Andrew Schimmer on Jake Cuenca: "Mayabang naman talaga yun."

"Ang yabang niya nunggabing yun, akala mo kung sino. May taga-sindi siya ng sigarilyo, may alalay.Hindi naman siya ganoon nung nagsisimula pa lang kaming lahat," narrates Andrew Schimmer (left) about his encounter with Jake Cuenca (right) in an awards night.



There's no love lostbetween former best friends Andrew Schimmer and Jake Cuenca.

Very visible ngayon siAndrew at palaging nakakausap ng mga press dahil sunud-sunod ang pelikulaniyang ginagawa at ipalalabas. In fact, this August, he has three movies to beshown—Project X from Leo Films na showing on August 3; Torotot ng Viva Films, showing on August 20; at Eskandalo ng Sun Flower Production, August 27.

Iba-iba naman angpapel ni Andrew sa tatlong pelikula. He plays a straight impersonator involved in a sex-video scandal sa Project X (dating Pinoy Deep Throat) kasamasi Mon Confiado at ang ipinakikilalang si Angelina Roa. Sa Torotot ni Direk Maryo J.de los Reyes, he plays a dog trainer na naging kabit ni Maui Taylor. SaEskandalo naman ni Direk Joven Tan, isa siyang kabit ng bakla played by EmilioGarcia.

Andrew belonged to theG4 or Gwapings Forever, ang grupong binuo ni Douglas Quijano noong early 2000as follow-up to the original Gwapings. Apat sila noon including Jay Aquitaniana nag-i-indie movie na rin just like him; Benjamin Basa, now plain Benj Basa whois a Star Magic talent; and the inactive Kiel Rodriguez.

Sa usapan namin parasa promotion ng Project X last Tuesday lunch, July 29, sa Max's Roces,nabanggit niyang gustung-gusto niya sanang makasama sa katatapos lang na denimand underwear fashion show ng Bench, ang Blackout. Pero hindi siya pinayagan ngkanyang endorser na Paddocks. He used to be part of the show at na-miss niyaraw ang unang pagpapa-sexy ng kanyang kaibigan na si Benj na rumampa sa Blackout.

Bigla namingnapagkuwentuhan si Jake Cuenca, ang dati niyang best friend at nakasama sa ilangprograma ng GMA-7. He heard that Jake did not get the same applause he got thelast time. When we confirmed this, nagulat kami sa unang sagot ni Andrew: "Butinga sa kanya, yabang niya kasi."

We asked Andrew if wecan continue this line of conversation dahil baka masabihan siyang gumigimik,lalo na't considered important star pa rin si Jake ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, okay lang.Mayabang naman talaga yun, e. Karma niya, akala niya palagi siyang sikat,"diretsahang sabi ni Andrew.

Tinanong ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Andrew kung saan ito nagsimula. Ayon sakanya, sa isang awards night.

"Matagal kaming hindinagkita. ‘Tapos, hindi na nga ako pinansin na parang hindi naman kami nagingmagkaibigan, pagdaan niya sa akin, tinabig pa ako," kuwento ni Andrew.

Baka naman biro langito, paalala namin kay Andrew.

"Hindi, talagang hindiniya ako pinansin na parang may ginawa ako sa kanya. Sabi ko nga, ulitin niyapa yun masasapak ko siya noong gabing yun.

"Ang yabang niya nunggabing yun, akala mo kung sino. May taga-sindi siya ng sigarilyo, may alalay.Hindi naman siya ganoon nung nagsisimula pa lang kaming lahat," pagsisiwalat niAndrew.

At press time aysinusubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ni Jake Cuenca sa mga pahayag ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN