Chynna Ortaleza says her "cute" boobs don't need enhancement

"Even my mom kasi, she has big boobs. Sabi niya, ‘Hindimo alam kung anong klaseng curse ang meron sa may big boobs.' Masakit daw salikod at kapag tumanda ka na, goodbye sa magandang boobs. Habang ako, kapagtumatanda, gumaganda nang gumaganda!" says Chynna Ortaleza about being satisfied with her boobs.



Nagulat ang young actress na si Chynna Ortaleza sanakaraang press conference ng Codename: Asero sa AFP Theater last July 9 dahilbawat entertainment press na lumalapit sa kanya ay iisa ang bungad na tanong sakanya: "Pakakasal na raw kayo?" Ang tinutukoy ng entertainment press ay angboyfriend ni Chynna for five years na si Railey Valeroso.

"Ano ba ‘yan? Bakit‘yan ang mga tanong n'yo sa akin?" natatawa at nagugulat niyang tanong din.Dagdag niya, "Actually, may nagsabi nga sa akin, November 11, 2011 daw kamimagpakasal kasi maganda raw ang date for wedding. Pero ano ba, hindi komasagot! Maganda ang date, pero ang tanong, maganda na ba ang life namin by thattime?"

May nagsabing siguro naman dahil three years from now panaman yun.

"Well, we will see at saka kung siya [Railey] pa rin ba anglove ko by that time," saad niya.

Inihalintulad pa ng isang entertainment press sa timedeposit ang relasyon nina Chynna at Railey na kung sa bangko raw yun,nag-mature na.

"Grabe, hindi pa talaga!" tili niya. "Mga three to fiveyears siguro. Well, siguro ganito na lang, so far, happy ako sa kanya. Perosiguro kaya may isyu lang na parang magpapakasal na ako dahil bakanawi-weirduhan siguro sila na showbiz ako, ‘tapos may relationship ako nalimang taon na. Hindi usual, so abnormal ako!" natatawa niyang sabi.

May plano raw ang manager ngayon ni Railey Valeroso na isamaito sa pagrampa sa Bench Black-Out Fashion show sa Araneta Coliseum on July 25.Pero ayon kay Chynna, hindi raw niya sure kung makakasama na angboyfriend.

"Well, nagpapalaki siya ng katawan, tumaba na rin siya. Atsaka umabot na yata siya sa puntong gusto na rin niyang gumanda ang katawanniya. Sabi ko naman sa kanya, ‘Perfect, perfect ‘yan! Kung ‘yan ang motivationmo, nasa tamang daan ka, so sige, go! Susuportahan ka namin.'"

Okey lang ba kay Railey ang pagpapa-sexy ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anong sexy? Hindi ako sexy! Classy ako!" tawa niya.

ONCE IS ENOUGH. Hindi ba siya magpo-pose muli sa men's magazine tulad ng FHM?

"Ayoko," sagot niya agad. "Parang feeling ko kasi, hindinaman ako yung tipo ng babaeng pinagpapantasyahan ng mga lalaki.Unang-una, wala naman akong boobs, so huwag na! Maging actress na lang.

"Dati naman gumawa naman ako noon for the purpose na gustokong mag-mature. Kasi before, ang tingin naman ng mga tao sa akin, bagets, diba? So, okey na yun. Tapos na, nagawa ko na. Nakakuha na ako ng role na para saakin, so okey na."

SATISFIED WITH BOOBS. Hindi ba niya naisip ang magpa-enhance lalo pa nga'tusong-uso naman yun sa mga babaeng artista?

"Well, I'm happy with my boobs. Actually, dito sa Asero,tawa kami nang tawa ni Rhian [Ramos]. Kasi kaming dalawa yung flat chested.Parang si Ehra [Madrigal], sila Chariz [Solomon], palagi naming binibiro,‘Bongga girl, how healthy!' Tapos, sabi nila, ‘Hay naku, kung puwede langipa-chop!'

"And even my mom kasi, she has big boobs. Sabi niya, ‘Hindimo alam kung anong klaseng curse ang meron sa may big boobs.' Masakit daw salikod at kapag tumanda ka na, goodbye sa magandang boobs. Habang ako, kapagtumatanda, gumaganda nang gumaganda!" natatawang lahad ni Chynna.

Dagdag niya, "Siyempre naman, kapag titingnan mo,parang nakakainggit, e, kasi ang cute. Pero at least ako, hindi mabigat, hindisiya mahirap bihisan. Actually before, ang GMA, palagi nila akong inaawitannoon na magpa-enhance. Pero sinasabi ko na hindi pa ako handa. So parang ayokonaman na pilitin ang sarili ko.

"At saka, ang payat-payat ko! So kapag nagpalagay ka,magkahiwalay sila! Ang pangit, parang bao! So, sabi ko, huwag na lang talaga!"tawa niya ulit.

REUNION WITH RICHARD. Tungkol naman sa Codename: Asero, once pa lang daw siyanakakapag-taping dahil lalabas lang ulit ang character niya sa third week.But her first taping day was with Richard. Ayon kay Chynna, it's like old timeslang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, pareho pa rin. Friends pa rin kami. Nakakatawalang kasi meron na siyang mga hirit na, like, ‘Gaano katagal ang kissing scene?'Habang dati, si Chard, ninenerbiyos pa kapag may ganoon kaming scene.

"Right now, I'm looking forward to having a scene with Heart[Evangelista], kasi hindi pa kami nagte-tape ng scene with Heart. Si Chard palang," saad ni Chynna.

May nagtanong kay Chynna kung sa loyalty raw niya sa Kapusonetwork, hindi ba niya naiisip na by this time dapat ay lead role na angibinibigay sa kanya ng network?

"Actually, nabigyan naman na ako ng mga lead before,"paglilinaw niya. "E, siguro, baka hindi talaga para sa akin. Ganoon lang namanyun. Kung mag-iisip ka ng ‘gusto ko ng ganyan, bakit hindi yun ang ibigay saakin,' baka lalong hindi ibigay sa ‘yo.

"Ako kasi, okey na ako rito. Gusto ko talaga ng characterrole. Hindi ko talaga nagustuhan na maging bida at pagkatapos, ganoon angginagawa. It doesn't make me happy.

"E, kayo na nga ang nagsasabi na nang makita n'yo ako kanina[sa presentation ng Asero], ‘Iba ang attitude mo nang lumabas ka.' It's becauseI'm happy with my role. So kaya ganoon, kaya ibang-iba ang dating," paliwanagniya.

Kapag nakikita niya si Richard na may bagong katambal, hindiba niya naiisip na ganun din siya dati?

"Maiisip ko siya, pero not on a negative way. Notyung, ‘Ako ‘yan dati.' It's more on, ‘Na-experience ko na ‘yan.' Pero hindi akonade-depress. Parang, sige, may time before na nahirapan ako. Ano yun,transition. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. So kung hindi ko gagawin,ano pa ang gagawin ko?" pagtatapos ni Chynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN