Diether Ocampo never forgets obligation to his child in the U.S.

"Very private kasi yung family ng mother, so hangga'tmaaari, ayaw rin nila na nasasangkot sa mga intriga. Yung anak ko, four yearsold na siya at kamukha ko," says Diether Ocampo about his child with a non-showbiz girl.



Press conference pa lang noon para sa Iisa Pa Lamang, binanggit na ni Diether Ocampo na magsi-celebrate siya ng birthday with the entertainment press.

Katuwiran ni Diether, "Matagal-tagal na rin kasing hindinatin nagagawa yung ganito na magkasama-sama. At saka ako, gusto ko rin i-shareyung mga blessings na natatanggap ko sa inyo. Kasi simula naman noong umpisa palamang, nandiyan na kayo. At yung press people rin ang nagsisilbingkritiko ko na nagagamit ko naman para mapagbuti ko pa ang trabaho ko.

Sa Pizza Hut Bistro sa Tomas Morato kahapon, July 22, ginanap ang birthday celebration ni Diet with selected press people. Ang Pizza Hut ay isa sa mga endorsements ni Diether na, for the longesttime, ay nasa account pa rin niya. Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa PizzaHut dahil halos lahat ng events ng kanyang K.I.D.S. Foundation aysinusuportahan nito.

FRUITFUL YEAR. Naniniwala si Diether na napakarami niyang blessings nanatatanggap at ngayong taong ito, ayon sa kanya, ay pinaka-fruitful para sa niya.

"Pakiramdam ko, parang ngayon ko inaani lahat ng naitaninko," saad ng aktor. "So siyempre, kapag nakakatanggap ka ng mga blessings,gusto mo rin ito na mai-share tulad nga ngayon."

Kung may iwi-wish man daw si Diether ngayon, yun ay angmadagdagan pa raw ang oras sa isang buong araw.

"Alam ko naman na imposible yung wini-wish ko dahil 24 hourslang naman talaga ang oras sa maghapon. Pero sana kung puwede lang talaga, yunang gusto kong mangyari. Yung madagdagan ang oras dahil sa sobrang busy ko,parang kulang ang maghapon sa napakarami ko pang naiisip na gawin."

Yun nga lang, mukhang sa dami ng naiisip niyang gawin, tilaang pagse-settle down o paghahanap ng panibagong karelasyon ang hindi kasama samga plano niya.

"Well, hindi naman sa ganoon. Nagkataon lang talaga na walapa rin namang dumarating. At saka napapansin ko kasi na kapag yun anginiisip ko, parang biglang yung energy level, bumababa!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIET'S CHILD. May anak na si Diether mula sa isang non-showbizgirl. "Dream" ang pangalan ng kanyang anak na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika.Pero pagdating sa anak, halatang matipid kung sumagot si Diet.

"Very private kasi yung family ng mother, so hangga'tmaaari, ayaw rin nila na nasasangkot sa mga intriga. Yung anak ko, four yearsold na siya at kamukha ko," paliwanag niya.

Hindi rin daw siya puwedeng paratangan na hindi niyanagagawa ang financial obligasyon hinggil sa kanyang anak.

"Ah, hindi, yun naman ang masisigurado ko," sambit ni Diether."Kasi bago ang lahat, sinigurado ko muna na okey ang anak ko at mabubuhay siyanang maayos at makakatapos siya ng pag-aaral niya hanggang college."

DEFENDING GABBY. Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Diether ay ang taping ng primetime series sa ABS-CBN na Iisa Pa Lamang. Amongthe powerhouse cast, isa si Diether sa nakakakuha ng pinaka-favorable reviewfrom the critics and viewers.

"Malaki ang pasasalamat ko po sa mga sumuporta ng Iisa PaLamang," masaya niyang pahayag.

Muli na naman tuloy naungkat ang intriga na dehado ang role ngnagbabalik-showbiz na si Gabby Concepcion kung ikukumpara sa significance ngrole ni Diether sa serye. Pero ayon kay Diet, "Well, siguro kasi nga, yungunang week na lumabas, medyo ini-establish pa lang ang mga character, peromalaki ang participation niya. Actually, siya yung pinakamalaki anggagampanan na character."

Idinepensa rin ni Diether ang co-actor dahil aniya, wala rawkatotohanan yung nagrereklamo ito sa outcome ng mga roles nila.

"Alam n'yo, in fairness to Gabby, wala akong nakita or, kumbaga,napaka-professional niya. Wala akong naririnig sa kanya. Kung meron mansiyang naririnig na ganyang mga reaction, wala sa kanya. Alam naman niyadahil very secure siya. At saka mas naka-pick-up na siya ngayon. Kasi dati,kakabalik lang niya. Hindi na katulad dati na naninibago pa siya sa taping, saoras."

Para kay Diether, wala rin daw katotohanan ang usap-usapangnahihirapan nang paartehin si Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Wala akong nakikitang ganoon," sabi niya. "Para sa akin,magaling siya. Noong una nga, medyo nai-starstruck pa ako sa kanya. Sabiko, parang nai-intimidate ako kasi dati, pinapanood lang kita, pero ngayonkatrabaho na kita. Parang kinakabahan ako. Mabait naman kasi siya, kayamare-relax ka sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN