Andrew Schimmer does not want to limit himself to specific roles

"Sabi ko naman, basta sa akin, wala naman akong inaanong role. Bastamaganda ang istorya, maganda ang character na ibinibigay sa akin, challenging,sabi ko, why not? Kaya ka nga artista, e," says Andrew Schimmer.



Si Andrew Schimmer ang gumaganap bilang lover ni EmilioGarcia sa pelikulang Eskandalo. Kung sa pagiging daring, mas grabe raw ang ipinakita atginawa ni Andrew kumpara kay Emilio sa pelikula. Si Andrew rin ang nagpasok ngStabilo marker sa behind ni Emilio. Sa kuwento kasi ng pelikula ay tila napikon si Andrew kay Emilio dahilmaliit lang ang pagkalalaki niya.

Posibleng kapag napanood ang Eskandalo aymarami ang mag-akala nga na ganun din ang size ng kargada niya. Pero natawalang si Andrew rito at sinabing confident siya sa kanyang pagkalalaki.

"Well, ang sa akin naman, kapag pikon ka, talo ka. At sakakapag totoo, maiinis ka. ‘Tsaka character lang naman yun. Minsan nga sa setnoon, iniinis ako. ‘Patay ka. Kapag napanood na ‘yan, lolokohin ka.' Pero sabiko naman, hindi naman totoo. So, okey lang," pagkikibit-balikat ni Andrew nangmakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ngEskandalo last Monday, July 7, sa studio ni Edward dela Cuesta.

Game naman daw si Andrew kahit na anong role ang ibigay sakanya. Hindi raw niya nililimitahan ang anumang puwede niyang gawin.

"Ako naman kasi, pinag-usapan na namin ng manager ko," sabini Andrew. "Sabi ko naman, basta sa akin, wala naman akong inaanong role. Bastamaganda ang istorya, maganda ang character na ibinibigay sa akin, challenging,sabi ko, why not? Kaya ka nga artista, e.

"Actually, nagko-comedy rin naman ako, like yung Ikaw Pa Rinwith Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas. May drama...marami rin naman. Nagkataon lang na yung mga ganito kasingmovie [Eskandalo], challenging siya, hindi siya yung mga normal movies lang na kapagnagpa-sexy ka, sexy ka lang. ‘Eto, iba ‘to. Mas marami silang mga bagongmakikita talaga."

CONTROVERSIAL LOVE LIFE. Naging kontrobersiyal din ang love life ni Andrew dahilmaraming young actresses ang mga nali-link sa kanya. Ilan sa mga ito ay sinaCristine Reyes at Katrina Halili.

"Actually, hanggang ngayon naman, may mga communication parin kami," saad ng young actor. "Like si AA [Cristine], nagkaka-textan pa rinkami. At saka hindi naman talaga naging kami, naging super-close lang talagakami noon. At saka kaibigan ko ate niya, si Ara [Mina]. Super-close din kami niAra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Andrew na si Katrina lang talaga ang naginggirlfriend niya sa mga artistang na-link sa kanya.

"Kaya nga before, natsitsismis na kesyo nag-aaway raw kami,pero hindi totoo. Si Kat, maayos naman ang communication namin hanggang ngayon.Kapag walang trabaho, movie tayo. Kasama mga kaibigan ko or mga kaibigan niya."

Huli na pala kami when we told him kung iimbitahan ba niyasina Katrina at Cristine na manood ng Eskandalo at kung hindi ba sila mae-eskandalo samapapanood sa kanya sa pelikula.

"Ay naku, na-invite ko na sila!" sambit ni Andrew. "Sabinaman nila, manonood sila. Sabi ko nga, ‘Magugulat kayo sa mga mapapanood n'yosa akin dito.'"

OPEN TO GAYS. Hindi naman itinatanggi ni Andrew na minsan talaga, may mga gaysna nagkakainteres sa kanya. Open naman daw siya sa mga ito, pero hanggangpakikipagkaibigan lang daw talaga ang kaya niyang ibigay.

"Open lang ako sa kanila dahil marami akong kaibigang gayskahit noong college pa. Hindi akoumiiwas sa mga ganoong klase ng tao. Sa akin nga, mas okey pa silang kausap.Kasi walang kiyeme, masarap kasama.

"Pero wala pa akong any experience sa gay, as in sincebirth," pagbibigay-diin niya."Actually, dati natsitsismis din ako sa mga ganyan, like sa Greenbelt,kasama ko ang mga tropa kong bading, puro mga babae ang kasama ko. Pero actually, minsan, mas marami kangmakikilalang babae dahil sa mga gays. Pero before yun!" natatawa niyang sabi.

Aware daw siya sa impression ng ilan na pumapatol siya sa gays. Pero ani Andrew, "Hindi naman kasi mawawala yun kapag artista ka.Actually, common lang yun. Ang sa akin, kahit matsismis ka ng ganyan kung hindinaman totoo, bakit ka magre-react?

"Actually, yun yata ang normal na kapag artista kang lalaki...Like, may mga isyu sa aking babaero, may isyu rin na ganyan, pumapatol. Peroayos lang, lalaki ka naman. At saka kung hindi totoo, bakit ka maaapektuhan," rasonni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN