Ara Mina satisfied with her exposure in ABS-CBN shows

"Kahit sabihin pang effective ako as a kontrabida, e, yun ang trabaho ko, yunang role ko. Kaya kahit kontrabida pa 'yan, palulutangin ko 'yan, and at thesame time, titiyakin ko rin naman na may advantage 'yun on my part," says Ara Mina.



Nakatakdang lumipadpapuntang Sydney, Australia, ang aktres na si Ara Mina within this week. Maykinalaman ito sa isang commitment niya roon, a show which will feature hertogether with Rico J. Puno and Rey Valera. It will be Ara's first time inAustralia, pero parang bitin daw ang magiging stay niya roon.

"May tapings pakasi ako for Ligaw na Bulaklak, ‘tapos we were not allowed to stay long, unlessako na talaga ang gagastos," lahad ni Ara sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Pero kahit ano pangmagagandang pangyayari sa buhay at career ni Ara sa ngayon, may mgamagku-comment pa rin ng negative. Gaya sa partisipasyon niya sa afternoonsoap ng ABS-CBN na Ligaw na Bulaklak, na ano raw ang point nitosa career niya.

"Yun langmabigyan ako ng magandang exposure, na in fairness, sinusuportahan ako ngKapamilya network sa kung ano ang gusto ko. Hindi naman 'yan sa gusto kongmagbida ako or what. Realistic ang pananaw ko pagdating sa bagay na 'yan. Bastalang may trabaho ako, at akma doon sa gusto kong mangyari sa acting career ko yungprojects na ibinigay sa akin," paliwanag niya.

GRACEFUL EXIT. Aware si Ara na maymga nasaktan din sa desisyon niyang iwan muna ang GMA-7, lalo na't sampung taonna siya bilang mainstay ng Bubble Gang at yun ang nanatiling dahilan kung bakitnagtagal din siya sa Kapuso network

"I want to makeit clear na nagpaalam ako nang maayos," diin ni Ara. "Kinausap ko ang mga dapatkausapin, at hindi ko basta nilayasan ang GMA-7 na tumulong din naman sa akin.Naiintindihan naman nila ang point ko, lalo na siguro ngayon na nabibigyan akong magandang opportunities para patunayan, na first and foremost, I am adramatic actress.

"Hindi naman ako nag-inarte lang. Imean may na-hurt siguro, pero nakipag-usap ako nang maayos. Isang beses langakong nakipag-set ng meeting with the GMA people para marinig nila lahat kungano ang gusto kong sabihin. That was the time na super decided na ako. Hindi yungparang urong-sulong. Nakipag-meeting ako sa kanila when I came up with adecision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The truth is,nag-offer sila, yung role ni Diana Zubiri sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Naunalang ang Prinsesa ng Banyera noon. Ayoko lang dumating sa point na angABS-CBN naman ang magalit sa akin. Kasi before that, sinasabi ko na rin saGMA-7 yung mga gusto at ayaw ko. Pero palabra de honor 'yan, e. Hindi koida-drop yung sa ABS dahila nag-counter-offer ang GMA-7," lahad ni Ara.

Pangalawang role nanga yung in-offer kay Ara na finally ay napunta kay Diana para sa nagwakas naring Babangon Ako't Dudurugin Kita.

"After Banyera,hindi ko rin ini-expect na may kasunod agad, itong Ligaw na Bulaklak. In-announcelang nila sa thanksgiving party ng Banyera. Happy ako dahil ibig sabihin,na-impress naman sila sa trabaho ko kaya hindi nila ako binibitiwan.

"Trabaho kasi yun.Kahit sabihin pang effective ako as a kontrabida, e, yun ang trabaho ko, yunang role ko. Kaya kahit kontrabida pa 'yan, palulutangin ko 'yan, and at thesame time, titiyakin ko rin naman na may advantage 'yun on my part," sabi ngaktres.

NO TIME FOR NEGATIVE COMMENTS. Masaya raw talaga siAra at wala na siyang panahon pa para sa mga negang bagay na sinasabi mula nanglumipat siya from GMA-7 to ABS-CBN.

"Ang sa akinlang, bigyan ako ng magandang trabaho, haharapin ko 'yan. Maski ang GMA-7, kungtalagang interesado sila sa akin, kung walang ibibigay ang ABS sa akin, gagawaako sa kanila. Yun ay kung may io-offer nga sila.

"Ganyan langnaman kasimple ang patakaran ko, and I don't think na kailangan pa akongmakasakit talaga ng damdamin ng mga tao dahil sa naging desisyon ko.Ipinaliwanag ko naman ang side ko riyan.

"At saka hindiko tatanggapin ang Ligaw na Bulaklak kung lalabas akong kaawa-awa rito, na talagangwala nang kawawaan ang partisipasyon ko, masabi lang na may ginagawa ako.Maingat pa rin ako sa pakikipag-usap pagdating sa ganyang mga detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very muchaware na si Roxanne Guinoo ang bida sa teleserye dahil hindi naman ‘Mga' Ligawna Bulaklak ang title, di ba? Sa Prinsesa ng Banyera, talagang sa umpisa palang, kaming dalawa ni Kristine Hermosa ang nasa focus ng istorya, may pagka-kontrabidanga lang ang role ko.

"Pero happy talaga ako dahil sa Bulaklak,marami ang nakakapansin na parang bida na rin ako. Yung nature lang ng role angmay difference dahil masama ako sa istorya, na may redemption naman 'yan sabandang huli. Tinanggap ko talaga dahil maganda ang role. Yun lang yun,"pagwawakas ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN