Willie Revillame admits drafting his "last will and testament"

Willie Revillame describes his health condition: "Yung aking intestine, small and large, di ba, colon yun,magkadikit? May extension yun. May nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasinga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang damikong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kaminagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block naisang ugat."

Main photo


Walang nabago sa buhay niWillie Revillame kahit pa natuklasan niya noong nakaraang linggo ang mga sakitsa katawan. Matatandaang inanunsiyo ni Willie noong ika-3 ng Hulyo sa Wowowee ang tungkol sa kanyang sakit sa intestine at puso.

Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang present stateof mind ni Willie.

"Wala, sabi ko lang bastalife goes on. Kunwari may na-discover sa akin na cancerous? Ganun ang buhay,e," lahad ni Willie sa set ng comeback movie niyang Mr. Housewife.

Marami ang nagulat nungnagsalita si Willie sa kanyang daily noontime show, matapos niyang maospital ngilang araw. Nais daw niya na iburol siya sa mismong stage ng Wowowee.

Paliwanag ng 47-year-old host-comedian, "Gusto kodoon sa ano, yung Studio 3 na yun kasi doon ako umangat, doon din ako bumagsak,e. 'Tsaka very historical ‘yan. Nandiyan nag-show noon sina Nora Aunor, VilmaSantos, diyan lahat. So, diyan ang pinakalumang studio ng ABS-CBN...Diyannagsimula yung D' Sensations, lahat ng mga shows dati ng ABS-CBN na mga noontimeat primetime. So, parang part ka na ng history."

Ano ang naging reaksiyon ngABS-CBN president na si Charo Santos-Concio sa health condition niya?

"Alam mo, I'm so glad kasinung time na nalaman nila, pinatawag agad ako ni Ma'm Charo. Nag-lunch kami.Pinaghandaan niya ako ng lunch, kaming dalawa lang. Nag-start kami ng meetingng 3:00 pm, kaming dalawa lang, natapos kami 6:30 pm," ang kuwento ni Willie.

Pinangaralan ba siya ng ladyboss ng ABS-CBN?

"Wala, hindi," ang mabilisnitong sagot. "Never akong pinangaralan noon, kahit biru-biro."

At kahit pa nakakabahalaang findings ng doctor, hindi raw natatakot si Willie sa maaring sapitin niya.

"Para sa akin, ang buhaysimple lang," aniya. "Buhay ka, enjoy your life. 'Pag namatay ka, ganun talagaang buhay. Lahat naman tayo diyan pupunta. Ako lang, what is important ay yungeveryday life ko, e. Dapat nag-e-enjoy ako, nag-e-enjoy ang mga manonood."

LAST WILL AND TESTAMENT. Kinumpirma rin ni Willie ang balitang ipinapagawa naraw nito ang kanyang last will and testament.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Willie, "Actually,pinapagawa ko talaga. ‘Tsaka pinapagawa ko at the same time...may mga importantengtao sa buhay ko na gusto kong ilagay doon na hindi ko kamag-anak. Hindi kasi,nung down ako sa buhay, nandiyan,e. So, hindi ko makakalimutan ang mgataong ‘yun.

"Kung napamahal man ako sakanila, I don't think na hindi dapat pag-anuhan ng mga anak ko. Kasi nung timena down na down ang tatay ninyo... Kasi yung mga properties ko naman ngayon,fully paid na lahat. Wala akong utang."

Balak niyang ibigay ang mga land properties sa mga anak—tatlong babae at isang lalaki. Ang isa ay ang aktres na si Meryll Soriano, at ang kanyang unico hijo na si Juan Emmanuel, o Juamee, ay anak niya sa dating beauty queen na si Liz Almoro.

Aniya, "Yung Capitol [bahay], regalo ko na kayMeryll. Pinaayos niya. Inaayos na [ang paglipat sa pangalan ni Meryll]... Ganundin, e, bibigay ko rin naman sa kanya lahatyun. Yung sa Tagaytay ko, hati-hati silang lahat na mga anak ko kasi 4,000square meters yun, e. Malaki yun, e."

Sa pagpapatuloy niya, "Bastamagugulat na lang lahat ang mga taong hindi nila ine-expect na meron. Bastameron. Actually, yung last will and testament ko, kaya ko ginawa ‘yan, kasi sapangyayari sa buhay ko na napakabilis. So, alam mo, baka mabilis lang lahat, e.So, kung meron man akong na-investngayon, para sa mga mahal ko sa buhay—una, sa apat kong anak, maghahati-hatiyan—‘tsaka yung mga taong importante sa buhay ko, na naging part ng buhay ko,especially yung krisis ng buhay ko."

NEW HOUSE. Kinumpirma rin ng host nalumipat na siya sa bago niyang bahay sa Corinthian Gardens, Quezon City, two weeks ago. Kumusta namansiya sa kanyang bagong bahay?

Sagot niya, "Okey naman.Maganda, maayos. Kasi pinaano ko ‘yan, e, binili ko nang bago [yung bahay], pinagibako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento niya nakasama sa bayad ang bahay na nakatayo sa lote. At nang usisain ng PEP kungmagkano ang ginastos niya sa pagpapatayo ng bagong bahay dito, "12 million" ang amount na binaggit ni Willie. It's like building another house raw kasi.



Ayon pa sa kanya, bale ika-apatna bahay na niya ang nasa Corinthian Gardens. Hindi pa kasama rito ang nabalitang property niya sa Punta Fuego, Batangas.

"Hindi pa," pagkakalaroniya. "Inaayos ko pa yun. Hindi pa kami nagkakasara."

Nang usisain naman siya kung meron siyang balak na bumili ng farm, aniya, "Kasi yung bahay ko saTagaytay, sa Highlands ‘yan, e."

VISIT FROM HENRY SY. Nabanggit din ni Willie ang mga iba pa niyang naipundar at angpagbisita sa kanya ni Henry Sy, ang may-ari ng Tagaytay Highlands at lahat ngSM Supermalls.

"Si Henry Sy, pinuntahan paako ni Henry Sy nung Holy Week. Nandun ako sa yate ko nung Holy Week, dumaansiya doon ‘tsaka si Willie Ocier. Dinalaw ako. Wala ako doon sa Tagaytay atnasa yate ko ako, na nasa Maya-Maya [Batangas].

"Doon din yung bahay ni Aga[Muhlach]. ‘Tapos may mga bago akong speedboat at jet ski, nasa Punta Fuegonaman. Nandun lang yun. Kaya ‘pag may mga bisita ako from the States, ‘O, mag-Tagaytaykayo.' ‘Tapos papadala ko sila sa Batangas, magya-yate sila. Pero ngayon, walaakong time, e."

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento tungkol sa pagbisita sa kanya ni Henry Sy, ani Willie, "Tinawagan ako nina Nadia [Montenegro], ‘Alam mo ba kungsino ang nandito ngayon? Si Mr. Henry Sy.' Kanya yun [Tagaytay Highlands], e. Alam mo kung gaanokalaki yun? 15,000 hectares yun."

Ano naman ang sinabi niHenry Sy sa kanya?

"You have a very beautifulhouse. Chinese yun, huh! Lahat ng SM kanya. 'Tapos may binili na naman siyang isangisland sa Pico de Loro, yung Jamillo sa Batangas, ano rin yun, nasa 4,000square meters din yun. Yung ferry boat mula sa Mall of Asia, dadalhin kayopapuntang Batangas in 45 minutes," ang kuwento ng Kapamilya star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLIE'S WISH. With all these blessings,ano pa ang wish niya bukod sa kanyang lovelife?

"Ako ang wish ko lang, to behonest with you, lahat nitong properties ko, perang ito, hindi ito importantesa akin. Totoo! Mawala ‘to, sabi ko nga sa Panginoong Diyos, anytime na kunin Niya ‘to, okey lang sa akin. Para nga akong si Job sa Bible. Nung kinuha saakin lahat, nung binalik sa akin, doble-doble.

"Kasi lahat ng ito, balewala naman ‘to. Yung mga kotse ko, nakatambak sa isang bahay ko. Hindi konagagamit. Kung titingnan mo ang buhay ko, may pera kang ang laki-laki sabangko, bibili ako ng building ngayon sa Tomas Morato, P80 million. ‘Pagigiba ko yun, patatayuan ko ng five to seven storey.Gusto ko, meron doong Jollibee, McDonald's, maganda, e. Commercial. Gusto ko,may center. Gusto ko si Dra. [Vicki] Belo, yung isang floor doon kanya lahat. 1,500square meters yun," ang lahad ni Willie.

Nang tanungin siya tungkol sa presyo, aniya, "Binebenta ng P85 million.Ang tawad ko, cash P70M. Kaya lang, ayaw talaga. Ako, bumili ako, bababa lang sabahay, Sunday. Bebenta kaya ‘to?' Kumatok ako. ‘Sino ang may-ari nito?' Ganunako bumili. Hindi ako yung naghahanap. Magugulat na lang.

"Sabi ko, ‘binebenta ba ito?'Sabi nung guwardiya, ‘Sir, ang alam ko po binebenta, Sir.' E, siyempre kilala ka.‘Balik po kayo bukas.' Balik ako kinabukasan. Kinausap ko yung mga anak ngmay-ari. Ngayon, nagne-negotiate pa kami."

Aspirational para sa kanya ang mabili ang sinasabi niyang property. Noong nagsisimula pa lang siya sa industriya, tinitignan na niya ang building na iyon.

"Nung drummer pa lang ako,nakatira na ako sa Sct. Castor [Timog, Quezon City]. 'Eto totoo ito. Nakatiraako doon, one-bedroom type na apartment. P800 pesos a month lang yun. Tumutugtogako sa Birdland. Kapag naglalakad ako, nagdyi-jeep ako, lagi kong nakikita anglugar na yun. Sabi ko, ‘Gustong-gusto ko talaga ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang entrada, ang laki.Ang laki ng parking. E, mahilig ako sa auto. High school pa lang ako, driver naako. 'Tapos nakikita ko yun, sabi ko, 'Darating ang panahon magkakaganyan ako.'Kaya pinuntahan ko yun. Kaya binalikan ko yun."

Bibilihin pa rin ba niyakahit di pumayag sa tawad niya?

"Oo," ang sagot ni Willie. "May budget na ako forthat. Kung gigibain yun, siguro gagastospa ako ng 15 million."

SCHOOL FOR VENDORS AND STREETCHILDREN. Bukod pa sa mga ito, saan pa niya balak i-invest ang kanyang mga kinikita?

"Basta gusto ko lang, lahat ng ito maiwan ko sa mga mahal ko sa buhay. Ang gusto ko, isa, isang malakinglupa bago ako mamatay, bibilhin ko yun. Papatayuan ko ng eskuwelahan sa mga nagtitinda ng sampaguita at mga streetchildren. 'Taposkakausapin ko yung mga teacher na volunteer from Grade 1 to Grade VI.

"Sampaguita vendors, yungmga tinatapon ng MMDA. Tinatapon kung saan-saang lugar. Katulad nung nag-showako nung Friday, may isang Hawaiian na nanalo siya. Sabi niya, ‘I won't takeit. I'm a caregiver in Hawaii. P22,500 ang napanalunan niya. Sabi niya,gusto niyang ibigay yun sa mga batangkapus-palad.



"Nung Lunes naman, mga anakng basurero. Kasi every time na meron akong ininterbyu na anak ng basurero obasurero, etong basurero sabi ko, ‘Ano po'ngginagawa ng anak ninyo?'

"'Ay, kasama namin, nangangalakal.' So, yung anak niya,hindi na makakapag-aral. Basurero na rin ‘yan. 'Pag nagkaanak ito, basurero na rinito. So, yun ang buhay. So, yung pangarap ng mga batang ito, simula pa lang, patay na. Wala nang pangarap.Ibig sabihin noon, hindi na makakapag-aral ‘yan, e. Kalakal na lang nang kalakalng ano ‘yan, e," ang mahabang salaysay ni Willie.

At gusto niyang gawin ang pagtulong na hindi kailangang ipaalam sa publiko kung sinu-sino ang makikinabang.

Paglilinaw niya, "Kung anuman meron akongayon, kung sinuman ang kaya kong mabigyan ng tulong—artista o hindi artista...Kung sinuman ‘yan, sa akinna lang ‘yun at sa taong tutulungan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang anecdote na ibinahagi si Willie. Tungkol ito sa isa sa mga naging contestants sa kanyang noontime show.

"Nabanggit ko lang ito hindi para isulat. Nakukuwento ko lang sainyo. Meron nga akong guest sa ‘Willie of Fortune.' Sabi niya, ‘Ako pumuntaako dito dalawa ang purpose ko. Una, to meet you again, kasi nag-meet na tayodati. I [was] only seven years old. Binigyan mo ako ng limang piso.' [Elementary] paako noon. May anak na ako ngayon. Binigyan mo ako no'n, e, kasi wala kaming pangkain ng nanay ko noon. Nakita mo kami sa kanto. Binigyan mo ako ng limang piso.'

"Drummer pa lang ako noon.That was about 27 years ago. Hindi yung maliit pa ang kita ko noon, wala patalaga akong kita noon. Pero hindi ko alam yun, ha. Sabi niya, 'That was 27years ago, Willie. Seven years old pa lang ako noon.' Ngayon may pamilya nasiya. Ngayon yung five pesos parang 100 nangayon yun."

LUCKIEST MAN. Sa kabila ba ng napakaraming kontrobersya na pinagdaanan niya ay maituturing pa rin niyangnaging mabait sa kanya ang showbiz?

Aniya, "Nasa sa tao naman, e—showbiz, pulitika o nasa bangko ka. Alam mo yung tomboy at bakla nanagkatuluyan? Ang ganda ng sinabi ngbading.

"‘Alam mo proud ako sa atinkasi wala sa kaanyuan ng tao ‘yan. Nasauri ng pagkatao mo ‘yan,' sabi niya. Ang ganda ng sinabi niya.

"May anak sila na dalawa.Ang sinabi niya na word na alam mo sa uri ng pagkatao mo ‘yan. Ano ba ang uri ng pagkatao mo? 'Wala tayong pinuperwisyo na iba. Tayongdalawa lang ang magkasama. Proud ako sa atin.' Ganun...You heard this from those people, e. Basta ako, gusto kolang positive lahat."

At may isa pang kuwento ang Wowowee host.

"Ito alam ni Ate Tess [auditor ni Willie na niregaluhan niya ngHonda CRV na kotse kamakailan] ‘yan, ‘Ate Tess, maglabas ka ng isang milyon. Maglabas ka ng ganito. Five hundred bigyan mo.' 'Tapos sasabihin niya, 'SirWillie...' ‘Basta bigyan mo. Walang kuwestiyon-kuwestiyon, maglabas ka ngganito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahapon, naalala ko yungarranger ko walang pera, walangpang-matrikula. Pumasok lang sa isip ko. Tinext ko lang. 'Punta ka sa Starbucks, may ipabibigay ako sa anak mo.' Yung ganun lang. Naiisip ko lang bigla."

At sa lahat ng naikuwento niyang pagtulong sa kapwa, hindi raw siya naghahangad ng anumang kapalit.

Sabi ni Willie, "Hindi ako nag-e-expect ngpasok o kapalit. Hindi ito pang-good to be true ‘no. Alam mo, sobrang blessedko. Siguro ako na ang pinakamasuwerteng tao sa balat ng lupa. Sobra."

Wala ba siyang plano napasukin ang pulitika at tumakbong senador?

"Hindi ako tatakbo. Alam mo,mas marami akong maitutulong kapag Wowowee ang ginagawa ko. Wala ako'ng kaaway. Hindi ka babanatan. ‘Tsaka lahat ng properties kong ito, kawawa‘yan kapag nag-senador ako," ang pagtatapos ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN