John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem spells magic in "A Very Special Love" premiere

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz thank all the people who came to the premiere night of A Very Special Love last night at SM Megamall.



Kung pagbabasehan ang reaction ng mga taong nanood sapremiere night ng A Very Special Love kagabi, July 29, saSM Megamall Cinema 9 and 10, malaki ang posibilidad na meron na namang another hit inthe making ang Star Cinema in the tradition of One More Chance and its otherblockbuster movies. A Very Special Love stars John Lloyd Cruz and SarahGeronimo.

Wala yatang hindi tumawa nang husto, celebrities andnon-celebrities alike, sa halos karamihan ng mga eksena sa movie. But then,towards the end, the movie did not fail to make audience teary-eyed and evenshed some tears dahil sa ilang touching moments between John Lloyd Cruz and hisdad, played by Dante Rivero, gayundin sa scene ni Sarah with her family. Yun nga lang, may dialogue sa movie that remindsus of one scene in When Love Begins kung saan si Ronaldo Valdez naman ang gumanap na father niAga Muhlach.

Siguradong bukod sa "sun dance" ni Sarah, another line nanaman sa movie na ito ang makaka-relate ang mga manonood. Ito ay ang "Hindi kanaman nakakapagod mahalin," na dialogue ni Sarah kay John Lloyd.

Kapansin-pansin din ang comic timing ni Sarah and John Lloydnever looked so handsome on screen dito sa A Very Special Love. Kung noon ay sinasabing hindi magki-click ang pelikula dahil walang chemistry ang dalawang bida, siguradong ngayon ay magbabago ang kanilang pananaw dahil sa kakaibang magic na dala ng tambalan nina John Lloyd at Sarah.

Mistulang naging concert din ang premiere night dahil literally ay kumantarin ang mga nanood at may beat pa ng palakpak especially sa theme song ng movie nainawit ni Sarah. Maging yung scene sa binyag ng anak ni Joross Gamboa aynagkaroon din sila ng singing session.

Todo rin ang suportang ipinagkaloob ng mga Kapamilya starssa bagong tambalan na ito nina John Lloyd at Sarah. Ilan sa mga nanood ng premiere night ay ang mga co-champions niSarah na sina Erik Santos, Rachel Ann Go, at Christian Bautista na magkakasabaydumating. Sumunod naman sa kanila si Mark Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat din ang marami sa pagdating nang sabay ng rumoredsweethearts na sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Kapansin-pansin na present ang halos buong cast ng One MoreChance, John Lloyd's movie with Bea Alonzo; tulad nina Bea Saw, Janus delPrado, Dimples Romana, at Maja Salvador.

Namataan din namin ang magkaibigan na sina Jodi Sta. Maria at Kaye Abad, na co-stars ni John lloyd sa dating teen show Tabing Ilog.

Dumating din ang ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio kasama si Ms. Cory Vidanes at tinapos talaga nila ang pelikula; gayundin ang Viva Films big boss na si Mr. Vic delRosario.

In fairness, napakaraming tao kagabi sa Megamall. As earlyas 5 p.m.pa lamang ay napakarami nang nag-aabang at nakapila sa labas ngsinehan. Kahit na dalawang sinehan ang pinaglabasan ng premiere, umaapawsa tao ang parehong sinehan.

Naniniwala kaming walang umuwi na hindi nakangiti afterwatching the movie dahil sa feel-good na dulot ng pelikulang idinirek ni CathyGarcia-Molina. Although may ilang mga eksena sa pelikula na may kaunting similaritiessa past films ni Direk Cathy, especially the confrontation of John Lloyd and Sarah underthe rain.

Pero walang-duda, ang kabuuan ng A Very Special Love willleave everyone smiling and the feeling of how wonderful it is to feel love andbe loved.

Bukod sa magandang outcome at reaction ng mga nakapanood ngpremiere last night, nabigyan din ng Grade A ng Cinema Evaluation Board(CEB) ang A Very Special Love.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) na mahingan ng reaction si John Lloyd after theirpremiere. Bakas na bakas sa mukha nila ni Sarah ang nag-uumapaw na kaligayahansa napakagandang response ng mga tao sa kanilang pelikula.

"I couldn't be happier! "Thank you! Thank you!" naiiling atmaluha-luhang pahayag ni John Lloyd.

Ano naman ang reaksiyon niya sa sa pagbibigay ng CEB nggrade na "A" sa A Very Special Love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n'yo, masayang-masaya ko. Bago pa ako pumasok sasinehan, nalaman namin na Grade A, so nakasabay pa sa reaction ng mga nanood.Wow, talagang sobrang happy! Hindi ko ma-explain," aniya.

Inamin ni John Lloyd na pati siya ay napaiyak sa kanilangpelikula.

"Na-touch ako, e. Yung scene ni Sarah with herfamily, that was very touching. Sobrang happy ako for Sarah, ang galing-galingniya!" pagtatapos ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN