Mommy Carol narrates how Judy Ann Santos told her about her engagement


"Marami kaming pinag-usapan, nagkaiyakan kaming mag-ina. Atnang makatulog na siya, pinagmamasdan ko ang mukha niya at nasabi ko ulit sasarili ko, talagang hindi na maiiwasang mawawala na sa akin ang bunso ko. Peromaluwag sa puso ko iyon dahil alam kong magiging maligaya siya kay Ryan,"narrates Mommy Carol Santos (right), Judy Ann Santos's mom.



Nagiging teary-eyed pala si Mommy Carol Santos, Judy Ann'smom, tuwing naaalala o napag-uusapan ang tungkol sa engagement ninaJuday at ng kasintahan nitong si Ryan Agoncillo. Kaya hindi na naman nitonapigilang ang maluha nang interbyuhin ito about the engagement sa Startalk kahapon, Sabado, July 5.

Naisulat na nagtatampo raw si Mommy Carol. Hindi raw kasi itopinagpaalaman ni Judy Ann about the engagement at marriage proposal na nangyarisa Antulang Beach Resort Dumaguete, kunsaan nag-celebrate si Juday ng kanyangbirthday noong May 11. Sa mga write-ups na lang daw niya nalaman na engaged napala ito sa kasintahan.

"Hindi. Ang totoo, alam ko. Kasi tumawag sa akin siJuday from Dumaguete, umiiyak siya," sabi ni Mommy Carol. "Tinanongko siya kung bakit siya umiiyak, ang sagot niya sa akin, mayroon daw kasingisang tao na nag-propose sa kanya at nagbigay ng engagement ring. Perowari ko sa kanya, iyong pag-iyak niya, sa tuwa at shocked din siya dahil hindiniya in-expect na gagawin iyon ni Ryan. Kaya sabi ko sa kanya, talagang doonnaman tutuloy iyon. Hindi ko lang talaga ipinaalam sa iba dahil sa pakiusapna rin sa akin ng anak ko. Gusto raw nilang maging sa amin na lamang muna iyon,at sumunod naman ako sa kanya. Ngayong nagsalita na sila, sumasagot na rinako sa mga nagtatanong sa akin.

"Kaya noon pa, naiiyak na ako, dahil naisip kongtuluyan nang mawawala sa akin ang bunso ko. Pero alam ko naman, hindi namansila basta-basta magpapakasal, alam kong marami pang iku-consider si Juday,kasama na ang kanyang mga commitments. Alam kong pagpaplanuhan nilang mabutiiyon, hindi pa sila ngayon magpapakasal.

"Ang ipinagpapasalamat ko lang, alam kong mahal namahal siya ni Ryan at nakikita ko kung paano niya inaalagaan ang anak ko. Angisa pang dapat na iku-consider ng mga mag-aasawa, iyong kung mahal din siya ngpamilya ng lalaking pakakasalan niya para maging successful ang kanilangpagsasama, at nakita ko naman ito sa family ni Ryan. Nakikita ko kung gaanonila kamahal si Juday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang bumalik sina Juday from Dumaguete, dala-dala paniya lahat ng mga bags niya, doon siya tumuloy sa bedroom ko, sabi niya doondaw siya matutulog, gusto niyang magkatabi kaming matulog. Marami kamingpinag-usapan, nagkaiyakan kaming mag-ina. At nang makatulog na siya,pinagmamasdan ko ang mukha niya at nasabi ko ulit sa sarili ko, talagang hindina maiiwasang mawawala na sa akin ang bunso ko. Pero maluwag sa puso ko iyondahil alam kong magiging maligaya siya kay Ryan.

"Alam ko rin namang hindi pa ngayon mangyayari iyon. Angalam ko, gusto rin muna nilang paghandaang mabuti iyon. Ang alam ko maymga commercials si Juday na may mga clause na hindi siya puwedeng mag-asawahanggang hindi natatapos ang contract niya sa advertising agency. Alam koring gusto muna nilang magpatayo ng sariling bahay."

Sakaling dumating na ang preparation for the wedding,siyempre, dapat ang daddy ni Juday ang maghahatid sa kanya sa altar. Alamnaman ng lahat na matagal nang hindi nagkikita o nagkakausap si Mommy Carol atang daddy ni Juday. In fact, umiiwas nga siya tuwing umuuwi ng Pilipinas angama ng mga anak niya. Kahit pa anong pilit sa kanya, hindi siya nakikipagkita onakikipag-usap dito.

Paano kung hilingin ni Juday na ang daddy nito ang maghatidsa kanya sa altar?

"Kung hihilingin ni Juday na ang daddy niya angmaghatid sa kanya sa altar, ibibigay ko iyon sa kanya,. Sabi nga, parang lasthurray na. Papayag ako," nangingiti nang wika ni Mommy Carol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN