Pauleen Luna explains why she ran away from Lhar Santiago

"Tito Lhar was there sa dressing room namin. Sabi niya,‘Pau, intrebyuhin kita!" Sabi ko, ‘Pasensiya na po, Tito Lhar, kasi hindi ko papo kayang magsalita tungkol sa breakup namin ni Sherwin.' Sabi niya, ‘Sige na!'Sabi ko, ‘Sorry po!' ‘Tapos tumakbo ako na nakabungisngis. Hindi ko namanalam na mao-offend ko siya in that way," explains Pauleen Luna.



Nauna nang nagpaliwanag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mrs. ChatLuna, ang mommy ng young star na si Pauleen Lunatungkol sa diumano'y pang-iisnab ni Pauleen sa veteran showbiz reporter na siLhar Santiago. Nangyari ang insidente sa L.A. show ng Eat Bulaga! acouple of weeks ago, kunsaan isa si Pauleen sa mga co-hosts ng show.

Kahapon, July 31, pagkatapos ng Eat Bulaga! ay nagkaroon nang chance ang PEP na makausap ang dalaga tungkol sa isyu sa kanila ni Lhar.

PAULEEN EXPLAINS. "Utos kasi ng dad ko na huwagna muna akong magpapa-inteview tungkol kay Sherwin [Gatchalian, Pauleen'sex-boyfriend]. And also ayoko rin na may ma-offend na ibang tao, especially saparty ni Sherwin, and sa party ko, sa family.

"Tito Lhar was there sa dressing room namin. Sabi niya, ‘Pau, intrebyuhinkita!" Sabi ko, ‘Pasensiya na po, Tito Lhar, kasi hindi ko pa po kayangmagsalita tungkol sa breakup namin ni Sherwin.' Sabi niya, ‘Sige na!' Sabi ko,‘Sorry po!' ‘Tapos tumakbo ako na nakabungisngis. Hindi ko naman alam namao-offend ko siya in that way.

"Kasi si Tito Lhar naman ever since, alam naman niyang sobrang mahal ko siya.Kasi kahit anong interview niya noon sa akin, inoohan ko. It's just thatthis time it's quite personal. And wala pa talaga akong sinasabihan. Exceptyung one time na na-impromptu ako ni Tito Joey [de Leon]. Siyempre si Tito Joeyis like my father, hindi ko talaga matatanggihan.

Pero paliwanag naman ni Lhar ay hindi ang tungkol sa breakup nila ni Sherwinang tatanungin nito sa kanya.

"Siguro ano, natakot lang ako na may masabi akong hindi pa dapat. Kasinaniniwala ako na when you're not emotionally stable kung anu-ano minsan angnasasabi mo. E, hindi pa nga ako ready, so, hindi ko pa kayang magsalita."

MISUNDERSTANDING. Dahil sa insidenteng yun ay nagsalita si Lhar sa morningshow na Unang Hirit kung saan may segmentito. Ikinuwento nito ang naging pangit na karanasan niya kay Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interbyu nga ni Lhar sa PEP, sinabi nitong ayaw na sananitong lumaki pa ang isyu sa kanila ni Pauleen dahil pareho silang Kapuso.Nasaktan lang daw talaga ito sa ginawi ni Pauleen na pagtakbo at pag-iwan sakanya nung iinterbyuhin na nito ang dalaga. Dagdag pa nito, hindi pa raw siyanakaranas ng ganoong gawi kahit na sa mas malalaki pang artista kesa kayPauleen.

"Napanood ng dad ko at ng mga kamag-anak namin ang sinabi ni Tito Lhar tungkolsa akin. So, nang malaman ko na na-offend ko siya, that same day na nagsalitasiya sa Unang Hirit I texted him agad. Sabi ko, ‘Pasensiya na po. Ididn't mean to offend you.' Pero hindi naman siya nag-reply. Okey lang, mahalko pa rin naman siya. Siguro ano lang, nagkaroon ng misunderstanding."

AFTER THE BREAKUP. Kamusta na ba siya after the breakup? Bakit may mganagsasabi na kahit nasa ibang bansa na siya ay halata pa rin ang lungkot sakanyang mga mata? Apektado pa rin daw ba siya ng breakup nila ni Sherwin?

"Sinungaling ang nagsabi nun. Kahit itanong ninyo pa sa mga nakasama ko, ako nga ang pinakamasaya. Kasi first time kong nag-States, first time kongnag-Universal [Studios]. First time kong nag-Disneyland. Ang saya-saya kotalaga!"

Bakit noong naghiwalay sila ni Marvin Agustin aynagawa niyang magsalita at sabihin ang naging ugat ng hiwalayan nila? Bakityung sa kanila ni Sherwin ay tipid siyang magsalita?

"Kasi nga yung family ni Sherwin, nirerespeto ko nang sobra. Saka super mahalko pa sila. And I don't want to hear something from them na hindi ko gusto.

"Alam ninyo naman ang tsismis, dagdag-bawas. So ayoko namunang magsalita. I don't wanna say anything first unless I'm really ready na alam ko na yungsasabihin ko na maayos na lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN