Bong Revilla laughs off rumor that Inah and Vince's marriage is already on the rocks

"No, it's not true, walang katotohanan ang intrigang‘yon. Nakikita namin kung gaano kamahal ni Vince si Inah at very protectivesiya rito. Madalas din silang pumupunta sa bahay kaya nakikita namin ni Lanikung paano niya alagaan si Inah," says Bong Revilla about a report that the marriage of his daughter Inah Revilla and Vince del Rosario is already on the rocks.



Isang get-togetherfor selected members of the entertainment press ang ipinatawag ni Sen. BongRevilla and his wife, Lani Mercado, kagabi, July 15, sa Annabel's restaurant saTomas Morato, Quezon City. Ayon kay Bong, chikahan lang daw ang naturangpagtitipon dahil gusto niyang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya samedia since wala siyang entry ngayon sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Unang napag-usapan ang tungkol sa balitang pagtakbo diumanoni Bong bilang vice president sa 2010 elections. Inamin ni Bong na interesado siyang tumakbo sa naturang posisyon, bagamat marami pa raw siyang dapat i-consider.

"Malayo pa naman 'yon, saka ang dami pang dapat nai-consider," nakangiting sagot ni Bong. "Isa na rito ay kung sakaling tutuloy sina Jinggoy [Estrada] at siAte Vi [Batangas Governor Vilma Santos]. Bilang pinakabata sa aming tatlo atdahil iisa ang aming pinanggalingan [ang showbiz], magpaparaya ako. Matagal kona ‘yang sinabi. Nang may lumabas na balita na tatakbo si Pareng Jinggoy,sinabi ko sa kanya kung tutuloy siya, magpaparaya ako."

Kung sakali bang tumuloy si Bong ay papayag ba ang misisniyang si Lani?

"Yes, tinanong ko si Lani kung papayag ba siyangtumakbo akong vice president... Siya ang tanungin ninyo," sabi ng senador atsaka inakbayan si Lani na katabi niya.

Ayon kay Lani, "Sinabi nga niya sa akin at medyonabigla rin ako. Pero sabi ko sa kanya, ipaubaya namin sa Diyos at kung ano anggusto ng mga tao. Ako, mag-isa lang ako para mag-decide. Kung ipagkakaloob ngDiyos na siya nga ang mapiling kumandidato sa partido niya [Lakas], nanditolang ako sa likod niya na susuporta sa kanya. Marami na kaming pinagdaananghirap, pero lagi naman namin itong itinataas sa Kanya. Kaya kung ano ang gustoNiya, susunod lang kami."

INAH-VINCE RELATIONSHIP. Bigla-bigla ay may sumingit ng tanong kung totoongnagkakalabuan na ang anak nina Bong at Lani na si Inah Revilla at ang misternitong si Vince del Rosario, bagamat kakakasal lang nila noong May 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha, may intriga na namang ganoon?" naningkit laloang mga mata ni Bong sa pagtawa. "Kanina lang, nasa bahay namin sila at dala-dala ni Inah ang resultng ultrasound ng baby girl niya. Sabi niya, ang cute-cute daw ng baby atkamukhang-kamukha raw ito ni Vince. Biro ko sa kanya, ‘Buti na lang kamukha ni Vince ang baby!' Ay naku, anganak namin, in love na in love kay Vince kaya siguro nakamukha nito angmagiging anak nila.

"No, it's not true, walang katotohanan ang intrigang‘yon. Nakikita namin kung gaano kamahal ni Vince si Inah at very protectivesiya rito. Madalas din silang pumupunta sa bahay kaya nakikita namin ni Lanikung paano niya alagaan si Inah," kuwento ng actor-politician.

May nakahanda na bang name ng baby girl nina Vince at Inah?

"Meron na," sagot ni Bong. "Noong isang araw lang,magkasama silang nag-shopping dahil may kailangan daw silang bilhin para sacoming baby girl nila. May name na rin silang napili, Alexa Daniella. Hindi koalam kung saan nila ‘yon kinuha, pero alam nilang ang meaning daw ng name naAlexa ay ‘defender of mankind' at ang Daniella daw naman ang ibig sabihin ay‘God is my judge.'"

Excited na ba sila sa pagdating ng second nilang apo?

"Oo, kasi Inah is on her seventh month of pregnancyna," sagot ni Lani. "By September ay magsisilang na siya. Ang gandanga kasi, boy ang una naming apo, si Gab, at ngayon babae naman ang kasunod."Si Gab ay anak ni Jolo Revilla sa dati nitong girlfriend na si Grace Adriano.

JOLO IS BACK TO SCHOOL. Speaking of Jolo, totoo bang wala na ito at ang napabalitanggirlfriend niya si Lovi Poe?

Ayon kay Lani, "Hindi na muna namin tinatanong si Jolotungkol sa kanila ni Lovi. Ayaw naming pakialaman ang kanyang love life.

"We're happy na naka-focus siya ngayon sa studies niya. Maaganga ang classes niya, 7:30 a.m., sa San Beda College in Mendiola, Manila. Kayanagbu-board siya malapit sa school para on time siya makarating sa klase. He'ssecond year college na, taking up Marketing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap kasi kung ganoon kaaga ang classes niya ‘taposmanggagaling pa siya ng Ayala, Alabang. Saka mabuti na ‘yon para makatipid siya dahil ang mahal ng gasolinengayon," nakangiting pahayag pa ni Lani.

Dagdag niya, "Si Jolo na rin ang pinagde-decide naminkung may offer sa kanyang TV show ang GMA-7, dahil siya ang nakakaalam kungkaya niyang pagsabayin ang studies niya at trabaho."

BONG'S MOVIE. Bagamat wala siyang entry sa MMFF this year, siniguradonaman ni Bong na magkakaroon siya ng pelikula bago matapos ang taon. Sakatunayan, nakatakdang i-present sa kanya ng Star Cinema sa Friday, July 18,ang gagawin niyang pelikula.

Ipinaalala rin ni Bong na ang unang pelikula ng Star Cinema15 years ago ay siya ang bida, ito ay ang Adan Ronquillo: Tubong Cavite, LakingCavite.

"Happy ako na muli silang nag-offer sa akin," saad niSen. Bong. "Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung ano ito dahil mag-uusappa kami ni Ms. Malou Santos, head ng Star Cinema. Nagpaalam naman ako sa GMANetwork na may gagawin ako sa Star Cinema at pumayag naman sila."

Kapag ayos na raw ang usapan nila ng Star Cinema,promise ni Sen. Bong muli siyang makikipagkuwentuhan sa entertainment press.Pero sinabi niya na isang comedy film ang next movie project niya.

Ipinapaubaya na rin daw ni Bong sa Star Cinema kung sino ang magiging leading lady niya sa pelikulang gagawin niya para sa film outfit ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN