Jolina Magdangal still not 100-percent sure about settling down

"Nakakatawa sila dahil wala silang ginagawa kundimanira. Siguro wala na lang silang magawa, ibigay na kung ano ang kaligayahannila. Bahala na si Lord sa kanila," says Jolina Magdangal about her detractors.



Nag-enjoy ang invited entertainment press sa presscon ngpelikulang I.T.A.L.Y ( I Trust And Love You) ng GMA Films aboard Island Cruise7107 docked at Pier 6 in Manila North Harbor sa Tondo, Manila, kasama ang buongcast ng movie—Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, MarkHerras, Rhian Ramos, Edgar Allan Guzman, at Eugene Domingo. Sayang nga lang, dahil sa masungit na panahon ay hindi natuloy ang cruising sana ng forthe press people, courtesy of GMA-7.

Ang daming kuwento ng mga bida tungkol sa naging experiencenila while shooting the movie sa Europe, sakay ng barkong Costa Magica. It wasindeed a memorable experience for them, lalo na kay Jolens na nakasama pa angkanyang boyfriend na si Atty. Bebong Muñoz habang nagsu-shooting; plus the fact na nag-enjoy siya ng husto sa bonding nila nina Rufa Maeat Eugene.

"Ang saya-saya talaga ng buong cast at production ngmovie na ito. Ang sarap magtrabaho kapag ganito kagagaling at ka-game ang mgakasama mo, lalo na't nasa malayong lugar pa kami nagsu-shooting. Walangnagpa-star sa amin kaya parang hindi kami nagtatrabaho, para lang kamingnagtu-tour at bakasyon grande. Super-happy ang set at hindi matatawaran angbonding namin doon, ibang level ang friendship na nabuo sa amin nina Ate P-chi[Rufa Mae] at Ate Uge [Eugene], love ko talaga sila," kuwento ni Jolina saPEP (Philippine Entertainment Portal).

Since I Trust And Love You ang title ng movie nila andeverybody knows naman how happy and in love si Jolina sa kanyang love life,naitanong kay Jolens kung ano ba ang mas mahalaga for her, trust or love?

"Para sa akin, love," sagot niya, "Kasi for me, love isthe most powerful feeling and kumbaga, apat ng letra lang yun pero nakadikit nadoon ang lahat, kasama na ang trust. Nandun na ang lahat 'pag love, yungtiwala, pagke-care sa 'yo and everything. And I'm so happy with my presentrelationship dahil almost seven and a half years na kami ni Bebong and goingstrong kami, I should say."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL WAITING FOR JOLINA TO SETTLE DOWN. Sabi pa ni Jolina, who will turn 30 years old on November 6,mukhang everybody is hoping and praying that she will eventually settle downwith Bebong.

"Actually, parang lahat talaga yun na lang anghinihintay sa akin, e. Kung pupuwede ko lang isa-isahin na, ‘Alam n'yo, hindipala ganoon kadali ang lahat.' Kumbaga, maraming factors pa kaming dapati-consider ni Bebong. Like, kauuwi lang niya galing Amerika. Kung noonna-excite kami sa pagpaplano ng wedding, pero kailangan palang i-establish yungsarili mo dito.

"Dapat kasi planado talaga lahat. Pero hindi naman kaminagsisi na nagplano pa kami ng ganoon, hindi kami nagsisi na tipong, ‘Naku,ba't kasi na-announce pa natin yung plans natin?' yung ganoon. Kasi yun namanang nararamdaman namin noong time na 'yon, e. So ngayon, hindi pa naminnagagawa ang detalye, so hindi pa muna [magpapakasal]," paliwanag niya.

Sa tingin ba niya si Bebong na talaga ang right man forher?

"Para sa akin, gusto ko na siyang makasama," sagot niJolina. "Mararamdaman mo naman kasi 'yon, e. Hindi ko sinasabing ready na akoemotionally to get married, but I'm willing to start. Parang hindi akonatatakot, pero hindi rin naman ako yung tipong kaya ko na.

"Alam kong madadapa pa rin ako along the way, pero hindi akonatatakot dahil alam ko kakampi ko si Bebong. Yun yung una naming strength nadalawa, e, yung teamwork namin nandun, e. 'Pag naiisip ko ang future ko, siyalagi ang naiisip ko at alam kong panatag ang loob ko kasi kakilala na niya ako.

"Sa ngayon, sa tingin ko ay 20 to 25 percent pa angkailangan naming bunuin to make it 100 percent and finally masabi naming thisis it na, we wanna get married. Hindi natin alam, e, basta enjoy kami. Teamworkkami, magkakampi kami ni Bebong at ‘yon ang importante sa amin."

DEDMA TO DETRACTORS. Naitanong din ng PEP kay Jolina kung naaapektuhan pa ba siyang bad publicity, write-ups, at negative comments sa kanya ng mga detractors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not affected at all," sabi niya. "Masaya naman akosa apat na shows ko [SOP, Pinoy Idol, Dear Friend, at Unang Hirit]. Masayanaman ako sa ginagawa ko sa GMA.

"Kesa magmukmok ako sa paninira... Grabe yung iba, e. Parang‘pag nababasa mo, ‘Saan galing ‘to? Mag-scriptwriter ka kaya dahil magalingkang gumawa ng kuwento!' Gusto kong ganunin, pero hindi ko na lang pinapansinkasi walang kuwenta, e.

"Hindi rin naman ako sobrang dedma, pero natatawa na langkasi ako sa mga pinagsasabi at mga comments nila sa mga blogs. Pero siyempre,tinitingnan ko. Parang, ‘Ano'ng problema nito?' May rason ka ba paramag-comment ka ng ganun?' Wala, e.

"Nakakatawa sila dahil wala silang ginagawa kundimanira. Siguro wala na lang silang magawa, ibigay na kung ano ang kaligayahannila. Bahala na si Lord sa kanila," pagwawakas ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN