Marian Rivera keeps promise to attend FHM event

"Ayoko namang ma-disappoint sila kung sakaling hindi akodarating. Ayokong maghintay sila sa wala. Kaya kahit na hectic ang taping skedko for Dyesebel dahil one week din akong mawawala, pumunta pa rin ako. Kung anoang ipinangako ko, tutuparin ko ‘yan," says Marian Rivera.



Natupad ang pangarap ng maraming kalalakihan na mapanood siMarian Rivera na rumampa sa runway sa FHM 100 Sexiest Women victory party napinamagatang FHM Underground, na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City,last July 17. Si Marian ang hinirang na Philippine's Finest ngayong 2008.

Suot ang pulang body-hugging midriff at skin tights,sumayaw si Marian na ikinatuwa ng maraming kalalakihan sa audience. Sinayaw niMarian ang kanyang signature "Marimar dance," gumiling-giling siya saentablado at lalong naipalabas ang kaseksihan niya.

Deserving si Marian na maging Philippine's Finest at matawagna Sexiest Pinay ng FHM dahil umaapaw ang confidence nito habang rumarampa sa mahabang catwalk ng venue.

Bago pa man dumating si Marian sa naturang event, nagingabala siya sa kanyang paglipad patungong Los Angeles kinabukasan (July 18)dahil kabilang siya sa special guests ng Eat Bulaga! doon.

"Nakaka-stress pero nag-e-enjoy ako," nakangiting sabi niMarian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nangako kasi ako sa mgataga-FHM na darating ako sa event nila dahil malaki ang pasasalamat ko sa mgareaders ng FHM sa pagboto nila sa akin to be number one.

"Ayoko namang ma-disappoint sila kung sakaling hindi akodarating. Ayokong maghintay sila sa wala. Kaya kahit na hectic ang taping skedko for Dyesebel dahil one week din akong mawawala, pumunta pa rin ako. Kung anoang ipinangako ko, tutuparin ko ‘yan."

Hindi nga makapaniwala ang ibang kalalakihan sa audience saganda ng mukha at katawan ni Marian. Yung iba ay first time lang na makita nangmalapitan ang nangungunang female star ng Kapuso Network..

"First time ko rin kasing gagawa ng ganito. Kinakabahantalaga ako. Pero ito ang trabaho ko at pangako ko ito sa mga sumuporta sa akinsa FHM. Para sa kanila itong ginawako kaya pagpasensiyahan na lang nila kung may mali akong nagawa sa dance stepso sa paglakad ko sa rampa," saad ni Marian.

Ayon sa editor-in-chief ng FHM na si Allan Madrilejos, hinahanda na nila ang magiging firstcover ni Marian sa naturang men's magazine ng Summit Media. May tatlong conceptna raw silang ipakikita kay Marian at umaasa silang may magustuhan ang youngactress dito sa tatlong naisip nilang bagay na bagay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are working side-by-side with her people. Sila naman dinang nakakaalam kung ano ang bagay kay Marian," sabi ni Allan. "Siyempre, opennaman kami sa maraming suggestions nila kasi we understand na may mga bawal nagawin si Marian because she's endorsing numerous products. Wala namang problemaon our part kasi we are more willing to work with them para matuloy lang siMarian as our cover girl."

Inamin ni Allan na medyo naapektuhan sila sa mga lumabas naprotesta ng ibang kampo dahil sa paghirang nila na No. 1 si Marian. Peronaglabas naman ng proper documents ang FHMproving na si Marian nga ang nagwagi both sa online and text voting.

"First time kaming nagkaroon ng ganitong mga usap-usapan, whichnever happened in the many years we have this FHM Sexiest Women in the World.Pero that's the world we are living in. You just cannot please [everybody]. Kaminaman, we have all the proper papers to prove that Marian is indeed No. 1."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN