"PDA" expelled scholar Bea Muñoz ready "to let go" of boyfriend Miguel Mendoza

"Sa tagal po namin ni Miguel, pinag-isipan namin na maging opendahil pareho kaming nangangarap pumasok sa showbiz. So, mahirap po na maging seryosokayo sa isa't isa ‘tapos masaktan lang kami sa mga issues," explains Pinoy Dream Academy expelled scholar Bea Muñoz about her relationship with boyfriend Miguel Mendoza.



Nilinaw ng Pinoy DreamAcademy (PDA) ex-scholar na si Bea Muñoz ang balitang tatapusin naniya ang kanyang relasyon sa naiwang boyfriend sa loob ng Academy na si MiguelMendoza sa panayam sa kanya ng The Buzz noong Linggo, July 20.

Parehong nominado forexpulsion ang magkarelasyong Bea at Miguel last week, pero si Bea ang na-expel. Bago nangyari angnominasyon, madalas na ang tampuhan nina Bea at Miguel sa loob ng Academy.Minsan na rin pinagselosan ni Bea ang isa sa mga scholar na si Apple.

Hindi rin nagustuhanng iba ang pag-uugali ni Bea sa loob ng Academy at nang minsang nakasagutanniya ang isa pang scholar na si Laarni, kinampihan pa ni Miguel si Laarni. Hanggang sa GalaNight ng PDA noong Sabado, July 19, kitang-kita sa video ang pagiging mailap ninaBea at Miguel sa isa't isa.

Unang tanong ng The Buzz host na si Cristy Fermin kay Beaay ang tungkol sa pagiging "brat" daw niya sa loob ng Academy dahil lumaki siyasa isang nakaririwasang pamilya.

"Hindi po. Theycommonly judge me on the way I look and the way I act po. Hindi po talaga akobrat. It's just pagka-unang kita mo sa akin, akala mo brat ako dahil po sa kungsaan ako galing," pagtatanggol ni Bea sa sarili.

Nagpaliwanag din siBea sa obserbasyon ng iba na tiningnan niya nang masama si Miguel pagktaposi-announce ang kanyang pangalan na siyang mae-expel sa loob ng Academy.

"Sa totoo po, bagopa lang nung na-probation kaming dalawa, naging cold na po kami sa isa't isafor the reason na kung ilapit namin ang aming sarili sa isa't isa, mahirap pongmag-let go," saad ng aspiring singer.

Hindi naman daw ibigsabihin ng "let go" niya ay may plano na siyang makipaghiwalay nang tuluyan kayMiguel na karelasyon na niya since first year high school pa lang sila.

"Hindi po," mabilisna sagot ni Bea. "Just to let go kasi eventually one of us have to go [out ofthe academy] and one of us have to let go."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong wala na siyasa loob ng Academy, posible na makuha ng ibanng female scholars ang atensyon niMiguel. Ano ang masasabi ni Bea rito?

"Sa totoo po,ini-entertain ko yung decision ni Miguel kasi, di ba po, naging isyu yung openrelationship? Sa tagal po namin ni Miguel, pinag-isipan namin na maging opendahil pareho kaming nangangarap pumasok sa showbiz. So, mahirap po na maging seryosokayo sa isa't isa ‘tapos masaktan lang kami sa mga issues."

Naging vocal din angina ni Bea na si Mrs. Trinidad Muñoz na hindi niya papayagan ang anak napasukin ang showbiz. Aasikasuhin daw muna nilang mag-ina ang bumalik sa eskuwelasi Bea.

"Hindi naman po saayaw nila. Pero gusto po nila na tapusin ko ang pag-aaral ko. Papasok po ako next semester," sabi ni Bea.

Nagbigay rin ngkanyang saloobin si Bea kung sino para sa kanya ang dapat manalo sa PDA.

"Sa akin po si Bugoy po. Very humble po talaga.Kasi wala siyang training. Alam po niya ang dapat niyang gawin and madali posiyang maka-pick-up. Yung personality niya, very kind among all other scholarssa loob ng Academy. So I think Bugoyshould win," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN