Ryan Agoncillo's guest stint on "Eat Bulaga!" canceled

TV host-actor Ryan Agoncillo was supposed to guest today, July 31, on Eat Bulaga! to promote the program's Los Angeles show. But it was canceled because it might affect his upcoming shows in ABS-CBN.



Nakatanggap ng text mesaage ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) tungkol sa guesting ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga! ngayong araw, July 31, parai-promote ang airing ng Eat Bulaga! Grand Fiesta Special na ginawa saLos Angeles Sports Arena noong July 19. Mapapanood na kasi saGMA-7 sa August 2 and 4, Saturday and Monday, ang naturang palabas kung saannag-guest si Ryan at ang kanyang fianceƩ na si Judy Ann Santos.

Isa pang rason ng guesting ni Ryan dapat sa Eat Bulaga! aypara mag-host ng segment na "Sa Pula,Sa Puti" kung saan sila ni Judy Ann ang host nito sa show sa LosAngeles.

Bago pa masulat ng PEP ang tungkol doon, isa uling text angnatanggap namin at ipinaalam na hindi na matutuloy ang guesting ni Ryan sa EatBulaga! mamaya. Hindi raw pinayagan si Ryan dahil baka maapektuhan angdalawang shows niya sa ABS-CBN.

Naintindihan ng TAPE lady boss na si Ms. Malou Choa-Fagarang sitwasyon ni Ryan. Sabi niya, "If it will endanger Ryan's position inABS-CBN, we understand. But we're open to Ryan, any time he's safe to guest in EatBulaga."

Pero mukhang matagagalan maging "safe" si Ryan paramakapag-guest sa Eat Bulaga! dahil magiging busy siya sa dalawang showsniya sa ABS-CBN at isang show sa TV5 (formerly ABC-5).

Sa Friday, August 1, ipakikilala na si Ryan as the host of PinoyFear Factor. Ang balita aysa first week na ng August ang alis niya at kanyang crew para mag-shoot sa isangbansa sa South America. Si Ryan din ang gaganap na bida sa TV remake ng Pieta.

Sa TV5 naman, siya ang host ng Talentadong Pinoy, angFilipino adaptation ng 30 Seconds To Fame. Isa ang talent show samaraming shows na ilu-launch ng network via a musical extravaganza on August 9.

Hindi pa kasama sa calendar ni Ryan ang pelikulang gagawinnila ni Judy Ann sa Regal Entertainment, to be directed by Joey Reyes. Peropaano pa kaya maisisingit ito ni Ryan gayong kaliwa't kanan ang projects niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN