Meet Schinina Juban, "The Debutante"'s Ultimate IT Girl

"I really worked hard for it, and I think I'm deservingto win. Ginawa ko po lahat ng challenges sa loob ng three months ng realitysearch," says Schinina Juban, the Ultimate IT Girl of the reality show TheDebutante.



Sa mga reality contest, lagi na lang may sob stories ang mgacontestants, at usually, nagiging underdog sila. Meron ding kahit hindi deserving,nananalo through text votes. Kaya kung minsan, ang tanong: ano ang kasalanankung nakaluluwag sa buhay ang isang contestant, kahit deserving, matatalo?

Pero naiiba ang reality search na The Debutante ngQTV Channel 11, dahil ang tinanghal na Ultimate IT Girl sa grand finals nightlast week ay isang contestant who belongs to a well-to-do family. Nakausap ngPEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, July 29, sa DulcineaRestaurant in Tomas Morato, Quezon City ang winner na si Ma. Schinina YusecoJuban.

Naiiba ang name ni Schinina at sabi ng Mommy Tina niya,hindi pa raw canonized ang Italian holy man na kinuhanan niya ng pangalan nganak.

SHE DESERVES IT. Sa palagay ba ni Schinina, deservingsiyang manalo bilang Ultimate IT Girl ng The Debutante?

"I really worked hard for it, and I think I'm deservingto win," nakangiting pahayag ng 17-year-old IT Girl."Ginawa ko polahat ng challenges sa loob ng three months ng reality search, isa po ritoiyong hindi ko malilimutan na nagtinda kami ng isa sa finalists, si Kate, ngbulaklak ng sampaguita sa Quiapo para tulungan iyong pamilyang tinirahan namin doon.

"Naranasan namin iyong itinataboy kami ng ibang nagtitindang sampaguita dahil hindi raw sila makabenta, sa amin kasi bumibili ang mgatao. Pero nakiusap kami na isang araw lang naman iyon na magtitinda kami ngsampaguita at iyong kikitain namin, ibibigay naming tulong sa mahirap napamilya. Nahirapan din po kami doon sa wakebording sa CamSur dahil first timenaming ginawa iyon at nagkaroon din kami ng mala-Survivor challengedoon."

Hindi ikinaila ni Schinina na medyo may kaya naman sila kayaiyong scholarship grant na isa sa mga prizes na natanggap niya ay ibinigay naniya sa runner-up niya, si Bea, dahil mas kailangan nito. Ang iba pang prizesna natanggap niya ay P50,000 cash prize, trip to Boracay for five persons,managerial contract sa GMA Artist Center for three years, at isang home theatershowcase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING TO KNOW SCHININA. First year college siSchinina sa De La Salle University taking up Communication Arts. She's also oneof "Manila's Five Loveliest in 2006-2007." May three older brotherssiya at siya ang bunso at only daughter ng parents nilang sina Lope at TinaJuban.

Hilig ba niyang mag-artista at hindi ba siya pinigilan ng parentsniyang pasukin ang showbiz?

"Hindi po nila ako pinigilang mag-join ng realitysearch dahil bata pa ako, hilig ko na rin ang umarte-arte at madalas ayisinasama ako ng daddy ko who is a local producer ng mga Hollywood shows naginagawa rito tulad ng The Apocalypse, Survivor, Amazing Race,sa mga shoot nila dito sa bansa."

Biniro si Schinina kung sakaling mag-offer ba ang FHMo iba pang men's magazine, papayag ba siyang magpa-cover?

"It's a big no po!" natatawang wika ni Schinina."Isa pa, napakabata ko pa po at hindi ko kaya iyong mga sexy pictorial natulad noon. Bukod po sa bago kong career, priority ko po ang studies ko. Sincefull-load ako ngayon, kung may work, kahit po sa school ay mag-aaral na akobago ako pumunta sa commitments ko."

LOVI LOOK-ALIKE. May nagsabi na ba sa kanyang mayhawig siya sa actress-singer na si Lovi Poe? Kahit kasi ang hairstyle nila ni Lovi ay magkapareho. Hindi kaya kungmakita siya ni Jolo Revilla ay ligawan siya nito? If ever ba, papayag siyang makatambal si Jolo?

"Kapitbahay po namin sila sa Ayala Alabang. Friend kopo si Inah [Jolo's sister] at barkada ng mga brothers ko sina Bryan atJolo," natatawang wika ni Schinina.

"Sayang nga po noong wedding ni Inah hindi akonakapunta kasi may mga challenges kaming ginagawa noon. Okey lang po sa akinkung makakatambal ko si Jolo, at least po, kilala ko na siya."

BOYS. Crush ni Schinina sina Dingdong Dantes atGerald Anderson, pero ang gusto niyang makatambal, si Richard Gutierrez nabalita raw niya ay very professional magtrabaho. Gusto rin daw niya si Chris Tiu, kahit daw taga-Ateneo Universityito, dahil Kapuso naman niya. Ang favorite actress naman niya ay si Iza Calzadodahil napakahusay daw nitong umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang motto ni Schinina, "To believe in myself," atang philosophy niya, "Everything happens for a reason." Mahilig dawsiyang mag-travel at ang favorite destination niya ay London and Europe.Although wala pa naman siyang boyfriend, kung ikakasal daw siya, gusto niya aysa Venice at doon na rin ang honeymoon. Sa Asia, ang gusto niyang puntahan ayMacau, China.

May coming projects na ba sa kanya ang GMA Artist Center?

"Dapat po noon ay kasama ako sa Asian SupermodelSearch dahil pasok po ako sa requirements nila, kaya lang hindi po akopinayagan ng The Debutante dahil ten days akong mawawala, at ayaw ko rinpo namang masayang ang pinagpaguran ko na. May mga TV guestings po muna ako, atsoon, magkakaroon po kami ng isang entertainment news magazine show ni HeartEvangelista sa QTV Channel 11."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN