Bea Alonzo hopes John Lloyd Cruz will be her leading man in "Betty La Fea"

"But I really hope na siya parin. I'm hoping na kung hindi man si John Lloyd, isang magaling na actorwill play Armando. But it will be nice kung siya pa rin kasi mas kaunti na yungadjustments," says Bea Alonzo about wanting John Lloyd Cruz as her leading man in I Love Betty La Fea.



Sa contract signingni Bea Alonzo para sa teleseryeng I Love Betty La Fea last July 9, isa-isangsinagot ng aktres ang mga katanungan at intrigang ibinabato sa kanya.

Unang hiningan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Bea ng masasabi niya sa hiling ngmarami na ang perennial screen partner niyang si John Lloyd Cruz pa rin angkunin upang gumanap na Armando Mendoza sa I Love Betty La Fea, lalo't subok attanggap naman ang tambalan nila ng young actor.

"Understandable ‘yankasi we're doing a soap together for eight years as partner and as a love team,"sabi ni Bea. "Hindi mo maalis sa kanila na hanap-hanapin kami sa TV, kasi kungsaka-sakali, first time naming hindi magkakasama.

"But I really hope na siya parin. I'm hoping na kung hindi man si John Lloyd, isang magaling na actorwill play Armando. But it will be nice kung siya pa rin kasi mas kaunti na yungadjustments."

Hindi rin itinago niBea na sobra-sobra ang pressure na sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN angI Love Betty La Fea.

"Sobrang pressuretalaga, I'll be honest," sambit niya. "Pero at the same time, yung pressure na yun,tini-turn ko na lang into excitement then challenge. Challenge siya for me kasifirst time ako na magko-comedy, magla-light soap opera. And it's not easy lalo'tmga veterans ang mga kasama ko, like Ms. Ai-Ai delas Alas. Siyempre, ayokonamang magpahuli.

"Every take, anginiisip ko na lang, characterization na lang at saka nakakatulong ng malaki angworkshop. Script reading pa lang, ang saya-saya na ng cast, tawa lang kami nangtawa. Ito yung trabaho na pag-uwi ko ng bahay, matutulog ako, nakangiti pa rinako."

JOHN LLOYD-SARAH TEAM-UP. Nang una pa langlumabas ang balita na si Sarah Geronimo ang kapareha ni John Lloyd sapelikulang A Very Special Love ng Star Cinema, marami raw sa John Lloyd-Beafans ang umalma at nagbantang ibu-boycott ang nasabing pelikula. Agad namangdinepensahan ni Bea ang kanilang mga tagahanga tungkol sa lumabas na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't thinkthey're gonna do that kasi yung mga fans naman namin are very intelligentpeople, very considerate. Siguro nasasabi lang nila yun dahil bugso ng damdaminnila nung nakarating sa kanila yung impormasyon na gagawa sila ng pelikula.Siyempre, initial reaction nila, ‘Ay, ibo-boycott namin 'to!' But I'm sure,hindi nila gagawin yun because they love John Lloyd, as much as they love meand I trust them with that," pahayag ng young actress.

DATE WITH JAKE. Bago pa man pumutokang balita na nakitang nag-date diumano sina Bea at Jake Cuenca sa Alabang,lumabas din na gagawa sila ng pelikula under Star Cinema. Pero ayon kayBea, "I'm not doing it anymore kasinagkaroon ng changes sa plan ng management. I think Shaina [Magdayao] is going to do it na. Ako, I'm going to doBetty muna."

Marami angnakapansin na parang iwas na raw si Bea na pag-usapan ang tungkol sanababalitang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Jake.

Paliwanag ni Bea,"Hindi naman sa iniiwasan ko. Kaya lang, mahirap na dito lagi naka-focus yungconversation. It's nothing naman, it's a friendship na nabibigyan lang ngmalisya.

"I don't think Ihave something to do with Jake and Roxanne [Guinoo, Jake's ex-girlfriend], lalona sa breakup nila because I have my own life. I'm enjoying it saka ang damikong ginagawa. May album ako, I have Betty La Fea, and that's the least thingna dapat kong problemahin as of the moment.

"It's true na lumabas kami ni Jake," patuloyniya, "and there's nothing wrong with that. I'm single and he's single, andit's not really a date. Two people hanging out and wala naman sigurong masamadoon. Sabi ko nga, ngayong lumabas pa lang kami, kung anu-ano na ang mgalumalabas.

"Sabi ko nga, angsine-savor ko yung feeling na pretty-prettyhan muna ako ‘tapos magiging Bettyako. Lagi kong sinasabi, lahat ng dumarating sa buhay ko ngayon, right timing.Siyempre, alam ni God na nalulungkot ka, mag-isa ka, pero ang daming trabahongdumarating, ang daming blessings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It seems that Bea isstill mending her broken heart dahil nung tanungin namin siya kung nakapag-moveon na ba siya sa breakup nila ng ex-boyfriend niya na si Mico Palanca, heto angsagot ni Bea: "All I can say is that I'm in the process of moving on."

BEA'S CRUSH ON VHONG. Bea openly says that, even before, crush na niya si Vhong Navarrro, na siyang gaganapbilang Nicolas sa I Love Betty La Fea.

"Ang weird kasi siVhong, katrabaho ko na siya sa ASAP lagi. Talagang makulit ang personalityniya. So nung nag-workshop na kami, hindi naging mahirap sa akin na makilala ormaging comfortable doing different things with him. Kasi sobrang approachableniya na kahit siguro sinong um-approach sa kanya, makakagaanan siya ng loobkasi he's really a nice guy. Sobrang funny niya na hindi nakakahiyang magpatawaor biruin siya. Oo, pinaka-enjoy ako na katrabaho si Vhong.

"Alam naman ng mga tao na crush ko si Vhong.Even sa ASAP nga, yun ang laging biro nila sa akin, ‘Wow, Brad Pitt ang datingni Vhong!' But iki-clear ko lang na this is not in a romantic way. But I really,really find him very funny. Alam mo kung mata-trap man ako sa isang elevator, gugustuhinko na si Vhong yung makasama ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN