MTRCB Chairperson Consoliza Laguardia denies report she's being replaced by Amalia Fuentes

"As you can see, I'm still occupying the room of thechairperson. It only means, I'm still the current chairperson and nobody else.Board member siya [Amalia] at wine-welcome din namin siya rito," says MTRCBChairperson Consoliza Laguardia about the report that she's going to bereplaced by veteran actress Amalia Fuentes (inset).



Usap-usapan na diumano ay nagpahayag daw ang veteran actressna si Amalia Fuentes na siya na ang bagong mauupong chairman ng Movieand Television Review and Classification Board. Matatandaang noon ay nagkaroonna rin ng chairperson ang MTRCB na isa ring artista, si Armida Siguion-Reyna.

Ayon pa raw kay Amalia, gusto rin daw nitong makapaglingkodsa bayan, pero sa ibang paraan at ito nga ay ang mapili kung anong mga palabaslamang ang dapat na napapanood ng mga bata.

Pero sa panayam ng Showbiz Central kay ChairpersonConsoliza Laguardia sa mismong opisina nito, tahasan nitong sinabi na she'sstill the current chairman of MTRCB.

"As you can see, I'm still occupying the room of thechairperson. It only means, I'm still the current chairperson and nobody else.Board member siya [Amalia] at wine-welcome din namin siya rito.

"I am sure, makakatulong siya sa industriya at sa MTRCBrin," nawika pa ng MTRCB chair about Amalia Fuentes.

Kaugnay ng naturang interview, sinikap naman daw ng ShowbizCentral na makuhanan ng pahayag si Amalia, pero, nag-beg-off daw ito dahil paos daw. Instead, nagpadala na lamang siya ng isang textmessage.

Ayon kay Amalia, "I just want to correct the write-up thatmy appointment as MTRCB chief is wrong. I'm now a board member like many in theboard. And I'm grateful to PGMA [President Gloria Macapagal Arroyo] forthe honor of serving under her MTRCB, being under the office of the President."

At sa isyung papalitan na nga raw si Chairperson Laguardia?

"Hindi naman natin maalis ‘yan," sagot naman nga niLaguardia. "Siyempre, merong may gusto sa akin, merong hindi gusto saakin. Pero ako, ginagampanan ko ang trabaho ko sa abot ng makakaya ko."

Nilinaw rin niya ang negative write-up sa pagitan nila niAmalia at sa pagpasok ng actress bilang Board Member ng MTRCB.

"Welcome to MTRCB. With the few times na nagpunta karito sa MTRCB, nakita mo naman meron kang picture with me," sabay turo nito sapader niya na may kuha nga sila ni Amalia. "So, hindi totoo ‘yangwhatsoever negative between us. So, happy and exciting to work with you,"ang positibo namang mga pahayag ng present chairperson pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN