Claudine Barretto defends hubby Raymart Santiago against intrigue that she earns more than him

"Kasi si Raymart, ganoon, e. Kapag may [project]talaga, doon muna siya magpo-focus. Siguro dahil alam naman niya na marami rinsiyang naipon kaya kapag meron siyang gusto, doon muna siya talaganagpo-focus," explains Claudine Barretto about intrigue that she is now the breadwinner in their family.



Overwhelmed by the good reviews, abot-abot ang pasasalamatng bida ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na siClaudine Barretto sa magagandang salita after the presspreview held last Friday, July 4.

Kumbaga, ang napanood daw sa preview ay halos patikim palang dahil first week pa lang ang ipinakita sa members of the press. Ayon kayClaudine, marami pang dapat abangan ang mga televiewers sa kanilangpinakabagong soap opera na magsisimula na sa Monday, July 14.

"Kasi po, marami pa po silang makikitang kakaiba sa Iisa PaLamang. Nasisiguro po namin na makikilala at mamahalin ng lahat ng manonood angbawat character na mapapanood nila at ang pagbangon ng mga ito. Para rin pongsa isang pelikula ang pag-atake ng mga director. Every sequence, every line,pinaghirapan po naming talaga," saad ni Claudine sa grand press con ng Iisa PaLamang kagabi, July 8, na ginanap sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.

Napakarami ring physical scenes ni Claudine sa series, perohindi lang daw siya rito nahirapan.

"Actually, nahirapan po ako physically, emotionally, atmentally," banggit ng aktres. "Kapag umaarte ka po kasi, lahat yun magagamitmo. Talagang napaka-draining. Pero kapag napanood mo naman na po, sobrang worthit naman po."

THREE-IN-ONE CELEBRATION. This July 20, Claudine is turning 29. Kasabay rin niya ngbirthday ang kanyang mister na si Raymart Santiago, who is turning 35 naman. Aday before their birthday, their son Santino will also celebrate his firstbirthday.

But instead na sa July 19, sa 20 na raw ang magigingbirthday party ni Santino kasabay ng kanyang dedication. Biro ni Claudine, paratipid na raw. May lineup na rin ng mga ninong at ninang na kinuha sina Raymartat Claudine for their son.

"Sina Robin Padilla, Edu Manzano, Kris Aquino, PioloPascual, Diether Ocampo... May sampu sila, pero hindi sila as pair. Noongisinulat namin, hindi ko nga alam kung ilan yung girls at kung ilang yung boys.Marami pa rin kasing non-showbiz kaming kinuha," lahad ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When asked kung ang kanyang kapatid na si Gretchen Barrettoay hindi kasama sa mga ninang, Claudine told the entertainment press namalamang, ang anak daw nito na si Dominique Cojuangco ang kuhanin nila.

PROUD MAMA. Claudine is a picture of a very proud mother basta rin langang dalawang anak niya na sina Sabina at Santino ang kinukumusta sa kanya.

"Kaka-four lang mi Sabina last month naman. Ang tangkad atsaka, sobrang smart! Sobrang talino! Gifted talaga, sobra!" proud na sabi niClaudine.

Sa ngayon, wala na raw mahihiling pa si Claudine sa mgamagagandang nangyayari sa buhay niya. Puro pasasalamat na lang daw ang gustoniyang gawin sa birthday niya.

"This birthday, magte-thank you na lang ako sa mga blessing.But then again, sisingit ako ng isang wish. Sabi ko, yun ang good health forRaymart, for family and for the kids. Yun lang. Kasi yun lang naman ang pinakaimportante,yung healthy silang lahat."

DEFENDING RAYMART. Nagsalita rin si Claudine tungkol sa isyung sa kanilangmag-asawa raw ay siya ang nakikita ng mga taong mas nagtatrabaho at mas maramingprojects kumpara kay Raymart, na sa ngayon ay wala pa talagang project naginagawa. Ang dating, tipong si Claudine lang daw ang kumikita sa kanila ngayon.

"Si Raymart ngayon, abala... Kasi ‘yan, kapag nag-startmagtrabaho, naka-focus talaga siya. Pero ngayon, ang priority niya, yungpagiging triathlete niya. Nagta-triathlon siya like last Sunday, nag-race nanaman siya. Siyempre, balang-araw ang goal niya ay makasali siya sa Iron Man nayun, which is very good. So, doon siya abalang-abala ngayon. And soon, he's gonna be doing a project withGMA-7."

Dagdag niya, "Kasi si Raymart, ganoon, e. Kapag may anotalaga, doon muna siya magpo-focus. Siguro dahil alam naman niya na marami rinsiyang naipon kaya kapag meron siyang gusto, doon muna siya talaganagpo-focus."

Hindi pa raw nawawala ang mga foundation na tinututukannilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Naka-focus kami ngayon sa Bantay Bata at sakaCaritas. So, parang God, He's the father, the Kuya of Bantay Bata. Kung tahimikang asawa ko ngayon is because he's cooking up at may niluluto siyang masmalaki," sabi ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN