Vic Sotto discovers Dolphy's humanity during "Double Trouble" shoot

Vic Sotto has long been wanting to do a movie with Comedy King Dolphy. When he finally worked with him in Double Trouble, Bossing was impressed by Dolphy's work ethic and how he deals with otherpeople.



Sa pagkakagawad sa kanya ng titulong All-Time Box-OfficeKing nung nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation awardsnight para sa consistent box-office results ng mga pelikula niyang EntengKabisote 1 to 4, wala nang makakakuwestiyon sa box-office appeal ng isangVic Sotto.

At bukod kay Tito Dolphy na kinikilalang Comedy King,si Vic na ang maituturing na susunod sa pinakamahusay na komedyante ng bansa.Sa sarili niyang istilo at approach sa pagpapatawa, gumawa na siya ng sariliniyang marka sa industriya ng pelikulang Pilipino.

ANG PAGKATAO NI DOLPHY. Sa pelikulang Double Troublekung saan kasama ni Vic ang Comedy King, sinabi sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng komedyante na ang pagkakasama nila ni Dolphy sa isangpelikula ay isang napakalaking bagay para sa kanya.

"Ang makagawa lang ng pelikula with Dolphy ay kino-considerko na isang malaking bagay sa aking career as a producer and as acomedian. Sa pelikulang ito ko nakilala ang pagkatao ni Dolphy, nakita koyung pakikitungo niya sa kapwa, kung paano siya magtrabaho.

"Magkakilala kami, pero ‘showbiz kilala' lang nung araw.Nagkikita lang kami sa ABS. ‘Pag nagkakasalubong kami, ‘Kumusta na?' Ganunlang. Pero sa pelikulang ito nakatrabaho ko siya, halos every day, magkatrabahokami. Kuwentuhan about everything under the sun, tungkol sa buhaynamin. Narinig ko yung advice niya sa tao, nakita ko yung kagandahan ngpagkatao niya, kung gaano siya tunay na mapagmahal na ama."

MASARAP KATRABAHO. Ayon pa kay Vic,nag-enjoy talaga siya nang sobra-sobra sa itinakbo ng shooting ng DoubleTrouble. Natapos nga raw ito ng hindi na nila halos namamalayan.

"Tapos na tapos na. Maganda yung itinakbo ng aming shooting.Parang wala lang nangyaring trabaho, kasi masaya sa set. ‘Pag masaya ka saginagawa mo, nag-e-enjoy ka, di mo napapansin na alas-kuwatro na pala ng umagaat balewala lahat ng pagod mo, enjoy ka kasi from start to finish.

"Nung last shooting day nga, ‘Bah, last shooting day na palatayo?' Last day na pala, kasi bitin, parang gusto pa namin. We really had fun.We're proud to present this to the people at sinisiguro namin na kungpapanoorin nila itong Double Trouble, double din yung fun and laughternila. This is for the whole family and will be shown on August 3."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL GUESTING. Kahit na taga-Kapuso stationsi Vic ay isa siya sa special guest para sa birthday special ni Tito Dolphy saABS this coming August 3.

"I'm very happy, I'm very glad and excited that I'm part ofthis celebration. Kaya nga nung nagpasabi sila na sali daw ako sa specialna ito, sabi ko, ‘di puwedeng ‘di ako kasali diyan. Hindi silanagdalawang-salita pa."

DOUBLE WEDDING SANA . Nang tanungin naminkung ano ang birthday wish niya para sa Comedy King, heto ang sagot sa amin niVic.

"Nabangit ko nga na isa sa wish ko para sa kanya aside frommany birthdays to come, sabi ko nga ang wish ko ay makapag-asawa na siya,magpakasal na siya. Dahil Double Trouble yung title ng movie namin,double wedding na rin kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN