Precious Adona wants to prove she's more than just a sexy actress


Viva's new gem Precious Adona doesn't want tobe typecast as purely a sexy actress. After Torotot,the FHM May 2008 cover girl is itching to try out other roles that wouldshowcase her acting talent. "I'm willing to do any kind of roles. I really want to be a drama actressor a singer," she told PEP (Philippine Entertainment Portal) in a recentconversation.



Magkahalong kaba at excitement ang nadarama ngayon ni Precious Adonadahil malapit na ring ipalabas, sa wakas, ang kanyang launching film under VivaFilms na pinamagatang Torotot.

August 20 ang launching date ng nasabing pelikula; 'sakto naman dahilAugust 22 and birthday ni Precious. Aminado ang dalaga na nakakaramdam siya ngpressure lalo pa't matagal-tagal na ring nag-lie low ang mga sexy movies satakilya.

"Kasi sabi sa ‘kin ni Maui [Taylor], it's either you make it or breakit," banggit ni Precious nang makausap ito ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) recently.

Natural lang naman siyempre na kabahan ang isang artista lalo pa nga'tlaunching movie ang pinag-uusapan. Ngunit aware din si Precious sa napakalakingtiwala na ipinagkaloob sa kanya ng Viva. Sinabihan nga raw siya ni Maui na,"Magpasalamat dahil hindi lahat ay nabibigyan ng break."

Patuloy ni Precious, "Kailangan maghihintay ka pa ng sobrang tagal atmapatunayan ‘yong sarili mo bago ka nila bigyan ng break at i-launch ng ganoon kabilis.Kaya sobrang thankful ako, hindi ko naman sinasabi na perfect 'yongpagkaarte ko sa Torotot pero sana maa-apreciate ng mga tao na that is my firstmovie and that I really tried my best."

MORE THAN JUST A SEXY ACTRESS.Una nang gumawa ng ingay si Preciousnang lumabas sa May 2008 issue ng FHM. Kung titingnan ang past covers ngnasabing popular men's magazine, masasabing pinaka-daring sa lahat ang ginawa niPrecious. Dahil tuloy dito ay lalong nasabik ang mga kalalakihan na mapanoodang Torotot. Kung sa magazine pa ngalang ay sobrang daring na ni Precious, e, ano pa kaya sa pelikula, katuwiran ngilang fans.

Napangiti si Precious nang mabanggit namin ito sa kanya ngunit bigla rinitong kumabig at kinumpisal sa amin na hangga't maaari ay ayaw niyang makilalalang solely as a sexy actress.

"Sinabi ko po sa handler ko 'tsaka kay Boss Vic na the break that theygave me na sexy...sana ‘yon na ‘yong first and last. If you know me, thereal person, [ang] pagiging sexy, hindi siya ako. Although ‘yong mga artistakaya nga artista you have to act like somebody else, just act the character.Pero I count that as an experience. Iba naman [for future projects], I'mwilling to do any kind of roles. I really want to be a drama actress or asinger."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nangangahulugan ba na pinagsisisihan na niya this early angpagpapakita ng skin sa harap ng kamera?

"I think in a way I did the right choice," seryosong sagot ni Precious. "Kahitma-label man nila ako na sexy actress, di ba si Piolo [Pascual] naman started as a sexyactor also? So, probably, if I get to show people my capabilities with actingsiguro makikita nila na hindi lang paghuhubad o pagpapa-sexy 'yong magagawa ngbatang ‘yan marami pa siyang magagawa at malayo pa ang mararating niyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN