Lotlot de Leon dismisses rumor linking her to young actor Marco Alcaraz

"I'm not attracted to younger men, although hindi naman dapat mag-depend sa age, kundi sa personality ng guy. Pero parang nakakahiya naman sa mga anak ko, lalo na sa panganay ko who's already 19 years old, na ipakikilala ko sa kanila ang guy na halos kasing-age lamang nila," explains Lotlot de Leon.


Nilinaw na ni Lotlot de Leon sa Showbiz Central, July 13, ang pagli-link sa kanya at sa co-star niya sa Dyesebel na si Marco Alcaraz at sa iba pang younger guys. Humarap siya sa Central Jury na sina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister.

Two weeks ago ay nag-guest din sa segment ng naturang showbiz talk show ng GMA-7 ang dati niyang mister na si Ramon Christopher. Tinanong si Monching tungkol sa pagkaka-link ni Lotlot kay Marco at sinabi nitong medyo nagulat siya, pero wala raw naman siyang nararamdamang selos kung totoo man ‘yon.

Nang si Lotlot naman ang naupo sa hot seat, sinagot niya ang tungkol sa kanila ni Marco.

"Walang katotohanan ang tungkol sa amin ni Marco," mariing sabi ni Lotlot. "Ang totoo, ang mga anak ko, natutuwa sila kapag may naikukuwento ako sa kanila na parang may hinahangaan akong tao, not particularly si Marco, kaya they tease me. Sasabihin nila, ‘Uy, si Mommy!' at kinikilig sila para sa akin. Pero wala talaga akong idini-date. Kung meron mang darating, hindi ko masabi, hindi natin alam."

Bukod kay Marco, mayroon din daw isang Australian-based model na na-link kay Lotlot. Mas bata rin daw sa aktres ang naturang modelo, pero hindi raw nagtagal ang relasyon nila dahil inagaw sa kanya ito ng isang starlet.

"No, it's not true, saka ang tagal na ng issue na 'yan!" napahalakhak na sagot ni Lotlot. "Dapat siguro, madalas akong mag-guest dito para may update kayo lagi sa akin. Walang ganoong issue, he's just a friend at bumalik na siya sa Australia dahil nandoon nga ang work niya.

"Saka I'm not attracted to younger men, although hindi naman dapat mag-depend sa age, kundi sa personality ng guy. Pero parang nakakahiya naman sa mga anak ko, lalo na sa panganay ko who's already 19 years old, na ipakikilala ko sa kanila ang guy na halos kasing-age lamang nila. No, walang ibang guy sa buhay ko, maliban sa Mommy Guy [Nora Aunor] ko!" biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABOUT MOMMY GUY. Kailan huling nakausap ni Lotlot ang ina niyang si Nora Aunor?

"Huli ko pang nakausap si Mommy a few months ago, nang mag-guest siya sa show ni Atty. Michael Garfunkel at nakuha na niya ang green card niya. Matagal na niyang gustong makakuha ng green card and I know she deserves that as an artist."

Totoo bang pinalayas ang Superstar sa tinutuluyan nitong bahay sa Amerika?

"Hindi ko alam ang tungkol sa pagpapalayas daw sa tinitirahan niyang bahay, dahil hindi ko nga siya madalas makausap. Yung ibang balita tungkol sa kanya, nakukuha ko lang sa mga friends niyang nakakasama sa States. Exaggerated naman yatang masyado ang balitang ‘yon. Dahil sa palagay ko, sa dami ng mga friends niya roon, baka sila pa ang magsabi sa kanyang doon na siya tumira sa kanila," lahad ni Lotlot.

Sa interview ng Showbiz Central last week kay Nora, pinasalamatan din nito si Lotlot sa pagiging second mom niya sa mga nakababatang kapatid na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth.

"Wala namang problema doon dahil matagal ko nang ginagawa ‘yon. Sino ba naman ang magtutulungan kundi kaming magkakapatid din? Saka ginagawa ko ‘yon hindi dahil kailangan kundi dahil mahal ko naman talaga ang mga kapatid ko."

KILLER QUESTION. Bago ang segment ng Central Jury. Kung dati ay may isang Killer Question na iri-reveal o isi-seal, ngayon ay pipili ang guest between the Killer Question at Killer Task.

Mas pinili ni Lotlot na sagutin ang Killer Question kesa gawin ang Killer Task dahil very personal daw ito.

Ang Killer Question para kay Lotlot ay tungkol sa pagkikita raw nila sa isang public place ni Norie Sayo, ang lesbian manager ni Nora na balitang pinakasalan ng Superstar sa Las Vegas. Ayon sa ilang mga nakasaksi, nakita raw si Lotlot na sinigawan si Norie.

Ani Lotlot, "Totoong nagkita kami sa isang lugar pero hindi naging maganda ang pagtatagpo namin. Naging emotional ako nang magtagpo kami dahil nasasaktan ako at nasigawan ko nga siya. Siguro, dapat kaming magkausap na talaga ngayon para masabi ko na ang lahat-lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Hindi ako proud sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinagsisihan dahil 'yon ang napi-feel ko nang oras na iyon at dapat na itama na ang lahat," seryosong pagtatapos ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN