Ai-Ai delas Alas reveals secret of "magic panty" in her movies with Wenn Deramas

"Kasi may pamahiin si Direk Wenn. Kapagnagpa-panty kasi ako sa pelikula, kumikita talaga yung pelikula, kaya pinagpa-panty niya ako sa movie. Parati niyangipinapakita ang panty ko," reveals Ai-Ai delas Alas about the relevance of showing her underwear in her movies with director Wenn Deramas.



Nag-resume na muling shooting ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas para sa sequel ng Ang TangingIna na pinamagatang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ang naturang pelikula naidinidirek ni Wenn Deramas ay official entry ng Star Cinema sa 2008 MetroManila Film Festival (MMFF).

More than one-fourthna raw ang nasu-shoot ni Ai-Ai sa movie. Kuwento pa niya sa PEP (PhilippineEntertainment Portal), may nakunan na ring mga eksena ng pelikula na kasama ang mga "anak" niya .

"Nandun si Shaina[Magdayao], halos lahat nandun sila. Pati si Serena [Darlymple], dalaga nasiya, 17 na. Ang role niya sa movie, mahilig siyang sumali sa rally," kuwentoAi-Ai nang makausap siya ng PEP sa kanyang restaurant na "Aisarap" sa harap ngABS-CBN last Monday, July 28.

Kumusta angpagkikita-kita ulit nila ng artistang gaganap bilang mga anak niya sa AngTanging Ina Ninyong Lahat?

"Ano nga namin ‘to,e, parang reunion after five years. ‘Tapos may ano pa kami, may anak ako na kambal. Malalaki na sila, mga seven yearsold. Ang cute nung kambal, kumakanta sila."

Mag-aasawa ba ulitsiya sa sequel ng Ang Tanging Ina?

"Wala," sagot niAi-Ai. "For the first time. Siguro mas gusto ng tao na wala akong leading man samovie."

May anak ba siya nabratty sa movie?

"Meron, si bakla, siAlwyn Uytingco. Siya yung bading na mag-aartista."

Ano ang feeling niyana pasok sa MMFF ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat?

"Natakot ako talaga kasi akala ko kasabay ko si TitoDolphy ‘tsaka si Bossing [Vic Sotto].E, nung nalaman ko hindi, ‘Ay salamat naman.' Ayoko kasi dahil respeto ko doonsa dalawa. Pero kung magkakasabay talaga, makikiusap ako na huwag na kamingsumabay. Respeto naman doon kina Tito Dolphy at Bossing," saad niya.

Ngayon pa lang aypinaghahandaan na ni Ai-Ai ang magaganap na Parade of Stars ng MMFF onChristmas eve.

"Ay, oo. Ginagawa nanila ang float ko!" biro ni Ai-Ai.

Dahil magigingpresidente ng Pilipinas ang role niya sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, maypresidente ba siya na gagayahin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, sarili kolang. Pero may konting touch of everything. Alam mo naman si Direk Wenn, spoofy?Spoofy!"

First time ni Ai-Aina may solo movie entry sa MMFF. Twoyears ago, kasama si Ai-Ai sa Shake, Rattle & Roll, na official entry ngRegal Entertainment.

"May pressuresiyempre," pag-amin ng komedyana.

Two consecutiveyears nang nag-No. 1 one sa MMFF ang Star Cinema via Kasal, Kasali, Kasalo andSakal, Sakali, Saklolo. Ano ang masasabi ni Ai-Ai rito?

"Pressured!" tawaniya. "Atake ito. Heart attack!"

Nararamdaman ba niyaang napakalaking tiwala sa kanya ng Star Cinema?

"Oo nga, dyusko! Bahalana ang Diyos. In fairness naman yung Cute ng Ina Mo at Ang Tanging Ina,talagang kumita."

Ano ang gagawin niyasa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat na iba sa Part 1?

"May eksena ako nanaka-bikini diyan," sagot niya.

First time niyangnag-bikini sa movie?

"Oo, kasi parangnagme-menopause na ako rito, e. Mainitin lang ako. Natataranta ako. Nainitanako. Una, hinubad ko yung ano ko... ‘Tapos siyempre kasi ang character ni Inah[name of her character] diyan, lituhin. Ganun si Inah, e. Very nanay na maramingginagawa, nalilito. ‘Tapos nakita ko na lang nakahubad ako, naka-bikini ako,"kuwento niya.

Kinunan daw angeksena sa isang carenderia na pag-aari ng character ni Ai-Ai sa movie, withmatching crowd.

"Pero bawal angpicture. Bawal talaga. Yung mga cellular nila kinukuha."

Ano ang pakiramdamniya nung gawin niya yung eksena?

"Siyempre kahihiyan,‘no! E, alam mo naman si Direk Wenn? Kasi may pamahiin si Direk Wenn. Kapagnagpa-panty kasi ako sa pelikula, kumikita talaga yung pelikula, kaya pinagpa-panty niya ako sa movie. Parati niyangipinapakita ang panty ko."

Kung merong "magickamison" si Mother Lily, may "magic panty" naman daw si Direk Wenn.

"Parati niya akongpinagpa-panty, ‘O, dito mag-panty ka.' Ngayon talaga bikini na ‘Day. ‘Tapospuro baba lang; ngayon pati itaas. Susunod, huhubaran mo na ako!" nakakatawangkuwento niya.

Ano ang tatak ngkanyang underwear?

"Victoria's Secret."

Nahiya ba siya doonsa eksenang ginawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nakakahiya.Nakakahiya talaga. Pero in fairness naman kasi, ang Victoria's Secret kasi, walanamang kasya sa akin dito. 34D ako, e. Yun talaga ang size ko kahit i-checkninyo sa Victoria's Secret."

May presidente ba naaapir sa pelikula niya?

"Hindi ko alam. Bakamay senador din. Si Governor Vi [Vilma Santos] in-invite ko nga, e. Sina TitaCritsy at Tito Boy, in-invite ko na, parang The Buzz ang eksena namin."

Speaking ofpresident, tuloy ba ang movie nila ni ex-President Joseph Estrada?

"Ewan ko ba dun [samovie]," maikli niyang sagot.

Kung meron daw gustong makasama rin si Ai-Ai sa pelikula, ito ay walang iba kundi ang ComedyKing na si Dolphy.

"Kahapon nga nakitako siya. Nililigawan ko na nga, e," sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN