PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Yap and other PBA players fined for on-court altercation

James reportedly kicked Talk 'N Text import Terrence Leather.
by Ambet Nabus
Published Jul 11, 2008
Purefoods star player James Yap, husband of popular TV and movie personality Kris Aquino, was fined by the Philippine Basketball Association along with other players for an on-court altercation during the Purefoods-Talk 'N Text match last Wednesday, July 9.

Muli na namang nasuong sa kontrobersiya ang basketball player-husband ni Kris Aquino na si James Yap nang gawing katawa-tawa ng ilan ang ginawa nitong pagtakbo habang hinahabol ng import ng kalabang koponan last Wednesday, July 9, sa PBA (Philippine Basketball Association) game ng Purefoods at Talk ‘N Text na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon ng mainitang iringan ang teammate ni James sa Purefoods na si Jondan Salvador at ang import ng Talk ‘N Text na si Terrence Leather during the last quarter of the game. Lamang na lamang ang koponan ng Talk ‘N Text and they eventually won the game.

Ang nasabing iringan, ayon sa nakausap ng PEP, na nakapanood ng laban, ay nag-ugat sa pagbato ng bola ni Leather kay Salvador. Maagap naman ang mga officiating referee sa pag-awat at halos na-pacify na ang sitwasyon by giving the necessary technical free throws na karaniwang ginagawa bilang penalty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay bigla na lang nakita ng mga tao na tumatakbo na si James galing sa likuran ni Leather. Ang dahilan pala ay "sinipa" ni James ang import bilang ganti marahil sa inasal nito sa kanyang teammate.

Natural na nag-react si Leather at nagmistulang may hinahabol na manok ang 6'6" import sa basketball court. Ang mga sumunod na pangyayari ay ang pagkampi-kampi na ng mga players sa teammates nila.

Kahapon, July 10, ay agad ding ipinatawag ng PBA technical committee ang mga manlalarong involved sa nasabing game incident.

Pinamunuan ni PBA Commissioner Sonny Barrios ang imbestigasyon, kasama ang PBA Technical Committee at ang mga nasa PBA Operations. Ang Talk ‘N Text import na si Leather, kasama ang teammates niyang sina Kalani Ferreria at Gilbert Lao ang unang inimbestigahan. Agad namang sinundan ito ng mga Purefoods players na sina James Yap, Enrico Villanueva, Kerby Raymundo, Jondan Salvador, at Robert Senz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa napanood na recorded game, napagdesisyunan ng komite na pagmultahin ang mga nabanggit na players dahil sa kanilang naging behavior at conduct sa loob ng professional basketball court. Pinakamalaki ang multa ni Leather na nagkakahalaga ng P62,400, na sinundan ng P50,000 na multa ni James Yap.

Ang iba pang pinagbabayad ay sina Ferreria at Lao na nagkakahalaga ng P20,000. Ang mga Purefoods players na sina Villanueva (P33,000), Raymundo (P30,000), Sanz (P28,000) at Salvador (P1,000). Walang suspension na ipinataw sa parehong koponan. At gaya ng nakagawian na, mapupunta ang kabuuang penalties sa Players' Trust Fund.

Sa kabuuan, makakalikom ang PBA Players' Trust Fund (educational grants, scholarship programs, health, etc.) ng P 244,400 mula sa pinagsama-samang multa ng Purefoods (P142,000) at Talk ‘N Text (P102,400).

Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagugulat sa inasal ng kabiyak ni Kris Aquino. Kilala sa mundo ng basketball si James bilang tahimik, pasensyoso, focused maglaro, at hindi pikon lalo na sa mga kagayang insidente. Subalit gaya nga ng obserbasyon ng marami, "There's always a first time for everything and James simply had his share."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
May mga nagkokonek namang maaaring may kinalaman pa rin ang emotional state ni James sa napabalitang marital problems nila ng kanyang sikat na misis.
Read Next
Read More Stories About
James Yap, Kris Aquino
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Purefoods star player James Yap, husband of popular TV and movie personality Kris Aquino, was fined by the Philippine Basketball Association along with other players for an on-court altercation during the Purefoods-Talk 'N Text match last Wednesday, July 9.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results