Phillip Salvador is Gretchen's personal choice as her leading man in "Maalaala Mo Kaya"

"Sabi ni Gretchen, ‘Kasi, Kuya Ipe, meron akong MMK.Sana tayong dalawa so you could help me out.' Sabi ko, ‘Pambihira ka naman! Allyou need is a good director. At saka kailangan talaga, naka-focus ka, ha, bakamamaya niyan, laro-laro lang sa ‘yo ‘yan! Kung gagawa ka ng MMK, definitelychallenging ‘yan. Hindi mo puwedeng i-ano ‘yan... Ikaw rin, alam mong mgasuplado-s



Marami ang naintriga sa totoong katauhan ng mayor naginampanan ni Phillip Salvador sa special episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), namapapanood na tuwing Sabado starting July 19. Galing kasi sa letter senders angmga itinatampok na istorya sa MMK kaya curious ang entertainment press kungsino ang naturang mayor.

Pero bago pa man sila uriratin ng kung sino ba ang mayor na ginagampanan ni Ipe (palayaw ni Phillip), nagpauna naang ilang cast ng naturang episode ng Maalaala Mo Kaya na patay na ang naturangmayor, although prominent daw ito during his term.

Bilang mayor, naging kabit ni Ipe rito si Gretchen Barrettona isa naman niyang constituent at may asawa na. Although ayon kay Phillip,kumpara sa dalawa niyang best friends na sina Senators Bong Revilla at JinggoyEstrada, ang pulitika raw ang hindi niya pinaplanong pasukan sa ngayon.

"It's not really my line. Although I ran for Vice Mayor,pero hindi siguro para sa akin. Kasi kung para sa akin, basta gusto Niya,siguradong mangyayari. Kapag hindi Niya gusto, meron Siyang ibang purpose saatin," pahayag ni Ipe na isang evangelist ng isang Christian group sa pressconng Maalaala Mo Kaya kahapon, July 14.

GRETCHEN'S PICK. Personal choice daw talaga ni Gretchen si Phillip na makasamaniya sa comeback niya sa pag-arte via MMK. Laking gulat nga raw ni Greta nangmalamang tinupad naman ng MMK ang wish niya.

Kuwento ni Phillip, "It's like this, noong wake ni Daboy[Rudy Fernandez], nagkita kami ni Greta. Sabi niya, ‘Kuya Ipe, may gagawin kaba sa ABS?' Sabi ni Malou [Santos] sa akin, meron akong teleserye, pero waitlang ako. Pero definitely raw, magkakaroon ako.

"Tapos sabi ni Gretchen, ‘Kasi, Kuya Ipe, meron akong MMK.Sana tayong dalawa so you could help me out.' Sabi ko, ‘Pambihira ka naman! Allyou need is a good director. At saka kailangan talaga, naka-focus ka, ha, bakamamaya niyan, laro-laro lang sa ‘yo ‘yan! Kung gagawa ka ng MMK, definitelychallenging ‘yan. Hindi mo puwedeng i-ano ‘yan... Ikaw rin, alam mong mgasuplado-supladita ang mga press natin, titirahin kang talaga kapag may nakitasa ‘yo. ‘

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Tapos, [ang] tagal ko na rin naghihintay ng MMK kaya sabi ko,padala n'yo nga sa akin ang script. Nang mabasa ko, I fell in love with thecharacter right away! ‘Tapos, nasabi ko, ang ganda rin ng role ng mag-asawa.Hindi ko alam na sina Tonton [Gutierrez] at Gretchen yun. May schedule na akowhen I found out that it was Gretchen who will play Margarita. So I told them,don't tell her!

"Nagme-makeup si Greta nang mag-hi ako. Bigla siyang, ‘'Ohmy god! Oh my god! My Mayor!' Yakap siya, e! ‘Tapos sabi ko, ‘Natuloy rin ang pinag-usapan natin sa wake ni Daboy.'Then she said, ‘No, I really asked for you but they said, you're notavailable,'" natatawang kuwento ni Phillip.

Totoo bang kinu-coach daw ni Phillip ang acting ni Gretchensa MMK?

"Tumutulong lang naman ako," sambit ng aktor. "Nagtutulungannaman kami ni Direk [Nuel Naval], kasi ayaw namin siyang mawala sa focus niya.I was telling her, ‘Greta, napakagandang project nito.' At saka, sabi kongganoon, ‘Greta, huwag kang mawalan ng focus dito. Huwag mong iwatak ang utak mosa iba.' Ang hirap magkaroon ng ganitong role, ng ganitong ka-challengingtalaga."

Nakita raw niya ang malaking improvement ng acting niGretchen from before.

"Malayo, napakalayo sa ginawa naming dalawa noon for TV.Ngayon, mas makikita mo na meron na siyang focus sa ginagawa niya."

CRISTINA & REY. Kung matatandaan, nasangkot sa isyu at demanda si PhillipSalvador sa businesswoman na si Cristina Decena noon. Now, there's a rumor nasina Cristina at Rey Malonzo naman daw ang nag-aaway. Ano ang masasabi niPhillip sa bagay na ito?

"Well, I don't think I should comment on that," maingatniyang sabi. "But whatever it is sa kanilang dalawa, sana nga ay maayos dindahil ayoko na magkaroon pa ng gulo ang bawat pamilya, ng pamilya ng ibang tao."

Napa-"Alam mo, maganda itong MMK namin!" na natatawa si Ipewhen PEP (Philippine Entertainment Portal) asked him na dati ay may impression na sina Cristina at Rey angmagkakampi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"God is doing something. As far as I know, God is doingsomething. And kung anuman yun, hindi ko alam. So, ako lang, ayoko na langmagkagulo pa kung anuman yung ano nila. All I want is all people to be happy, allpeople to move on kung anuman yung mga naging problema."

Hindi naman daw siya nagiging masaya sa problema or gusot ngiba.

"Kapag naging happy ako for that, para bang nagpu-push paako. Hindi ako ganoon, e. I have kept my mouth shut. I've been quiet all thetime. All I want is to praise Him. Praise God. At saka ako, kung sa away, walaakong gustong kaaway. Wala akong gustong kagalit. Lahat, ang gusto ko, inharmony," pagtatapos ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN