Bianca Gonzalez willing to try acting if paired with Taiwanese actor Wu Chun

"Sobrang crush ko siya, I told Tito Boy [Abunda, hermanager] nga, ‘Alam mo na di ako umaarte pero ‘pag ka-partner niya ako, aarteako!'"says Bianca Gonzalez of Taiwanese actor Wu Chun (inset).



Maraming ispekulasyon na nabuo nang magsilabasan ang mgalitrato at videos nina Bianca Gonzalez at ang ex-boyfriend nitong si Direk LinoCayetano.

Kabe-break lang kasi ni Direk Lino sa Megadaughter na si KC Concepcion,at ilang araw pa lang ng breakup ay nakitaan na agad si Direk Lino ng mgalitrato't video na puwedeng pagtagni-tagniin ng mga makakating-dila bilang patunayna binalikan na nito ang dating girlfriend na si Bianca.

NOT BACK WITH LINO. But when PEP (PhilippineEntertainment Portal) caught up with Bianca last July 29, sa pictorialng clothing line na Meg with friend Mariel Rodriguez, sinabi nito na hindi sila nagkabalikan ni Direk Lino after his breakup with KC at open na siya ulito entertain new suitors.

"We're super okay, we're friends but then just like I'vebeen saying at the start of the year, we're not together talaga," paliwanag niBianca sa PEP when asked about Direk Lino.

"Sa akin kasi ito yung paniniwala ko, not just because we'reboth single, ‘O sige, we'll get back together na.' It's more complicatedthan that na. Kami kasi [ni Lino] we know each other so very, very well. Weknow each other's best quality and even the worst kaya kailangang pag-isipan,if ever, we want to be together again or just better off na maging magkaibiganna lang. And right now, we're not together.

"Nung we started talking again, we didn't talk about it[getting back together] na serious. Just like I've said, kilala na namin angisa't isa so well, and we just both know na...not now."

Bianca told PEP that she's even open to the possibility thatLino might find someone new, and she said Lino expects also that she might getinto a relationship, too.

"That's bound to happen and we're both prepared for that,for both sides. I'm sure time will come na baka may ma-type-an siya,likewise with me. He knows that day will come, at baka may makilala akongiba. Coz I'm single and I'm ready to mingle!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORK WITH WU CHUN. Sa visit ng Taiwanese star na siWu Chun, bida sa Taiwanese soaps na Hana Kimi and Romantic Princess,inamin daw nito na crush niya si Bianca. Bianca also admitted to PEP na crushniya rin daw ang Taiwanese actor. She also said she's open to work with himeven if it calls for her to act, kahit na hindi niya makita ang sarili bilangisang newbie actress.

"Nabaliw ako dun, sobra! Nung sinabi niya sa akin nanaaalala niya raw ako, sobrang humaba ang buhok ko hanggang tuhod. I'mreally excited! Kasi nga babalik sila dito. I don't know kung magko-concertyata or promo lang.

"Sobrang crush ko siya, I told Tito Boy [Abunda, hermanager] nga, ‘Alam mo na ‘di ako umaarte pero ‘pag ka-partner niya ako, aarteako!'Niloko nga ako nung isang writer namin in E-Live that in ouranniversary daw, pupunta ako ng Taiwan to interview Wu Chun. Sabi ko, 'Whynot?' It's my dream talaga to host internationally, to represent thecountry, pero mag-aaral muna ako ng Taiwanese."

IMAGE MODEL. As Meg's new image model along with Mariel, masaya si Bianca to be part of familyng nasabing clothing line.

"It's an honor talaga. The people from Meg, theytrusted us to endorse them. We're talking nga yesterday, the owner of Meg,sabi nila, yung mga clothes daw nila is more of college, working people, oreven high school. Yun ang market na gustung-gusto namin talaga. The clothes arefun, very casual, not so dressy. Ganun din ang style ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN