Nagsalita ang editor-in-chief ng FHM Philippines na si Allan Madrilejos kaugnay sa kasong inihain ni Manila Congressman Bienvenido Abante at ng ilang church representatives laban sa FHM at ilan pang men's magazines at tabloids.
"The said magazines and tabloids printed, published, distributed, circulated and sold in the City of Manila contain pornographic, obscene, erotic, indecent, or lewd pictures or poses that show, depict, exhibit, or describe nude or semi-nude bodies, sexual acts, sexual intercourse, private parts of the human body of both male and female, with no educational, artistic, cultural or scientific value, but clearly and purely intended or calculated to draw lust, stimulate sexual drive, excite impure imagination or arouse prurient interest," saad ng criminal complaint na inihain ni Cong. Abante. Sakop ng reklamo ang buwan at taon ng September 2007 hanggang July ng taong kasalukuyan.
Kahapon, July 17, sa isang press conference na inihanda ilang oras bago magsimula ang annual FHM 100 Sexiest Women event sa World Trade Center sa Pasay City ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng media na makapanayam si Allan.
"Hindi tayo puwedeng mag-comment about the case kasi we haven't really received a copy of the complaint," paliwanag ni Allan.
Sa kasalukuyan daw ay hindi pa malinaw sa kanya kung paano ang magiging takbo ng naipasang court complaint.
"May proseso yata ‘to, hindi ko alam. Pero mukhang maghihintay ka pa ng mga ilang linggo o araw."
Noong panahon kasi na pumutok ang balita ay busy na ang buong FHM team sa paghahanda para sa victory party ng FHM Sexiest Women na tinawag nilang "FHM Underground" kaya hindi muna nila inisip ang court case. Hindi naman daw nakaapekto sa grupo ang kinakaharap na demanda, at ika nga, the show must go on.
"Ganoon talaga e," iling ng FHM chief. "Tuloy na lang natin ‘yong show. ‘Yong show yung focus ngayong linggo na ito, 'tapos bukas trabaho na ulit para sa mga susunod na issue."
ALL FOR THE FANS. Naging controversial din this year ang nangyaring botohan particularly sa top kung saan mahigpit ang naging laban ng mga fans nina Marian Rivera at Angel Locsin.
Nagreklamo ang ilang fans ni Angel at kinuwestiyon ang naging final tally kung saan nanalo si Marian. Pumangalawa ang back-to-back winner na si Katrina Halili samantalang pumangatlo naman ang former Lobo lead star. Nagpakalat pa nga ng e-mail letter ang ilang die-hard fans ni Angel para ilabas ang kanilang saloobin sa naging final result ng botohan.
"Hindi maiiwasan, e...fans kasi ang may say dito, so hindi namin aalisin ‘yong karapatan nila na kuwestiyunin 'yong resulta ng list. Wala naman itong talent portion, hindi naman ito based on the sales, hindi ito based kung ilang beses ka na lumabas sa magazine. I mean, lahat naman ‘yan friends natin.
"Okay lang yon para sa akin. I think it's very healthy, it's a healthy sign that the readers are really interested sa campaign," pagwawakas ni Allan.