigay" nga siya sa kissingscenes nila. Anito, "ibinigay ko rin naman ang sarili ko."

"Suwerte ko na lang!" natatawang pahayag nga niClaudine. "Pero actually, thankful ako sa ABS-CBN at sa lahat, dahil sa akinnapunta yung project. Parang...di ba, napakalaki na nakasama ko pa sina Ms.Susan Roces, Laurice Guillen, Cherry Pie Picache...Hanggang ngayon, sobrang-overwhelming!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WINE HELPED. Parehong naka-love sceneni Claudine sina Gabby at Diether Ocampo, pero sa dalawa raw, kay Diether siya nailang noong una.

"Of course! Sabi ko nga, ‘Ano ba ‘yan, parang anghinahalikan ko, kapatid ko!' Mas doon ako nahirapan," pag-amin niya.

Ang ginawa raw tulong sa kanya ni Diether paramawala ang ilang factor niya ay niyaya siya nitong uminom ng wine.

"Uminom siya ng wine. ‘Tapos ako, uminom din,kalahating baso lang. Ewan ko nga ba, kasi pagkatapos kong manganak, matagal kanang hindi nakakainom, so, parang nalasing na ‘ko agad sa kalahating wine palang."

RAYMART IN THE PREVIEW. Samantala,present din sa press preview ang kanyang asawa na si Raymart Santiago. Naitanongnga ng PEP kay Claudine kung ano ang reaction ng asawapagkatapos nitong mapanood ang mga passionate love scenes niya with Diether?

"Napanood na niya yung Kailangan Kita at saka NasaanKa Man, hindi na ko nagpapaalam sa kanya. And meron kaming....hindi ko maintindihankung anong respeto. Trust sa isa't isa. Maybe because of counseling, you know.Na even if, ibinibigay ko ang lahat ko bilang isang artista, palagi akongnagdarasal to keep us away from temptation. Kasi, iba ‘yan, e...iba yung tina-trymong i-block and you know... God's grace talaga."

Dati-rati, kilala si Raymart sa ugali nitongconservative at seloso sa kanyang mga naging girlfriend. Ayon namankay Claudine, tingin daw niya, nawala na yun sa asawa.

"Oo, e! Balita ko rin yun, e, seloso nga raw!"natatawang sabi ni Claudine. "Pero, sabi ko nga, mukhang sa akin naman, hindiyata nagseselos kahit na kanino. But of course, I'm happy. I feel secure nasecure ako."

Dugtong pa niya, "Sobrang happy ako na nandito siyato support me. Hayan nga, nauna pa nga sa akin, e. Sobrang supportive niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN