"My Monster Mom" reportedly ranked second at the tills last week

Annabelle Rama’s My Monster Mom is reportedly doingwell at the tills. Last week, a rumor came out saying that the said filmtrailed Will Smith’s Hancock among the top performing movies around theMetro Manila area.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang vice president for GMA Program Management na si Mr. Joey Abacan upang kumpirmahin kung totooang balita na pumapangalawa diumano ang My Monster Mom sa Hollywoodflick na Hancock in terms of ranking sa top-performing movies aroundMetro Manila last week.

"I'm not sure if it's number two," pahayag ni Joey. "Hindi namankasi namin tinitingnan ‘yong competition, especially the foreign movies. Angtinitingnan namin is ‘yong gross and performance as compared doon sa mga filmsthat we produced in the past."

Maging ang network executive ay nagulat sa tanong namin."Well if it's Number Two, that's very good," sabi nito.

Ranking aside, sinabi ni Mr. Abacan na masaya ang GMA Filmsat ang Regal Entertainment sa performance ng My Monster Mom mula nang magbukasito noong July 2 sa mga sinehan.

Paliwanag niya, "We're happy naman sa performance ng movieand hindi kami nagsisisi in producing it."

Wala rin daw problema ang mga producer pagdating sa mgaprobinsiya dahil kahit doon ay suportado ng mga manonood ang mother-and-daughterpair nina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

"Sa province, yes, malakasnaman siya. I think mas malakas pa nga sa province. Bottom line is we're happysa movie and we're very proud and happy for Annabelle," diin ni Mr. Abacan.

ANNABELLE'S INITIAL REACTION. Last week pa lang aymay usap-usapan na No. 2 nga raw ang My Monster Mom overall. Bagamathindi pa man kumpirmado at that time, hindi naman maitago ng feisty Gutierrezmatriarch na si Annabelle ang kanyang kagalakan sa nakarating na balita.

"Ganun pa rin, natutuwa at maraming nagmamahal sa akin. Natutuwaako na mahal din si Ruffa at ang acting niya," pahayag ni Annabelle nangusisain ito ng PEP last week.

Nang magdaos ng press conference ang nasabing pelikula lastJune 24 sa Annabel's restaurant sa Quezon City ay buong pagmamalaki na sinabini Annabelle na feeling niya ay debut movie niya ang My Monster Mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ngayon lang ako natututong umarte atnagda-dialogue ako ng mahahabang dialogue. For me, itong movie na ito, hindiito actually comeback but for me, this is my first movie. Ito talaga angmasasabi kong movie ko. Dahil noong araw naman, yung mga pelikula kong nagawa,wala naman ako halos dialogue, puro suso ko lang yung makikita," prangkangpahayag ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN