PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dolphy's 8oth-birthday wish: To marry partner Zsa Zsa Padilla

ABS-CBN is preparing a birthday special for the Comedy King.
by Melba R. Llanera
Published Jul 19, 2008
For his 80th birthday, Comedy King Dolphy wants to marry his long-time partner Zsa Zsa Padilla. "Matagal ko nang wish ‘yan, nahihiya na rin ako sa sarili ko na ang nakalagay sa passport ko ay single pa rin ako pero ang dami ko nang anak ‘tsaka apo," quips Dolphy.

Sa loob ng ilang taon na ring pagsasama nina Dolphy at Zsa-Zsa Padilla, noon pa inasahan at inasam ng taong malalapit sa dalawa na mauwi na sa pagpapakasal ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa Comedy King, inamin niya na sa kanyang 80th birthday sa darating na July 25, ang hiling niya lang ay mabago na ang status niya bilang single at maipakasal na sa babaeng pinakamamahal.

"Matagal ko nang wish ‘yan, nahihiya na rin ako sa sarili ko na ang nakalagay sa passport ko ay single pa rin ako pero ang dami ko nang anak ‘tsaka apo."

DOLPHY'S LIFE, AN OPEN BOOK. Balitang tapos na ang libro ni Dolphy na pinagtulungang gawin ng anak na si Eric Quizon at Ms. Bibeth Orteza. Pero ayon sa Comedy King, hindi pa nga sapat ang isang libro lang para ilagay ang kabuuan talaga ng buhay niya. May ilang mga parte nga raw ng buhay niya na hindi niya pinayagan pang ma-publish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well itong librong ito, marami ang may idea nito. Nag-umpisa na ‘yan kaya lang di natuloy. Naging vice president yung gumawa, siyempre medyo iba na yung dating, pinatuloy ko na lang kay Eric. So si Eric ang nag-asikaso ng lahat, yari na yung libro. Nabasa ko nang di pa nakalibrong lahat, di pa tapos na tapos, pero ngayon yata mayroon na siyang balat. May ilang parte na pinaalis ko na di na dapat i-include, ayokong manggulo pa ng tahimik na buhay.

"Makapal yung libro, pero kulang pa rin yun. Sabi ko nga, kung ilalagay talaga doon ang buong buhay ko, hanggang ngayong otsenta na ako, kulang, e. Sinama na lang namin yung mga di pa nababasa ng tao, kasi yung buhay ko naman, open book ‘yan sa publiko. ‘Di ba, sabi ko nga, open book ang buhay ko na pati pag-iri ko, isinusulat?"

Sa nalalapit na 80th birthday ni Dolphy, isang birthday special ang hinanda ng ABS-CBN para sa Comedy King at meron pang Ready to Rumble, Double Trouble na pagsasamahan nila ni Vic Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kaarawan ko, sa bahay lang kami. Kasi last year, malaki ang aming celebration dahil 79 ako. Sabi ni Zsa-Zsa, gawin na naming 80 kasi parang sa Chinese feng shui daw na ‘pag [number] 9, ayaw nila. Sabagay malaki din naman itong celebration ko, mayroong Double Trouble, may special sa akin on August 3, kung saan halos lahat ng artista ng ABS nandito, so malaki na rin."

BONDING WITH BOSSING. Sa pagsasama nina Dolphy at Bossing Vic sa pelikulang Double Trouble, na ipalalabas on August 3, aminado ang Comedy King na bukod sa nag-enjoy siya sa pelikulang ginawa ay napamahal na rin sa kanya ang kapwa komedyante.

"Ang masasabi ko lang, si Vic, parang anak ko na ito o kapatid kong bunso. Yun ang pagtingin ko sa kanya. Tama yung sinabi niya na noon ‘pag nagkikita kami, ‘hi' lang kami ng ‘hi,' pero during that time, binabalak na niyang gumawa kami ng pelikula. Kaya lang hindi nga natuloy kasi nalipat sila sa kabila kaya medyo di kami nagkikita. Pero salamat at natuloy, at natutuwa ako sa pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napakaganda ng samahan namin. Pati lahat ng kasama namin doon, di mo mararamdaman na nagtatrabaho ka, dahil masaya kami all the while hanggang umaga. Mula sa umpisa ng shooting hanggang kahit kumakain kami, puro tawanan lang kami nang tawanan kaya nga ‘pag umuuwi ako doon ako nalulungkot kasi kami-kami na lang uli.

"Di kami nagte-text at nagtatawagan pero alam ko sa puso ko na mahal niya ako at alam niya na mahal ko siya. Yun ang importante. Di na kailangang mag-text-an pa kami. ‘Tsaka di ako marunong mag-text, si Prestley [his alalay] ang nagte-text para sa akin."

Read Next
Read More Stories About
dolphy, Zsa Zsa Padilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For his 80th birthday, Comedy King Dolphy wants to marry his long-time partner Zsa Zsa Padilla. "Matagal ko nang wish ‘yan, nahihiya na rin ako sa sarili ko na ang nakalagay sa passport ko ay single pa rin ako pero ang dami ko nang anak ‘tsaka apo," quips Dolphy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results