Phillip Salvador praises "Maalaala Mo Kaya" co-star Gretchen Barretto

"Si Greta, totoong tao 'yan. Di ko siyaipinagtatanggol, ha. Luka-luka 'yan pero tao 'yan. Gerera rin 'yan na'pag mahal niya, ipaglalaban niya. Sabi ko nga sa kanya nung taping, 'Walaka sa Makati kaya di ka dapat magpasosyal dito sa role mo!'" says PhillipSalvador of his co-star Gretchen Barretto.


Galing General Santos City, mula sa Manila Domestic Airportay dumiretso na si Phillip Salvador sa presscon ng Maalaala Mo Kaya sa14th floor ng ABS-CBN, kunsaan kasama niya si Gretchen Barretto at mapapanoodito ngayong Sabado (bagong araw), July 19 nang gabi.

"Nag-basketball game kami doon sa GenSan ni Boyet[Christopher de Leon]," bungad ng mahusay na actor sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "'Kala ko nga, di na ako aabot dito, e. Perosiyempre, I need to support MMK dahil mahal ko ang show and proud akosiyempre dahil kasama ako sa 17th year anniversary episode nila."

GRETA IS GREAT. Ayon kay Phillip, ikatlongpagkakataon na pala niyang magkatrabaho si Greta sa telebisyon.

"Una, was yung by Director Lino Brocka sa Channel 9,long time ago. ‘Tapos, sa MMK uli with Chito Roño, Kalapatiang title. Pero sabi ko nga, you will never be serious sa ginawa doon niGretchen.

"Pero sa episode namin sa Saturday, she was awesome.Most of her scenes are highlights. She was focused sa characterniya," pagmamalaki ni Kuya Ipe.

"Si Greta, totoong tao 'yan. Di ko siyaipinagtatanggol, ha. Luka-luka 'yan pero tao 'yan. Gerera rin 'yan na'pag mahal niya, ipaglalaban niya. Sabi ko nga sa kanya nung taping, 'Walaka sa Makati kaya di ka dapat magpasosyal dito sa role mo!' Ang sarapmagtrabaho sa ganitong kagandang project."

Papel ng isang 60-year-old plus na mayor na balo[widow] ang ginagampanan ni Kuya Ipe sa nasabing episode ng MMK. Firsttime siya gumanap as mayor in his career, at pinaputi ang buhok niya para sa role.

Sa totoong buhay ba'y hindi niya feel na subukang muli angpulitika?

"Politics is not really my line,"aniya. "I ran na noon for vice mayor, pero siguro, hindi talaga forme. Kung para sa atin, mangyayari. Yun ang paniniwala ko."

THANKING THE LORD. Sa mga personal na nangyayari sabuhay ni Phillip ngayon, masasabi nga niyang naging malapit na siya saPanginoon, at very vocal siya tungkol sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I became a Christian because of my wife [EmmaLedesma]," seryosong lahadng multi-awarded aktor. "Naiba ng takbo ang buhayko. Noon, never kong na-realize na sumikat ako, gumanda ang kabuhayan ko,hindi ako nakapagpasalamat sa Diyos.

"Akala ko, dahil lahat yun sa kasipagan ko. Hindiako nakapag-thank you sa Panginoon, pero panay ang hingi ko. ‘Tapos, nag-lielow ang career ko, di ba? Dahil na rin siguro sa nangyari sa movieindustry natin. Matagal akong walang work.

"It was Malou Santos [of Star Cinema] who gave meanother chance. It's a blessing from our Lord. Naging visible ako ulisa Maging Sino Ka Man, parts 1 and 2 at nagpapasalamat ako doon.

"Sabi ni Malou, may teleserye raw akong gagawin kayawaiting lang ako."

Ano nga ba ang masasabi niya kay Rosanna Roces na nakasamaniya sa nasabing serye, at tila nawawala na naman sa eksena dahil sa ilang personalreasons?

"Honestly, nanghihinayang ako kay Osang dahilnapakagaling niyang artista. Siguro, marami lang siyang iniisip.

"Manatili lang siya kay Lord. Si God angmagga-guide sa kanya. Ako nga, sa GenSan, I was able to share God sa mganakausap ko roon," lahad ng isa sa pinakamagagaling na aktorng Pelikulang Pilipino.

DIRECTING MAJA. Samantala, napag-usapan din sachikahang yun ng PEP with Phillip ang kanyang pamangkin na si Maja Salvador, napinapasikat na ng ABS-CBN at Star Cinema.

"Last kong MMK was with Maja, at kasama rin siJason [Abalos], directed by Mae Cruz.

"Alam mo, si Maja, pangarap ko ring idirek 'yanbalang-araw. Parang... siguro, anak ni Christopher de Leon [ang role]. Yungmatinding drama.

"Para sa akin, if there's a chance, ang dream ko forMaja is for her to become the next Vilma Santos. Alam kong malayo pa yun,pero yun ang gusto kong mangyari.

"Si Vilma kasi, hindi lang sa industriya natintinitingala, kundi pati na sa politics. Can you imagine, sa isang surveyfor President, nag-number 4 siya kahit hindi naman siya nagpahayag na tatakbosiya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya iniisip ang maging presidente [ngPilipinas], and yet, she's a good leader. Yung mayor nga ng Taal nanakausap ko, ang taas ng respeto niya kay Governor Vi," pagmamalaki pa niKuya Ipe sa Star for All Seasons, na ilang beses din niyang nakasama sapelikula.

MOVIES. Talking about movies, ilang taon na ringwalang Phillip Salvador film na napapanood ang kanyang loyal fans. Hindiba niya nami-miss ang paggawa ng pelikula?

"May pinag-uusapan kami ni Malou, pero nothing isdefinite yet.

"Ang Viva Films, tinawagan ako at kinausap, may offerdaw sila sa akin, kasama ko sina Anne [Curtis] at Jericho [Rosales],"pagbabalita pa niya.

Ito na nga ang Baler na Metro Manila Filmfest entryng Viva sa Pasko.

"Pero I'm just waiting for the script. Ipapadalapa lang para basahin ko. Ang sa akin naman,'pag gusto ko talaga ang materyal, why not? So, hinihintay ko lang na balikannila ako."

Open din ba siya sa paggawa ng indie films na usung-usongayon at kadalasa'y mas "matitino" pa sa mainstream movies?

"Naniniwala ako sa indie films or digitalfilms. Ginawa ko nga yung Mainit na Tubig, e [directed by RonaldCarballo]. Psychological drama yun, pinalabas as exhibition sa Cinemalaya lastyear 'ata o two years ago.

"'Tapos, nakausap ko rin si Robbie Tan [Seiko Filmsproducer and Cinemalaya executive]. Sabi ko sa kanya, 'If you have a goodproject for me, kahit indie film, padala mo lang sa akin ang script.' I'mopen with it, as long as matino ang material," sabi pa ni Phillip.

DIRECTORS HE WANTS TO WORK WITH. Sa tagal niya saindustriya bilang aktor, may mga direktor pa ba siyang gusto niyang makatrabahosa pelikula?

"Gusto ko sanang gumawa ng movies with Direk Chito Roñoand Direk Joel Lamangan. Dahil let's face it, sila yung mga beteranongdirektor ng pelikula.

"Sila yung mga batikan na and kahit naman sinongartista, gusto silang makatrabaho. And, talaga namang magagaling silakaya sana, may chance in the future. I'd like to do a film with either Chito orJoel," pagtatapos ng award-winning actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN