Robin Padilla to recharge first before doing his next projects

"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguiopara makapag-bonding naman kami... Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almostsix months na walang tigil na pagtatrabaho," says action superstar Robin Padilla.



Malungkot man na natapos ang pagsasama-sama ng cast ngaction-drama telefantasya na Joaquin Bordado, na nag-final telecast last July11, masaya naman ang live telecast nito mula sa Studio 3 ng GMA Network.Dinaluhan ito ng buong cast sa pangunguna ni Robin Padilla, ang author ngcomics character na ito na si DirekCarlo J. Caparas, GMA Network's top executives, mga advertisers, at ang 100Fanatxt fans ni Robin.

Masayang-masaya ang mga fans ni Robin na bukod sa nakitanila nang personal ang kanilang idolo at napanood ang proceedings sa loob ngstudio, nag-uwi pa sila ng gift packs mula sa show.

Poging-pogi si Robin na wala nang hair extension. Siya rinang nag-introduce ng pagsisimula ng screening ng final episode na hinangaandahil bigay-todo ang fight scenes na akala mo ay nanood ka ng Korean epics naJumong at The Legend. Ilan dito ang pagkamatay ni Erenea, played by Robin'sdaughter Kylie Padilla, at ng mga nabuhay na tattoo sa katawan ni Joaquin attumulong sa pakikipaglaban niya sa kasamaan.

Pero dahil telefantasya ang Joaquin Bordado, happy ending parin dahil muling nabuhay sina Joaquin (Robin), Sofia (Iza Calzado), at Jimboy (RenzValerio) dahil na rin sa kapangyarihan ni Jilco (Pen Medina). Ginawangmedyo comedy nina Robin, Direk Mac Alejandre, at Direk Argel Joseph ang finalscene. Matapos kasing mabuhay si Jimboy, nag-alis ito ng suot na costumeat bilang bagong bordado, may naka-tattoo na rin sa kanyang katawan—ang mgamukha nina Ariel at Maverick, na kasama rin sa Joaquin Bordado.

SULIT NA SULIT. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Robinpagkatapos ng telecast, na umabot ng one hour and twenty minutes na sulit nasulit naman sa mga manonood.

Nag-appear sa final scene ng Joaquin Bordado ang bunsonganak ni Robin na si Ali. Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista nito?

"Hindi po!" mabilis na sagot ni Robin. "Hindi ko posiya papayagang mag-artista, mag-aaral muna siya. Isinama ko lang siya dahilgusto raw niya, saka nandoon ‘yong ibang bata na kasama sa show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong natapos na ang pinaghirapan nilang Joaquin Bordado,ano ang susunod na gagawin ni Robin?

"Next week po ay aakyat na kami ng family ko sa Baguiopara makapag-bonding naman kami. Matagal-tagal din naming hindi nakasama ninaQueenie at Kylie ang mommy nila, si Liezl, at mga kapatid na sina Zhen-Zhen atAli. Time ko rin po namang magpahinga at mag-recharge pagkatapos ng almostsix months na walang tigil na pagtatrabaho," lahad niya.

ROBIN'S NEXT PROJECTS. Ibinalita rin ni Robin na sa August ay sisimulan na niya angshooting ng second movie niya sa GMA Films, ang suspense-thriller na Sundo nakukunan sa Baguio. Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos mulasa direksiyon ni Topel, na siya ring nagdirek ng Ouija.

In-announce din ni Direk Carlo bago natapos ang livetelecast nila na abangan si Robin sa susunod nitong project sa TV, ang TotoyBato na si Carlo rin ang lumikha. Kailan naman ito sisimulan ni Robin?

"Kailangan ko po munang tapusin ang shooting ko ngSundo," sabi ni Robin. "Pagkatapos, ako naman ang uuwi sa Australia. Kailanganko po kasing mag-training para lumaki ang katawan ko. Boxer po kasi ang role niTotoy Bato kaya ganoon ang pangalan niya.

"Dati po itong ginawa ng idolo kong si Fernando Poe Jr., atsana ay makaagapay man lamang ako sa pagganap niya sa role. Babalik po ako ritoafter four months saka kami magsisimulang mag-taping. Kaya baka early 2009 naito mapanood sa GMA-7."

Sa executive producer ng Joaquin Bordado na rin naminnalaman na sila pa rin ang production staff na hahawak sa Totoy Bato, tulad ngkagustuhan ni Robin. Sina Direk Mac at Direk Argel pa rin ang magdidirek nito.

Hindi pa raw nila alam kung sinu-sino ang makakasama niRobin. Naghahanap pa raw sila ng makakatambal ni Robin na dapat daw ayisang singer.

Meanwhile, habang nagsu-shooting si Robin ng Sundo atnagti-training sa Australia, magsisimula na ring mag-shooting si Direk Mac ngOne True Love (dating Amnesia) para sa GMA Films, na pagsasamahan for the firsttime nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago tuluyang umalis si Robin, may lumapit sa kanyang GMA-7crew na tinanong siya kung willing daw siyang mag-endorse ng mga native cropsnatin tulad ng kamote, saging saba, na puwedeng pampalit sa kakulangan ngbigas, ayon sa Malacañang.

"Anytime po," nakangiti niyang sagot. "Kahit po kasi ako, kumakain na talaga ako ng kamote at saging saba at ibapang native crops natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN