Claudine Barretto says she can't ask for more with the arrival of Santino

"He's such a blessing given unto us. Akala namin yung kaySabina, okey na okey na. Pero siyempre nung dumating si Santino, parang sobrangmasaya. I can't ask for more. Wala na akong mahihiling pang iba," says Claudine Barretto about her son Santino (inset).



Masayang-masaya si Claudine Barretto sa ginanap nadedication at first birthday celebration ng bunsong anak nila ni RaymartSantiago na si Santino. Ginanap ito sa Blue Leaf sa The Fort, Taguig City noongLinggo, July 20.

Sa dedication ni Santino, kabilang sa kanyang mga ninong atninang sina Kris Aquino, Edu Manzano, Robin Padilla, Diether Ocampo, at PioloPascual. Mula simula hanggang matapos ang dedication ay pinaligiran si Santinong mga mahal sa buhay nina Claudine at Raymart, kasama ng mga anak nila sapinakamahalagang araw sa buhay ng kanilang pamilya.

"He's such a blessing given unto us. Akala namin yung kaySabina, okey na okey na. Pero siyempre nung dumating si Santino, parang sobrangmasaya. I can't ask for more. Wala na akong mahihiling pang iba," pahayag niClaudine.

Wish naman ni Raymart para sa anak, "Maging mabait siyakatulad ko. Hahaha!"

Sinang-ayunan naman ito ni Claudine.

"Hindi, sana. Sana rin talaga you grow up like your dad. Atsinasabi ko rin kay Sabina na, ‘Sana makahanap ka ng asawa balang araw na kagayang tatay mo.'"

Dumating din sa okasyon ang nakatatandang kapatid niClaudine na si Gretchen Barretto. Pero imbes na si Gretchen ang kinuhang ninangpara kay Santino nina Claudine at Raymart, ang anak ng controversial actress nasi Dominique ang kanilang napili.

Samantala, kung walang uurong at hindi magkakaproblema,nakatakda ngayong araw, July 22, ang pakikipagharap ni Claudine at Angel Locsinsa isang undisclosed meeting na inayos ng kampo ng dalawang aktres.

Matatandaang nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Claudine at Angel nang minsang magkita sila sa isang salon.

Ayon sa aming source, naunang nagpahayag ngpakikipag-ayos si Claudine kay Angel. Very much welcome naman daw ang bagay naito para kay Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN