Robin Padilla excited to work with Manny Pacquiao in "Totoy Bato"

"Isangmalaking karangalan para sa amin na makasama si Manny. Siyempre, bilang isangKapuso, kami ay nananabik na makasama ang Pambansang Kamao," says Robin Padilla about working with boxing champ Manny Pacquiao in Totoy Bato.



Live na nagsama-sama ang halos lahat ng cast at nagingbahagi ng Joaquin Bordado sa Studio 3 ng GMA-7 last Friday night, July 11, kungsaan nag-farewell episode na ang naturang palabas na pinagbidahan ni RobinPadilla.

Sa panayam ng Startalk kay Robin, sinabi nito na maramisiyang natutunan at mami-miss sa mga nakatrabaho sa kanilang series sa loobhalos ng anim na buwan.

"Palitan lang naman ‘yan. May natutunan sila sa akin, maynatutunan ako sa kanila.

"Actually, galit sa akin lahat 'yan!" natatatawang biro niya."E, paano, pinatulog ko sila sa isla ng dalawang araw na wala kaming kuryente,wala kaming higaan, wala kaming tulugan. Pero nakita naman nila, e, sosiguro,okey lang sa kanila."

"TOTOY BATO." After Joaquin Bordado, magpapahinga muna raw pansamantalasi Robin sa paggawa ng soap opera. Ang nakaplano niyang susunod na gawin ay angremake ng Totoy Bato, kung saan makakasama niya ang Pambansang Kamao na siManny Pacquiao.

"Actually, matagal na kaming hindi nagkikita [ni Manny].Noong nag-uumpisa pa lang sa boxing si Manny, magkaibigan na kami. Pero hindikami love team, ha!" biro niya.

"Yung Totoy Bato, [tungkol sa boxing yun, e. So, isangmalaking karangalan para sa amin na makasama si Manny. Siyempre, bilang isangKapuso, kami ay nananabik na makasama ang Pambansang Kamao."

Bukod kay Manny, inaasahan din daw ni Robin na makakasamaniya sa Totoy Bato ang aktres na si Sunshine Dizon.

NOT YET READY. Samantala, tinututulan pa raw ni Robin na gumawa ng isangmalaking pelikula ang anak niya na si Kylie Padilla. May plano raw kasi si Mr. Vic del Rosario ng VivaFilms para kay Kylie na isang launching movie.

Katuwiran ni Robin, "Masyado kasing malaki kaagad yung saViva. Medyo nalalakihan pa kami. Dahan-dahan lang. Gusto ko munang manamnam niKylie yung sa TV bago siya magpelikula. E, kasi ang gusto ng mahal kong tatayna si Boss Vic, pelikula kaagad!"

BONDING TIME WITH LIEZEL. Pero bago raw simulan ni Robin ang TV show niya with Pacquiao,gusto muna ni Robin na magbakasyon kasama ang kanyang pamilya, especially nowthat his wife Liezel is in town.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng Startalk si Robin kung nakapag-celebrate basila ni Liezel ng kanilang anniversary.

"Okey naman, kasi wala ako! Nasa Calatagan ako," referringto their anniversary. "Ako naman, wala naman akong pinapangarap kundi angmakasama ang pamilya ko."

Sa huli, tiklop tuhod daw ang pasasalamat niya sa lahat ngmga nanood at sumubaybay ng Joaquin Bordado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN