Court of Appeals finally grants annulment of Vhong Navarro's marriage to Bianca Lapus

After three years of waiting, Vhong Navarro's annulment case against actress Bianca Lapus was finally decided by the Court of Appeals in his favor.



Pagkatapos magpalitng abugado ang komedyanteng si Vhong Navarro sa annulment case na isinumiteniya sa korte sa kasal nila ni Bianca Lapus, mabilis na umusad ang kaso. Ilangbuwan lang at agad na naibaba ang desisyon ng pagpapawalang-bisa ng kasal niVhong kay Bianca.

Ikinasal si Vhongkay Bianca noong January 20, 1998 sa munisipyo ng Floridablanca, Pampanga.Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin angdalawa. Nag-file ng petisyon sa korte si Vhong noong May 5, 2005 para mapawalang bisa ang kasal nila ni Bianca.

Sa solo presscon niVhong para sa I Love Betty La Fea, nagbigay ng pahayag ang aktor sa estado ngkaso.

"Nasa husgado parin, e. Sana nga this year, matapos na," pahayag ni Vhong sa The Buzz.

Hanggang nitong July9, Miyerkules, matapos ang tatlong taon ay lumabas na ang desisyon sa kaso.Kinatigan ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Quezon City RegionalTrial Court. Napawalang-bisa ang kasal ni Vhong kay Bianca.

Batay sa desisyon,sapat ang ebidensiyang nagpapatunay na una, si Bianca ay may "psychologicalincapacity" bago pa man sila ikasal. At ikalawa, na nakikipag-date diumano siBianca sa ibang lalaki habang magkarelasyon pa sila ni Vhong.

Kinuha ng The Buzz angpanig ni Bianca sa pamamagitan ngkanyang abugado na si Atty. Donn Bacay.

"It's the court's decisionso we have to accept it. Yun lang, masakit kay Bianca yung findings, na she wasnot a good wife and mother to his other kid," pahayag ni Atty. Bacay.

Isa lang daw anghiling ng kampo ni Bianca kay Vhong ngayong kumpirmado na ang annulment ng kanilang kasal. "Nagbibigay si Vhong, perohindi sapat. About P10,000 a month. It's not enough para sa lumalaking bata,"sabi ni Atty. Bacay.

Nakunan din ng pahayagng The Buzz si Vhong at ang nababalitang karelasyon niya ngayon na si Desireedel Valle. Nang tanungin ang aktor tungkol sa kanyang annulment case, matipidpa rin ang sagot ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako puwedengmagsalita, honestly," sabi niya.

Ayon naman kay Desiree, "I don't think I haveany right to say anything about it. Basta ang masasabi ko lang, okay kami niVhong, yun lang. Yeah, we're okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN