Emilio Garcia has no problem appearing in gay-themed movies

"Alam n'yo, kung maganda naman kasi ang kuwento, tulad nalang no'ng Selda. Kung hindi ko tinanggap yun, di ba? At least ngayon,makakarating ako ng Canada, Greece, India... Kumbaga, huwag nilang tanggapin, ako nalang ang tatanggap lahat!" reasons Emilio Garcia about accepting roles in gay-themed movies.



Nagkaroon ng pictorial ang mga bida ng independent/digitalgay film na Eskandalo na sina Emilio Garcia at Andrew Schimmer sa studio ngphotographer na si Edward dela Cuesta kahapon, July 7. Sa naturang pictorial aynakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Emilio.

Hindi itinatago ng aktor ang nararamdaman pa rin niyangkaligayahan pagkatapos niyang manalo bilang Best SupportingActor sa Gawad Tanglaw at Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa isapang gay indie film, ang Selda. Finally, nakasungkit na rin daw siya ng actingaward.

"Masaya talaga!" bulalas ni Emilio. "Siyempre, angtagal-tagal nating hinintay ‘to. After 12 years sa showbiz, ngayon lang tayonanalo talaga ng award. Before, puro nomination lang. So, okey lang naman kasiakala ko nga, matagal pa talagang darating. Awa naman ng Diyos, nakumpleto akongayon."

Naniniwala naman daw siya na kanya-kanyang opinyon ang mgatao sa mga nanalo. Aware naman daw siya na hindi pa rin nawawala ang ilangnagtatanong o nagdududa minsan kapag nanalo ang isang artista. Pero nagpapasalamat siya na wala naman kumukuwestiyon kung siya man angnakapag-uwi ng tropeyo for Best Supporting Actor.

"Siguro, baka nag-timing lang din na wala sigurong masyadongnag-entry for Best Supporting. Pero hindi ko rin alam kung gaano karami. Sabiko nga, kanya-kanya naman kasing opinion ‘yan at timing-timing lang din," saadng award-winning actor.

MORE DARING. Para kay Emilio, mas daring daw ang Eskandalo kungikukumpara sa Selda. May eksena kasi sa Eskandalo—na idinirek ni Joven Tan—kung saan pinasukan siya ng Stabilo marker sa behind niya ng love interest niya rito na siAndrew Schimmer. Bukod pa raw rito ang shower scene nila.

"Mas pa-girl kasi ako rito," sabi ni Emilio. "Teacher angrole ko na may pagka-conservative. At sa edad ko rito na 35, first time ko nagagawin ang magladlad. So medyo late bloomer."

Hindi raw alam ni Emilio kung gaano kalaki o kaliit angsimilarity ng ilang scenes sa Eskandalo sa controversial YouTube video tungkolsa eskandalong naganap sa isang hospital sa Cebu City, kung saan isang gay angnakunan ng video habang inooperahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ko sa YouTube yun dati. Pero kasi, yun ang alam koroon, nirereklamo ang mga doctor, nagtatawanan. Pero kami naman dito, walangnagtatawanang doctors. So, hindi puwedeng sabihing ginaya. Nagkataon lang sigurona parehas ng konti, pero hindi, e. 'Eto kasi, ginawan nila ng istorya kaya iba talaga," paliwanag niEmilio.

NO PROBLEM WITH GAY FILMS. Nagsimula si Emilio bilang modelo, hanggang sa mapasabak siyasa mga sexy roles, naging action star din, at ngayon, nalilinya naman siya sa gayfilms. Katuwiran niya, wala raw siyang problema with gay films.

"Alam n'yo, kung maganda naman kasi ang kuwento, tulad nalang no'ng Selda. Kung hindi ko tinanggap yun, di ba? At least ngayon,makakarating ako ng Canada, Greece, India... This year, pupunta yata kami ro'nfor an international festival abroad. Kumbaga, huwag nilang tanggapin, ako nalang ang tatanggap lahat!" biro niya.

But on a serious note, "Sa tingin ko, isa rin yun samaireregalo ko sa pamilya ko pagdating ng panahon, na maipagmamalaki rin nilaang kanilang tatay na hindi lang isang artista kundi may napatunayan din kahitpaano."

Tatlo na ang anak ni Emilio na ang mga edad ay 11 at 7 years old, at 3 ½months. Parehong babae ang naunang dalawa at ang bunso ang bukod-tanginglalaki. Yung mga shows lang daw niya sa telebisyon ang mga napapanood ng kanyangmga anak, pero sa pelikula ay wala pa raw.

"Well, siyempre, alam naman nila, maaga pa langsinabihan ko na sila na, ‘Ito ang trabaho ni Daddy.' So, alam na nila kungpaano. Ang bata naman, sabihan mo lang, ‘Eto ang trabaho ko, e. Hindi pa kayobuhay, trabaho ko na ‘to.' Alam naman nila kung pang-adult, pang-adult.Natutuwa naman ako sa mga anak ko dahil matatalino naman sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN