Heart Evangelista attributes sexy body to rigorous workout

"Actually, marami langkayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito,pero matagal nang ganyan ‘yan," says Heart Evangelista when asked about her prominent boobs and butt.



Magmula nang lumipat ang young actress na si HeartEvangelista sa GMA-7, naging kapansin-pansin ang pagiging daring niya pagdatingsa kanyang pananamit sa mga ginagawa niyang production numbers samusical-variety show na SOP.

Dahil sa revealing outfits niya sa kanyang productionnumbers—gaya ng ginawa niya sa launch ng Codename: Asero kagabi,July 9—ay napapansin na ang magandang hubog ng kanyang katawan, lalo na ang sizeng kanyang dibdib. Komento ng ilan, baka nagparetoke siya ng kanyang boobs.

"It's Victoria's secret, my dear!" tawa ni Heart nangtanungin tungkol dito.

What about her butt?

"Ay, that's workout!" bulalas niya. "Actually, marami langkayong napapansin dahil never ko actually na-expose ang sarili ko ng ganito,pero matagal nang ganyan ‘yan."

Pinaghirapan daw talaga ni Heart angmagandang pangangatawan niya ngayon.

"Lagi akong may ginagawa. ‘Tapos sa umaga, nagwo-workout akoparati bago ako nagtatrabaho. Kahit sabihin mo 7 a.m. ang call time ko, 5 a.m.nagigising na ako, nagwo-workout na ako. I work out a lot, every day sataping," lahad niya.

Part ba ng kanyang paglipat sa GMA-7 ang pagkakaroon ng moremature and sexier image, lalo pa't pinag-uusapan ang belly dancing niya saCodename: Asero?

"Hindi, nagkataon lang talaga," sabi ni Heart. "Alam mo yungbelly-dancing scene na ‘yan, hindi naman ‘yan yung buong ano... Natuwa lang silakaya they made it such a big thing. But no, it doesn't mean na magse-sexy ako,I will still not pose for a men's magazine, yung mga FHM, Maxim...no, no, no.

"Kaya nga iniingatan ko, like kunyari ‘pag may mga guestingako, I make sure na hindi sexy ang mga outfits ko. Because I wanted todifferentiate yung character ko at kung sino ako. Iba naman din, part ofgrowing up."

May nagtanong din kay Heart kung bakit ngayong nasa GMA-7niya lang naisipang magpa-sexy at hindi noong nasa ABS-CBN pa siya. Biro pa sakanya, parang tinipid daw niya ang dati niyang home network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, minaximize ko naman yung kaya kong ibigay nung timena ‘yon," sagot niya. "Pero siguro ngayon, after everything that I've gonethrough, parang another phase in my life, iba naman."

KISSING SCENES WITH RICHARD. Sa ipinakitang teaser ng Codename: Asero, kapansin-pansin dinang hindi mabilang na kissing scenes ni Heart sa leading man niyang si RichardGutierrez. Ilan ba talaga ang kissing scenes nila ng kapareha?

"Madami, e!" natatawang sabi niHeart. "Napakahusay ni Richard dahil–" pero natigilan ang young actress atsinabing, "Hindi, hindi, napaka-professional niya... Ako nga, nagugulat ako kahitpauli-ulit yung take namin, okey lang!"

How is Richard as a kisser?

"Okay lang, okay naman!" tawaniya ulit. "Siyempre ‘pag nandoon, may kaba, hindi mo naiisip yung moment nanaghalikan."

Naninibago ba siya na iba na angkahalikan niya?

"Naninibago ako dahil I'm open tokissing scenes now, period," nakangiti niyang sagot.

FOCUSED ON SHOWBIZ CAREER. Sa ngayon ay gusto munangmag-concentrate ni Heart sa kanyang showbiz career. Hindi pa raw siya handangumibig muli pagkatapos ng breakup nila ng kanyang dating boyfriend na siJericho Rosales.

"Parang ngayon, sarili ko muna angiisipin ko... Alam n'yo kasi, matagal na rin akong hindi nabigyan ng pagkakataon.Sobrang gusto kong maging sulit yung pagkuha sa akin ng GMA. Kaya lahatginagawa ko, nagte-training ako, lahat! So I'm not ready to do anything else.Yung mga unfinished business ko dati, gusto nang tapusin ‘yon," saad ni Heart.

Bukod sa Codename: Asero, namagsisimula na sa July 14, ay regular ding napapanood si Heart samusical-variety show na SOP. Soon ay magkakaroon din siya ng fashion-lifestyleshow sa QTV-11, ang sister station ng GMA-7. Pagkatapos ng Codename: Asero,isang Pinoy version ng isang sikat na Koreanovela ang susunod na primetimeseries niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN