Gladys Reyes gives birth to a healthy baby girl

Actress Gladys Reyes delivered her second child with husband Christopher Roxaes earlier today, July 11. The couple named their baby girl Gianna Aquisha.



Actress Gladys Reyes gave birth to a healthy baby girl—6.5lbs and 39 cm. in length—this morning, July 11. Second baby na nila ng asawangsi Christopher Roxas ang isinilang ni Gladys kaninang umaga, around 8:30 a.m.,sa Asian Hospital via caesarean section.

Pinangalanan nila ang kanilang second child na GiannaAquisha Sommereux. Their first child is Gian Christophe, who is now two yearsold.

Ginamit nila ang ibinigay na pangalan ni Christophe sa kanyangbaby sister na Aquisha. Ayon sa kuwento ni Gladys noon, every time na tatawaginkasi ni Christophe ang baby sa tiyan niya at tuwing tatanungin ang bata kungano ang name ng kapatid ay "Aquisha" ang sinasabi niya. Pero ginawa nina Gladysat Christipher na dalawa ang name ng baby, Gianna Aquisha.

Gusto sana ni Gladys na maipanganak ang second baby nilanoong mismong araw ng birthday niya, June 23, kung ia-allow ng ob-gyne dahil viacaesarean section naman ang kanyang panganganak. Pero masyado pa raw maaga kungkaya't naghintay pa si Gladys ng two weeks.

Nasa labas daw ang asawa si Christopher kung kaya't angassistant ni Gladys na si Landa ang nakausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) para kamustahin ang aktres, na kasalukuyan pa raw natutulog galing sarecovery room.

Yesterday, July 10, nang magpa-check-up daw si Gladys. Nakumpirmang doctor ni Gladys na puwede na siyang manganak, so iniskedyul siya the followingday (today) for a caesarean operation. Last night pa lang daw ay naka-admit nasila sa Asian Hospital.

Nakita na rin daw ni Gladys ang kanyang baby bago ito dalhinsa recovery room. Ang una raw agadnapansin ni Gladys ay ang kaputian ng anak. Halos nagkakaisa rin ang mganakakita sa baby na kamukha ito ni Gladys, especially noong baby pa siya.

Ang panganay naman daw nilang anak na si Christophe ayhalatang naninibago pa sa pagkakaroon bagong baby sa pamilya. Kuwento ni Landa,umiiyak daw si Christophe nang makita na ang baby sister at mukhangnakakaramdam na ng selos. Kaya naman daw ito muna ang binibigyan nila ngatensiyon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Right now, kasalukuyang nagpapahinga si Gladys sa AsianHospital sa Alabang City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN