Joanne Quintas agrees to play mother of Richard Gutierrez in "Codename: Asero"

"Naku, sino ba naman ang aayaw sa trabaho ngayon, di ba? Ang mahal ng gasolina at tatlo na ang anak ko! Kaya kahit ano pa‘yan, sige, tanggap lang nang tanggap! Magiging choosy pa ba ako, e, hindinaman ako bida" reasons Joanne Quintas about accepting to play Richard Gutierrez's mother in Codename: Asero.



Hindi na nagdalawang-isip ang dating beauty queen si JoanneQuintas na gumanap bilang ina ni Richard Gutierrez sa magbubukas na primetime series ng GMA-7, ang Codename: Asero. Kungtutuusin ay masyado pang bata si Joanne para maging ina ni Richard, pero dahilsa maganda ang role na ibinigay sa kanya, hindi na tumanggi ang beauty queen turned actress.

"Naku, sino ba naman ang aayaw sa trabaho ngayon, di ba?"rason niya. "Ang mahal ng gasolina at tatlo na ang anak ko! Kaya kahit ano pa‘yan, sige, tanggap lang nang tanggap! Magiging choosy pa ba ako, e, hindinaman ako bida?

"Ang importante ay hindi ako nakakalimutan ng GMA-7 nabigyan ng trabaho. Imagine, anak ko na si Richard, ang asawa ko pa dito ay siRichard Gomez naman! Parehong guwapo at hot mama naman ako!" malakas na tawa ngformer Bb. Pilipinas-Universe.

In fairness kay Joanne, kahit na tatlo na ang anak niya ayhindi pa siya nagmumukhang losyang. Alaga sa katawan si Joanne dahil gustoniyang hindi magsawa sa kanya ang kanyang mister na si Domini Primero.

"Maloloka ako kapag tumingin pa siya sa ibang babae, ‘no!Heto nga't kahit hindi na ako kumain ng kanin ng isang linggo, tinitiis ko paralang maging sexy!" tawa niya.

"Tabain kasi ako kaya iwas ako sa mga carbohydrates,"patuloy ni Joanne. "'Tapos panay ang exercise ko para maliksi akong kumilos.Tatlo na ang mga bagets ko at mahilig silang tumakbo nang tumakbo. Hay,nakakapagod kaya nakakalibreng exercise ako sa mga bagets!"

Hindi lang katawan ang inaalagaan ni Joanne kundi pati naang kanyang magandang mukha. Bukod sa pagiging artista ay makeup artist din siJoanne for Shu Uemura.

"Natural na makeup artist ka, kailangan makita sa mukha mona maayos ka at maganda. Hindi yung haggard na haggard ka, di ba? Baka walangmaniwala na makeup artist ako kung malalaki ang eyebags ko at puro linya angmukha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sikreto lang diyan, smile and be happy parati. ‘Yan anginexpensive way to look beautiful, di ba?" pagtatapos ni Joanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN